Tama at Mabisang Solusyon Kontra Constipation
Ikaw ba ay hirap at hindi madalas dumumi? Nakararanas ka ba ng flatulence at palagi bang parang bloated ang iyong pakiramdam? Minsan ba ay nawawalan ka na rin ng ganang kumain? O di kaya ay nakararanas ng sakit sa bandang ibaba ng iyong tiyan? Baka isang mabisang constipation treatment na ang iyong kailangan.
Ang constipation o sa pagtitibi ay nangyayari kapag ang katawan ng tao ay kulang sa liquid at hindi regular na nakaka-dumi.
Kapag hindi nailalabas ng katawan ang dumi araw araw, ang water content nito ay sinisipsip ng bituka. Kaya habang mas tumatagal ang dumi sa loob ng katawan, mas mahirap itong ilabas dahil nagiging tuyo ito.
Sanhi ng Constipation
Madalas mailang ang mga tao sa usapang ito--lalo na at ang sakit na ito ay nauugnay sa iregular na pagdumi. Ngunit wala kang dapat na ikahiya o ikatakot, lalo na kung maagapan ng tamang constipation medicine ang iyong sitwasyon. Ngunit bago pa man natin isa-isahin ang mga tamang paraan how to treat constipation, ano nga ba ang pinagmumulan ng kondisyon na ito?
Tulad ng isang makina, nangangailangan ng tamang pangangalaga ang digestive system ng isang tao. Kailangan nito ng tamang maintenance na makukuha sa pagsunod sa isang healthy diet, pag-inom madalas ng tubig, at pag-eehersisyo. ‘Pag nagkulang ka ng alin man sa mga ito, maaaring hindi gumana ng tama ang iyong digestive system at bumagal ang proseso ng paglalabas ng dumi sa iyong katawan.
At kung hindi maaagapan ang iyong constipation, maaari itong matuloy sa hemorrhoids, fecal impaction, fecal incontinence, bleeding at iba pang komplikasyon. Kaya ‘wag nang magdalawang isip at gawan na ito ng paraan habang maaga pa.
Paano makakaiwas sa Constipation?
Base sa mga research ng mga eksperto, ang constipation ay maitatama kapag iyong pinagpatuloy ang pagbabago ng lifestyle at diet. Ugaliing tignan ng mabuti ang mga pagkain na iyong pinapasok sa katawan, kung makaapekto siya sa iyong bowel movements, o kung makakakuha ka ng sapat na sustansya at nutrients. Maaari din uminom ng gamot tulad ng Bisacodyl.
Tamang Diet ang Sagot
Ayon sa isang international research, ang isang sagot on how to treat constipation ay ang pagkain ng tama at pagkaroon ng tamang diet.
Sinasabi ng National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine na ang mga babae na nasa 31 – 50 ang edad ay dapat mag-intake ng 25 grams ng fiber araw araw. Ang mga lalaki naman na nasa age range na yon ay dapat mag-intake ng 38 grams ng fiber araw araw. Ang pagkakaroon ng tamang amount ng fiber sa katawan ay importante para maging maayos ang ating kalusugan. Tandaan na pag nagpasok ng fiber sa inyong diet, dapat uminom ng madaming fluids para maging maayos ang flow sa inyong digestive tract.
Ito ang iilan sa mga pagkain, karamihan fiber-rich kung tawagin, na dapat isama sa inyong diet bilang sila ay magandang constipation cure.
- Prutas
Isa sa mga pagkain na hindi dapat mawala sa ating diet ay ang prutas. Ito ay may tubig, sorbitol, fructose, phytochemicals, at fiber, na nakakatulong sa pagpigil ng constipation.
Ang mga common na prutas na matuturing na constipation medicine ay ang pear, grapes, plumps, apples, green kiwi fruit, banana, prune (plum), at persimmon.
- Whole Grain
Umiwas muna sa white flour at white rice at kumain ng whole grain na pagkain tulad ng brown rice, whole wheat, barley, at rye – mga pagkain na puno ng fiber. Iba pang nutrients na nakukuha sa whole grain foods ay Vitamin B, iron, flate, selenium, potassium, at magnesium.
- Gulay
Ang gulay ay hindi lang mabuti para sayong kalusugan; ito din, lalo na ang mga dahon, potato skins, at iba pa, ay lunas sa constipation. Sanayin kumain ng gulay dahil ito rin ay nakakatulong sa pagiwas sa stroke, cancer, mga heart disease, at diabetes. Ang gulay din ay tumtulong sa maintenance ng inyong katawan.
- Mani at mga buto
Photo from Pexels
Ugaliin kumain ng walnuts, almonds, at mga seeds tulad ng chia at flaxseeds. Ito ay natuturing na natural laxatives, mga substance na mabilis mag loosen ng bowel movement. Dagdag pa sa mabuting dulot ng pagkain ng mga nuts and seeds ay sila ay magandang source ng protein, healtyh fats, at sila ay mabuti para sa puso.
5. Tsaa at kape
Maiinit at nakakapanghimagas, ang hot tea at kape ay isang mabisang lunas sa constipation. Ang kape, lalo na caffeinated na kape, ay nakakapagstimulate ng ating digestive system.
6. Tubig
Photo from Pexels
Isa sa mga pwedeng maging sanhi ng constipation ay ang dehydration. Para maiwasan ito, matutong uminom ng tamang dami ng tubig. Kung ikaw ay properly hydrated, onti lang ang tubig na mawawala sa inyong colon at madaling makakadaan ang iyong dumi. At dahil isa ang exercise sa mga dapat gawin upang makaiwas sa constipation, napaka importante ng tubig bilang constipation treatment or constipation cure.
7. Supplements
Maraming over-the-counter or prescription na gamot or supplements ang pwede mong gamitin, lalo na pag ito ay may approval ng doktor. Isa sa mga epektibong supplements ay ang RiteMed Fibermate. Bukod sa nakakatulong ito sa constipation, ito ay gamot para sa weight loss at nagpipigil ng obesity. Ito ay gawa sa natural psyllium fiber at maaring mabili sa murang halaga. Pwede itong inumin isa hanggang tatlong beses sa isang araw ngunit dapat ay may laman ang tiyan.
Iilan lang natural laxatives at supplements na ito sa mga pwedeng isama sa iyong diet at maging constipation cure. Tandaan na ang pinaka importanteng solusyon ay ang pag intake ng fiber. Maging maingat sa iyong kalusugan at ‘wag mahiyang magtanong kung paano ang tamang paglaban sa constipation.
References:
https://www.healthyeating.org/Healthy-Eating/All-Star-Foods/Vegetables
https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-constipation#1
https://www.medicalnewstoday.com/articles/318694.php
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-fibermate-orange-flavor
https://www.healthline.com/nutrition/best-foods-for-constipation#section15
https://www.health24.com/Medical/Constipation/News/7-unpleasant-side-effects-of-constipation-20180627
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4291444/
http://www.un.org/en/events/toiletday/
https://www.verywellhealth.com/foods-to-ease-constipation-4143121
https://www.everydayhealth.com/digestive-health/diet/foods-that-help-relieve-constipation/#05
https://health.usnews.com/health-news/blogs/eat-run/2013/12/02/the-5-step-constipation-solution