Mga Solusyon sa Constipation

August 17, 2018

Ang constipation ay isang kondisyon na may kinalaman sa digestive system, kung saan ang indibidwal ay nahihirapan maglabas ng dumi. Kadalasan, matigas ang dumi dahil nag-absorb ng masyadong maraming tubig ang colon na galing sa kinain. Kapag ang isang tao ay constipated, hirap sa pagdumi at hindi normal ang bowel movement nito.

 

Ang bowel movement ay hindi pare-pareho sa isang tao. Mayroong nagbabawas tatlong beses sa isang araw at mayroon namang tatlong beses sa isang linggo. Ang walang bowel movement ng tatlo o lagpas pang mga araw ay hindi healthy sa katawan. Halos lahat ay nakaranas na nito ngunit maigi pa rin na malaman kung anu-ano ang dapat na tandaan ukol sa constipation.

 

Sanhi ng Constipation

 

Maraming sanhi ang pagkakaroon ng constipation. Isa na rito ang kakulangan sa physical activity ng tao. Malaking epekto rin ang kakulangan sa intake ng tubig o fiber na nakakatulong para sa regular bowel movement. Nagiging dahilan din ng constipation ang pagbabago sa mga kinakain at activities araw-araw. Narito ang ilan pa sa mga sanhi ng constipation:

 

  • Stress
  • Mga gamot na ininom para sa pain gaya ng narcotics at ibang antidepressant
  • Pagpigil sa pagbabawas
  • Labis na paggamit ng laxatives
  • Intake ng ibang antacid na mayroong calcium o kaya naman ay aluminum
  • Pagbubuntis
  • Aging
  • Kakulangan ng water intake at iba pang fluids
  • Kakulangan sa mga pagkain na mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay

 

Ang pagkain ay ang isa sa pinakamalaki ang kontribusyon sa pagkakaroon ng constipation. Narito ang ilang halimbawa sa mga pagkain at inumin na nagiging sanhi ng kondisyon na ito:

 

  • Labis na dairy products gaya ng gatas, keso, at ice cream
  • Mga pagkain na mataas sa fat at sugar
  • Alak at caffeine

 

 

Mga Sintomas ng Constipation

 

Bagama’t kadalasan ang constipation ay hindi ganoong ka-seryoso, mahalaga ang pagkakaroon ng normal na bowel movement para na rin sa ikagiginhawa ng iyong pakiramdam. May mga ilang sintomas na maaaring maramdaman ng isang tao kapag mayroong constipation. Narito ang mga sintomas na ito:

 

  • Discomfort o pananakit ng tiyan sa ibabang parte;
  • Mahirap at pilit na pagbabawas;
  • Pakiramdam na hindi pa kumpleto ang bowel movement;
  • Pagkakaroon ng rectal bleeding dahil sa mahirap na pagbabawas;
  • Matigas o maliliit na stools o dumi; at
  • Pakiramdam na bloated and tiyan.

 

undefined

Photo from Pexels

 

Gamot sa Constipation

 

Dahil common ang pagkakaroon ng constipation, maraming maaaring gawin upang masolusyonan o magamot ito. Narito ang ilan sa mga simpleng magagawa o home remedies para sa sakit na ito:

 

  1. Ugaliing uminom ng sapat na tubig araw-araw. Kapag ang isang tao ay dehydrated, mataas ang tendency na makaranas ng constipation. Upang maiwasan ito, ang pag-inom ng tubig o hydration ay napakalaking tulong. Sa pagkakataon na ikaw ay constipated, makakatulong ang pag-inom ng carbonated na sparkling water na walang sugar upang magbigay ginhawa.

 

  1. Kumain ng fiber-rich na mga pagkain. Ang sapat na intake ng fiber ay nakukuha sa mga pagkain na gaya ng prutas, gulay, wheat, whole grains, mani, at beans. Ang mga ito ay nag-aabsorb ng tubig na nakakatulong naman sa pagpapalambot ng dumi at nakakatulong para maging consistent ang bowel movement. Palaging tandaan na sapat na fiber lamang at hindi sobra ang mabuti sa katawan.

 

  1. Mag-exercise araw-araw. Ang tamang lifestyle ay nakakatulong nang malaki para mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng constipation. Ang inactivity ay isa pa sa malaking dahilan bakit nararanasan ito.

 

  1. Maaaring uminom ng mabisang gamot panlunas sa constipation o laxative gaya ng RM Bisacodyl. Ang over-the-counter laxatives gaya ng RM Bisacodyl ay nakakatulong upang mapadali ang pagbabawas o pampalambot ng dumi para sa mas magaan na pakiramdam. Para sa adults at mga bata na edad 10 years old pataas, maaaring uminom ng 5 to 10 mg na RM Bisacodyl (isa o dalawang tabletas). Para naman sa mga bata 4 na taon pababa, safe ang 5 mg (1 tableta) o ayon sa doktor ng bata.

 

Tandaan: Ang laxatives ay gamot para sa short term na constipation. Ang labis na paggamit ng laxatives ay maaaring makasama sa kalusugan. Kapag nakararanas ng allergic reaction gaya ng pamamaga ng mukha o hirap sa paghinga matapos itong inumin, itigil ang paggamit nito.

 

  1. Sa ilang tao, ang kape ay nakakatulong para sa mas madaling pagdumi. Mas maigi ang caffeinated na kape dahil ang kape ay napag-alamang nakakapag-stimulate ng muscle sa digestive system ng tao.

 

  1. Iwasan ang labis na pagkain ng dairy products gaya ng cheese at ice cream. Ang pagkakaroon ng intolerance sa dairy ay nagiging sanhi ng constipation para sa ibang tao.

 

  1. Mag-take ng probiotic supplement o pagkain na mayaman sa probiotics. Ang probiotics ay mabisa para malinis ang tiyan kung sakaling ang constipation na nararanasan ay dahil sa bacteria sa tiyan. Isa ang yogurt sa pagkain na mayroong probiotics na makakatulong sa constipation.

 

  1. Ang baking soda ay epektibo rin para maibsan ang constipation. Ito ay tumutulong para mag-neutralize ng acid sa tiyan at mag-release ng gas. Ang isang teaspoon ng baking soda sa isang quarter o ikaapat na bahagi ng warm water sa baso ay mainam na panlunas ng constipation.

 

  1. Kapag ang mga sintomas ng constipation ay tumitindi, mainam na kumonsulta na agad sa iyong doktor.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Mayroong tinatawag na chronic constipation kung saan ang mga sintomas ng constipation ay nararanasan ng tatlong buwan o lagpas pa. Sa ganitong kaso, ilan sa mga posibleng sanhi ay mas seryosong karamdaman gaya ng colon cancer, rectal cancer, abdominal cancer, problems sa nerves ng abdomen, stroke, Parkinson’s Disease, hypothyroidism, at pagsikip ng colon. Nararapat lamang na kumonsulta agad sa doctor kapag ang constipation o pagsakit ng tiyan na nararanasan ay matagal at paulit-ulit upang malamang ang dahilan ng ito.

 

Mga Komplikasyon ng Chronic Constipation

 

Ang isang taong mayroon chronic constipation ay maaaring makaranas ng mga komplikasyon sa katawan at kalusugan. Dalawa rito ay ang pamamaga ng mga ugat o veins sa paligid ng anus at anal fissure o ang pagkapunit ng balat sa anus.

 

Sources:

 

https://www.medicinenet.com/constipation/article.htm

https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-constipation#2-4

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation/symptoms-causes/syc-20354253

https://www.everydayhealth.com/digestive-health/constipation-causes.aspx

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-bisacodyl-5mg-tab

https://www.medicalnewstoday.com/articles/318694.php

https://www.positivehealthwellness.com/pain-relief/how-to-get-rid-of-constipation-immediately-and-naturally/