Ano ang Constipation?
Ang constipation ay uri ng sakit sa ating bowel movement kung saan umaabot ng ilang araw hanggang ilang linggo na hindi makadumi ang isang tao. Kapag hindi naagapan ang sakit na ito, posibleng magkaroon ng iba’t-ibang kumplikasyon na hindi inaasahan at maaari ring maging perwisyo sa kalaunan.
Sa ating bansa, tinatalang 12% ng populasyon sa buong mundo ang nakararanas ng Constipation. Kaya naman nakakabahala pa rin ang simpleng paglagpas ng araw na hindi regular na pagdumi.
Katulad ng pag-ihi, tayo ay dumudumi upang mailabas ang mga na-digest na ating kinain atr inilalabas din ng ating katawan ang mga toxins o bacteria kaya kung minsan, ang constipation ay maaari ring maging sintomas ng iba pang sakit ng indibidwal.
Mayroong dalawang pangkalahatang uri ng Constipation ito ay ang:
Ang primary constipation ay ang madalas na nararanasan ng karamihan kung saan ang nagiging sanhi ay ang mga pang-araw-araw na gawain ng isang indibidwal gaya ng diyeta, allergy, food poisoning, at iba pa.
Hinati sa tatlo ang uri naman ng primary constipation:
- Slow-transit constipation
Sa uri ng primary constipation na ito, ang ating motility o gut movement (paraan ng digestive system upang makagalaw nang maayos ang ating mga kalamanan at mailabas ang dumi) ay bumababa at bumabagal. Kasabay ng pagbagal ng gut movement, ay ang pagtaas naman ng transit time (oras ng simula pagkain ng isang tao hanggang sa mailabas sa dulo ng digestive tract ang kanyang kinonsumo) naman ay tumataas.
- Outlet constipation o pelvic-floor dysfunction
Ang uri ng constipation kung saan nararanasan ang kawalan ng koordinasyon ng kalamnan sa ating balakang ay dulot ng maling pag-urong o contraction sa may puwitan, pagkakaroon ng failure sa pagpahinga sa ating anal, o kakulangan sa pagtulak ng dumi na hindi magawa ng ibang organ sa digestive tract.
Dahil hirap ang digestive tract na makapaglabas ng dumi, nagkakaroon ng outlet constipation. Ang posibleng gawin ng mga nagkakasakit ng ganito ay I-stress ang sarili para mailabas ang dumi na nagiging rason ng pananakit ng tiyan. Dagdag impormasyon para rito, kumpara sa ibang klase ng constipation, hindi agad nakakapag-respond sa paggamot ang sakit na ito sa mga tradisyonal na paraan.
- Normal-transit constipation
Ang ibang pasyente ay gaya ng nabanggit na nakararanas ng slow-transit constipation o outlet constipation, samantalang ang iba naman ay mayroong normal-transit constipation. Ang uri ng ganitong constipation ay kung saan nakararanas ng parang normal na pangdumi ang isang tao base sa araw-araw na paglabas ng dumi ngunit ang pinagkaiba lamang ay sa inaraw-araw din na pagdumi, nahihirapan ang indibidwal na ilabas ang kanyang dumi hanggang sa punto na nagsusugat na ang kanilang puwit.
Ang secondary constipation naman ay mayroong kinalaman sa ating metabolismo dulot ng abnormal nareaksyon ng mga kemikal sa ating katawan. Ilan sa mga posibleng maging dahilan nito ay ang mga sakit tulad ng: hypothyroidism, Parkinson’s Disease, multiple sclerosis, spinal injuries, celiac disease, at colon cancer. Ang mga gamot na iniinom ay posibleng magdulot din ng secondary constipation.
Sanhi ng Constipation:
- Kung ikaw ay may ipinagbubuntis
- Kung ikaw ay kagagaling lamang sa bed rest matapos magkasakit
- Kakulangan sa pag-ehersisyo nang regular
- Sakit na mismo sa bowel o digestive tract gaya ng almoranas
- Posibleng sintomas ng ibang sakit gaya ng colon cancer
- Dehydrated o kulang sa pag-inom ng tubig
- Madalas ang paggamit ng laxative o pampadumi
- Kulang sa Fiber at hindi balanse ang diyeta mo araw-araw
- Hindi palaging regular ang pagdumi o walang bathroom routine
- Pagbabalewala o pagpipigil sa tuwing kinakailangang dumumi
Mga sintomas at senyales na nararanasan kapag mayroong constipation:
- Pagdumi lamang ng tatlong beses sa isang linggo o mas bihira pa
- Sumasakit ang puwit sa tuwing dumudumi
- May halong dugo ang dumi
- Pagdumi lamang ng butil-butil o lumpy stools
- Madalas na pananakit ng tiyan
- Pakiramdam na palaging busog kahit kagagaling pa lamang sa banyo
Ano ang mga complications of Constipation na posible mong maranasan kapag napabayaan?
- Hemorrhoid
Ang hemorrhoid ay ang pamamaga ng ugat sa iyong puwitan. Ang pagpilit sa sarili na makapagpalabas ng dumi ay maaaring magdulot ng strain kaya nagkakaroon ng pamamaga sa iyong ugat. Ang hemorrhoid din ang posibleng sakit kapag napansin mong mayroong dugo na ang iyong dumi.
- Anal fissure
Ang anal fissure ay ang pagkapunit ng balat sa iyong puwitan. Dahil sa kagustuhan makapaglabas ng dumi, ang posibleng pagkapunit ay kapag pinilit at ang sukat ng dumi ay malaki kaya hirap ilabas ang iyong puwitan.
- Fecal impaction
Ang chronic constipation (constipation na umaabot ng dalawang linggo mahigit) ay posibleng magdulot ng malalaking dumi na nakapagbabara sa ating bituka.
- Rectal prolapse
Ang rectal prolapse naman ay ang paglawit ng bahagi ng intestine sa iyong puwitan. Ang rectal prolapse na ito ay dulot ng pagpumilit din na makapaglabas ng dumi. Dahil dito, nagse-stretch ang iyong rectum hanggang sa nahihila na pababa ang bituka.
Kailan kailangang pumunta sa doktor?
Kung sa tingin mo ay hindi nagbabago o nagiging regular ang iyong pagdumi sa loob na ng isang linggo, bumisita na ng doktor sa pinakamalapit na ospital sa inyo. Ito ay para matingnan agad ang lagay ng iyong constipation o baka ay sintomas ito ng mas nakababahala na sakit dulot ng komplikasyon.
May gamot ba para sa Constipation?
Kapag ikaw ay bumisita na sa iyong doktor, maaari niyang ireseta ang pagbabago ng iyong lifestyle o pang-araw-araw na gawain, ang regular na ehersisyo, pagkain ng mayaman ang nutrisyon, at ang Ritemed Fibermate na tumutulong para maging regular ang iyong bowel movement. Maaari ring mag-take ng laxatives tulad ng RiteMED Bisacodyl para mawala ang constipation.
Huling paalala para makaiwas sa Constipation:
- Huwag pabayaan ang sarili, kumain nang mayaman sa Fiber at mga gulay na tiyak na makatutulong sa iyong kalusugan
- Damihan ang pag-inom ng tubig para maiwasan ang pagiging dehydrated. Ang sapat na tubig ay walo hanggang sampung baso.
- Posibleng ang gamot na iniinom din ang sanhi ng iyong constipation. Sa pagpapa-checkup, banggitin ito sa iyong doktor at baka palitan niya ang gamot kasama ng pagrekomenda ng iba
- Mag-ehersisyo nang regular. Kahit sa loob lamang ng 15 hanggang 30 minutos, makatutulong na agad ito sa iyong pangkalahatang kalusugan.
- Huwag pipigilan ang pagdumi kung pakiramdam mo ay kinakailangan na agad ng iyong katawan na mailabas ito.
References:
https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-constipation
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-solusyon-sa-constipation
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/constipation/symptoms-causes/syc-20354253
https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/primary-care/constipation/complications.html
https://www.lifeextension.com/Protocols/Gastrointestinal/Constipation/Page-04