Naranasan mo na bang sumakit ang iyong lalamunan tapos parang nag-iba ang iyong boses at nahihirapan ka pang magsalita?
Ang pagkawala o pag-iiba ng boses ay may iba’t-ibang sanhi: posibleng mayroon kang sakit dulot ng bacteria o kaya naman ay napagod ang iyong lalamunan dahil ginamit mo ang iyong boses nang walang pahinga.
Pamamalat o “hoarseness” sa ingles ang tawag sa ganitong kondisyon ng lalamunan.
Ano ang koneksyon ng sore throat sa kawalan ng boses?
Kapag tayo ay nagsasalita, ang hangin na dumadaloy sa vocal cords ay nagdudulot ng vibrations o panginginig. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng boses. Kaya naman kapag mayroong bacteria na nagdudulot ng pamamaga sa lalamunan, nagiiba ang kalidad ng ating boses at maaaring mawala nang tuluyan ang boses kapag hindi naalagaan o napa-check up sa doktor.
Anu-ano ang mga hoarse voice treatment na pwede mong gawin sa iyong tahanan?
- Uminom nang maraming tubig
Ang pinakamabuting gawin upang hindi sumakit ang iyong lalamunan o habang ikaw ay namamalat pa ay ang pag-inom nang maraming tubig. Minsan kaya lumalala ang pananakit ng lalamunan ay dahil tuyo ito at kinakailangan ng tubig.
- Magmumog ng may asin
Lagyan ng isang kutsarang asin ang isang baso ng maligamgam na tubig. Gawin ito nang apat na beses sa isang araw.
- Gumawa ng honey at lemon drink
Maghalo ng 1 tsp. honey sa ½ cup na mainit na tubig. Maghiwa ng lemon, kunin ang juice mula sa kalahating piraso at ihalo ito sa honey at tubig.
- Iwasan o huwag manigarilyo
Kung ikaw ay naninigarilyo, mabuting itigil muna ito o huwag na manigarilyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit madaling manuyo ang lalamunan. Dala pa ng paninigarilyo ang iba pang sakit gaya ng tonsilitis at maging cancer na maaari mong ikawala ng buhay.
- Iwasan ang mga matatamis na pagkain
Ang mga matatamis na pagkain tulad ng cake, tsokolate, o biskwit ay mataas ang acidity na nagdudulot ng pamamaga ng lalamunan.
- Gumamit ng humidifier sa bahay
Makatutulong sa paglinis ng hangin na iyong ihinihinga, nakakatulong para hindi manuyo agad ang iyong lalamunan at para hindi ito sumakit.
- Iwasang ang pagsisigaw at ipahinga ang iyong lalamunan
Matutong magpahinga lalo na kung wala ng boses o namamalat na. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang paggaling ng iyong lalamunan at pati na rin sa pagbalik ng normal mong boses.
Huling Paalala:
Para naman tuluyang gumaling ang iyong lalamunan, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng RiteMED Clindamycin, RiteMED Co-amoxiclav, RiteMED Azithromycin at RiteMED Cefaclor kung kinakailangan. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.everydayhealth.com/ear-nose-throat/laryngitis.aspx
https://www.medicinenet.com/hoarseness/article.htm
https://health.clevelandclinic.org/losing-your-voice-whats-going-on-in-your-body/
https://www.webmd.com/rheumatoid-arthritis/qa/how-can-a-cold-cause-me-to-lose-my-voice