Pananakit ng Tiyan: Kailan Dapat Ikabahala?

October 29, 2018

Isa sa pinaka-common na pain na maaaring maranasan ng isang tao ay ang sakit sa tiyan. Ang stomach ache ay tumutukoy sa kahit anong kondisyon sa tiyan na nakakapgdulot ng pagkasira sa functions nito, gaya na lamang sa digestion, pagdumi, at pagproseso ng mga kinain.

 

Ang sakit sa tiyan ay may iba’t ibang uri at sanhi depende sa kung ano ang naging trigger nito. Para mas maintindihan kung paano suriin ang sakit ng tiyan, alamin muna natin kung anu-anong klaseng stomach pain ang nangangailangan ng ibayong atensyon, kasama na rin ang mga sintomas nito, mga posibleng solusyon, at kung kailan ito dapat ikonsulta sa doktor.

 

  1. Stomach Flu

 

Kilala rin sa tawag na viral gastroenteritis, ang pananakit ng tiyan ay dala ng inflammation sa stomach at intestines epekto ng pagdapo ng iba’t ibang viruses gaya ng norovirus at rotavirus. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o inumin mula sa hindi malinis na pagkaka-prepare gamit ang maduming tubig, mga taong carrier ng stomach flu viruses, at ‘di-maayos na paghuhugas ng kamay.

 

Ilan sa mga sintomas nito ang:

 

  • Nausea o pagkahilo;
  • Diarrhea;
  • Lagnat na maaaring samahan ng panginginig o chills;
  • Pamamawis;
  • Kawalan ng gana kumain; at
  • Pananakit ng katawan.

 

Kadalasan, umaabot lang ang mga sintomas nito ng isa hanggang sampung araw. Bantayang mabuti ang mga sintomas at siguraduhing magpatingin na agad sa doktor kapag:

 

  • Ang diarrhea ay umabot na ng tatlong araw o higit pa nang hindi nababawasan ang frequency o ang dami ng beses na dumudumi sa loob ng isang araw;
  • Kapag may nakitang dugo sa dumi; at
  • Kapag may napapansin nang signs ng dehydration gaya ng pagkatuyo ng mga labi, pagkahilo, at pamumutla.

 

  1. Food Poisoning

 

undefined

 

Photo from Unsplash

 

Mula sa pangalan ng kondisyong ito, ang food poisoning ay nagdadala ng pananakit ng tiyan dahil sa pagkonsumo ng pagkain na kontaminado ng bacteria, viruses, o parasites dahil sa hindi maayos na pagkakaluto. Isa ito sa mga sakit ng tiyan na maaaring maging nakamamatay kapag hindi naagapan. Hindi agad-agad nagpapakita ang mga sintomas nito dahil nakadepende ang mga ito sa source ng impeksyon.

 

Ilan sa symptoms na dapat bantayan ang:

 

  • Diarrhea;
  • Panghihina;
  • Pananakit ng ulo;
  • Pagsusuka;
  • Kawalan ng gana kumain;
  • Mababang lagnat; at
  • Pagkahilo.

 

Sa malalang mga kaso, taglay na ng pasyente ang mga sintomas na ito. Agad na kumonsulta sa doktor kapag napansin na ang:

 

  • Mataas na lagnat;
  • Panlalabo ng paningin;
  • Diarrhea na tumagal na sa higit na tatlong araw;
  • Ihi na may kasamang dugo; at
  • Mga sintomas ng matinding dehydration gaya ng kaunting pag-ihi.

 

  1. Indigestion

 

Tinatawag ding dyspepsia, ang indigestion o ang hindi pagkatunaw ng pagkain ay resulta ng ‘di-maayos na eating habits o kaya problema sa digestion. Maaaring na-trigger din ito ng pagkonsumo ng maanghang, mamantika, o matatabang pagkain at paghiga agad matapos kumain. May koneksyon din ang sakit ng tiyan na ito paninigarilyo at labis na pagkonsumo ng alcohol.

 

Maaaring magdala ng mga sintomas na ito ganitong klase ng sakit sa tiyan:

 

  • Bloating o pakiramdam na puno ang tiyan kahit hindi pa busog;
  • Heartburn;
  • Nausea o pagkahilo;
  • Pagsusuka; at
  • Labis na paglalabas ng gas.

 

Hindi dapat mag-atubiling magpatingin agad sa doktor kapag nararanasan na ang kahit ano sa mga sintomas na ito:

 

  • Malubhang pagsusuka;
  • Pagsusuka na may kasamang dugo o kaya naman ay may itsura gaya ng coffee grounds;
  • Itim na dumi;
  • Biglaang pagbaba ng timbang; at
  • Pagiging hirap sa paglunok.

 

Anu-ano ang mga pwedeng gawin na home remedies para sa iba’t ibang pananakit ng tiyan?

 

  1. Uminom ng fluids na mataas sa electrolytes gaya ng sports drinks at coconut water.

undefined

 

Photo from Unsplash

 

  1. Kumain ng mga pagkain na madaling i-digest, manipis ang lasa, mababa sa fat gaya ng banana, oatmeal, sabaw, pinakuluang gulay, gelatin, at crackers.

 

  1. Umiwas muna sa mga inuming may caffeine dahil napapalala nito ang kondisyon ng digestive tract. Kung gusto namang mag-tsaa o magkape, may mga decaffeinated na products na pwede ninyong subukan.

 

  1. Itigil ang masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak para hindi ma-trigger ang pananakit ng tiyan.

 

  1. Naiibsan ang stomach ache sa pag-inom ng gamot para sa sakit ng tiyan gaya ng over-the-counter na loperamide na nakakapagpagaan ng diarrhea. Para sa adults, uminom ng dalawang capsule at sundan agad ng isa pang capsule matapos mag-LBM o loose bowel movement. Sundan din ang dosage na ayon sa doktor kung kayo ay nagpakonsulta.

 

Paalala: Kung walang improvement sa diarrhea, kailangang magpatingin sa doktor. Maaaring nangangailangan na ng iba pang solusyon para sa iyong sakit sa tiyan. Ang pag-inom ng gamot ay ginagawa lamang para mabasawan ang pagkadalas ng pagdumi at makaiwas sa dehydration.

 

  1. Sa malulubhang kaso gaya ng sa food poisoning, maaaring irekomenda ng doktor ang oral hydration methods. Kung hindi naman umigi ang pakiramdam sa pagsunod nito, pwedeng ipayo ng doktor ang hydration sa tulong ng intravenous o IV fluids sa ospital sa pamamagitan ng dextrose. Depende sa klase ng sakit ng tiyan, maaaring ipaospital muna ang pasyente para hindi lumala ang dehydration at mauwi sa kamatayan, lalo na sa mga bata.

 

Ang tips na ito ay inirerekomendang gawin muna habang inoobserbahan ang kalagayan ng tiyan. Kung malubha na ang nararamdamang sakit at hindi naiibsan sa kahit anong remedies na ito, huwag magdalawang-isip na kumonsulta agad sa doktor para maiwasan ang paglala ng mga sintomas.

 

Kung pabalik-balik na ang kahit anong uri ng sakit sa tiyan, baka nangangailangan na ito ng medical attention. Siguraduhing itala at tandaan ang mga sintomas na nararanasan pati ang dalas ng pag-experience sa mga ito para makatulong sa doktor sa pagtukoy sa health condition ng tiyan. Maaari ring magpasailalim sa tests gaya ng stool exam, colonoscopy, at iba pang mga hakbang na pwedeng gawin para makasigurado.

 

Sources:

 

https://www.healthline.com/symptom/abdominal-pain

https://www.healthline.com/health/viral-gastroenteritis#symptoms

https://www.healthline.com/symptom/indigestion

https://www.healthline.com/health/food-poisoning#symptoms