Tamang habits upang maiwasan ang constipation

June 19, 2019

Kung nakaranas ka na ng constipation, marahil may ideya ka na kung gaano kahirap magkaroon nito. Nandiyan na ang pananakit ng tiyan, ang hirap na makapaglabas ng dumi, at ang kawalan ng ganang kumain.

Dahil sa mga tindi ng sintomas na nararanasan sa tuwing may constipation, narito ang isang simpleng guide upang maiwasan ang constipation:

  1. Mag-ehersisyo nang regular

Kung ikaw ay bihira lamang mag-ehersisyo at madalas nakaupo lamang, mataas ang tiyansa na ikaw ay makaranas ng constipation.

Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw. Hindi naman kinakailangang pagurin ang iyong katawan o magbuhat nang mabibigat. Subukan lamang, kahit sa loob lamang ng 15 hanggang 30 minutes, ang stretching o jogging para ma-banat ang iyong mga muscles sa katawan. Mabuti rin itong habit para makaiwas din sa iba pang uri ng sakit.

  1. Uminom nang sapat na tubig

Mataas ang tyansang na maging constipated kapag dehydrated o kulang sa tubig ang isang tao. Kaya naman, huwag kalimutang uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw. Kung ikaw naman ay nakararanas na ng constipation, posibleng makatulong ang pag-inom ng carbonated drinks gaya ng soda water na hindi mataas o walang sugar content.

  1. Huwag pigilan ang pagdumi

Minsan sa sobrang pagkabusy, nakaugalian ng ibang tao na magpigil ng pagdudumi. At kadalasan, umaabot sa punto na nakakalimutan na ang pagdumi at hindi na nararamdaman ito.

Kaya sa oras na maramdaman mo na ikaw ay nadudumi, huwag pigilan o gumawa ng paraan upang makapagbanyo.

  1. Magkaroon ng bathroom routine

Para hindi maging hadlang ang pagdudumi sa iyong pang-araw-araw na trabaho at gawain, subukang gumawa ng isang bathroom routine.

Ugaliing pumunta sa banyo matapos ang 15 hanggang 45 minutes makalipas ang umagahan. Gawin ito sa parehas na oras araw-araw upang maging regular ang iyong pagdumi at masanay ang iyong katawan.

  1. Kung mayroong maintenance medicine, sundin lamang ang nakareseta

May mga gamot na maaring maging magdulot ng constipation. Ito madalas ay ang mga antacid, narcotics, antidepressants, at mga gamot na pampababa ng blood pressure.

Kung ikaw ay nakararanas ng constipation sa tuwing gagamit ng mga gamot na ito, komunsulta sa iyong doktor. I-check kung mayroon siyang mairerekomenda alternatibo o ibang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng constipation.

  1. Paggamit ng laxative

Okay ang paggamit ng laxative tulad na lamang ng RiteMED Bisacodyl. paminsan-minsan dahil nakakatulong ito sa pagdudumi.

Pero kapag napasobra ang paggamit nito, hindi ito nakakabuti.

  1. Dagdagan ng fiber ang iyong kinakain

Isa sa pangunahing dahilan ng constipation ay ang kakulangan ng Fiber sa diet. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang paggamit ng RiteMED Fibermate upang makatulong sa pagdaloy sa iyong digestive system at ma-prevent ang constipation.

References:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322382.php

https://www.webmd.com/digestive-disorders/habits-cause-constipation#1

https://www.webmd.com/digestive-disorders/eat-healthy-exercise#1