Sa gitna nitong COVID-19 pandemic (pati kawalan ng tiyak na mabisang lunas o bakuna) at mga sakuna, natural lang na makaramdam tayo ng takot at pangamba para sa kalagayan natin at ng ating mga mahal sa buhay.
Mahalaga na mapanatili nating malakas ang ating mental health kahit na kaliwa’t kanan ang dumadating na problema. Kaakibat kasi ng malakas na resistensyang pisikal ang good mental health sa pagprotekta ng ating katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit, lalo na ang coronavirus sa panahon ngayon.
Kung ikaw ay may pinagdaraanang problema na malaki ang dagok sa iyong mental health, narito ang ilang paraan para maging stress-free at kalmado sa gitna ng unos:
- Huminga nang malalim at mahaba
Ayon sa mga human behavioral experts, ang pag-inhale at pag-exhale nang tama ang pangunahin at pinaka-epektibong technique to calm down kung tayo ay stressed at galit sa kung ano o sino man. Kapag ang tao raw ay anxious, kadalasan ang paghinga natin ay mabilis at mababaw na siyang nagpapadala ng mensahe sa ating utak na nagti-trigger ng fight-or-flights response.
Maraming paraan ng tamang paghinga. Kung gamay mo na itong breathing exercise na ito, ang mainam na sunod na hakbang ay ang pag-visualize sa sarili na kalmado. Para magawa ito, pumikit pagkatapos ng ilang mahabang paghinga at i-imagine ang sarili na relaxed ang katawan at nananatili ang pokus sa gitna ng isang anxiety at stress-causing na sitwasyon. Sa pamamagitan nito, mayroon ka nang mababalikan na mental picture sa tuwing ikaw ay balisa at kailangang kumalma.
- I-shift ang atensyon sa ibang bagay
Malaking tulong ang pag-iisip at paggawa ng ibang bagay para maging kalmado. Kung ikaw ay stressed at overwhelmed sa trabaho, pag-aaral, o kung ano pang bagay, makatutulong ang pakikinig sa musika at pagsusulat ng iyong damdamin.
Ilang pagsasaliksik na ang nagpapatunay na epektibong stress-reliever ang music dahil sa taglay nitong calming effect sa katawan at isipan. Kahit anong genre pa, basta iyan ang paborito mong pinakikinggan, malaki ang tulong ng musika na pawiin ang pagod at pangamba sa ating isipan.
Sa kabilang banda, maaari mo rin isulat ang lahat ng nasa isip mo. Isipin mo na kausap mo ang iyong sarili at maiintindihan ka niya nang buong-buo kahit sa paanong paraan mo isulat ang iyong saloobin. Sa pamamagitan ng pagsusulat, mailalabas mo ang negative thoughts sa iyong isipan na madalas makalason kapag hinayaang makaapekto sa pag-iisip.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-calms-down-breathes-deeply-1751463602
- Ilabas ang stress at anxiety sa ehersisyo
Dahil sa banta ng COVID-19 at sa ipinatutupad na health safety protocols, maaaring hindi ideal na lumabas para idaan sa jogging o walking ang mga cause of stress sa buhay. Kung feasible ang outdoor exercises, edi good. Pero kung hindi, marami namang ibang paraan para pagpawisan sa loob ng bahay. Kahit anong uri, ang physical activities kasi ay nakakapag-release ng serotonin na nakatutulong sa ating na kumalma at gumanda ang pakiramdam.
Gayonman, hindi mainam ang extreme physical activities na maaaring makasakit sa ating katawan tulad ng pagsigaw at pagsuntok sa pader. Ito kasi ay nag-i-incite ng anger na siyang kabaligtaran ng nais natin na kumalma.
Ilan sa mga indoor activities na maaari mong gawin para kumalma ay yoga at stretching exercises, weightlifting (kung may sariling equipment sa bahay), at cardio workout.
- I-challenge ang saloobin at pag-isipan ang sitwasyon
Kadalasan kaya tayo nagkakaroon ng matinding stress ay dahil hindi natin alam kung paano at ano ang dapat gawin sa ating nararamdaman. Kung nakapag-breathing exercises ka na, keep calm at basahin ang sitwasyon kung maaari bang makaapekto ang pagpapasakop sa takot at pangamba sa hinaharap. Tanungin ang sarili kung ano ang maaaring worst case scenario at kung kaya mo bang i-handle ito.
Ang pagsi-simulate ng iba’t ibang scenario sa utak ay makatutulong kahit papaano to stay calm ang ibaling ang pokus sa mga posibleng consequences ng kung ano mang aksyon na gagawin sa ngayon. Mahalaga na manatili ang ating rational at forward thinking upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na bagay sa hinaharap.
Habang pinag-iisipan mo ang mga future scenario na ito, hindi mo namamalayan na unti-unti ka na ring nagiging kalmado at napapawi ang iyong takot at pangamba.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/pain-wamans-body-asian-woman-has-1833853372
- Hanapin ang pressure points sa katawan
Hindi pa advisable sa ngayon na pumunta sa mga spa at massage places dahil nga sa banta ng coronavirus. Pero kung may kasama sa bahay, maaaring magpatulong na masahihin ang iba-ibang parte ng katawan para ma-release ang tensyon at ma-relax ang katawan. Pwede mo rin ito gawin nang mag-isa sa pamamagitan ng pagpisil ng iyong palad gamit ang kabilang kamay. Isa sa mga parte na maaari mong pisilin ay ang dugtungan ng iyong kamay at pulso.
Posibleng maapektuhan ng tensyon sa katawan ang ating postura. Kaya naman mainam na calming technique rin ang pag-upo nang tuwid sabay hinga nang malalim at kasabay nang pag-exhale ay ibagsak mo iyong balikat. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang kumalma.
Lahat naman tayo ay nakakaramdam ng takot at pangamba sa isang punto ng ating buhay. Oo normal na bahagi ito ng ating pang araw-araw, pero hindi tayo dapat magpasakop sa negatibong pakiramdam na ito. Ang pagiging kalmado sa harap ng mga problema ang magiging susi para malampasan natin itong pagsubok.
Sources:
https://www.healthline.com/health/how-to-calm-down#1.-Breathe
https://www.everydayhealth.com/columns/therese-borchard-sanity-break/10-quick-ways-to-calm-down/