Tips para Maiwasan ang Paninigarilyo

August 17, 2018

Sampung Pilipino kada isang oras ang nawawalan ng buhay dahil sa tobacco-related diseases.

Ang paninigarilyo o smoking ay isa sa mga kasanayang-Pilipino na madalas ginagawa sa panahon ng stress at worries sa buhay. Isa rin itong libangan habang nagkakape, habang nagbabasa ng dyaryo, o habang may kakwentuhan. Mapalalaki, mapababae, teenager o matanda ay hindi na exempted sa libangan na ito. Pero hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang paninigarilyo ay isa sa mga gawaing nagdudulot ng hindi magandang epekto sa katawan tulad ng pagbaba ng stamina, pagtaas ng blood pressure at heart rate, pagkakaroon ng breathing problems, pagtaas ng risk sa stomach ulcers at acid reflux, at isa sa pinakamatindi ay ang pagdudulot ng cancer sa lungs. Sa bawat usok na sinisinghot at ibinubuga ay hinahayaang makapasok ang mga toxic chemicals na hindi nakakabuti sa katawan.

Ang buwan ng Agosto ay idineklara bilang National Lung Month sa Pilipinas. Layunin nitong ituro ang wastong paraan para mapangalagaan ang ating lungs. Ayon sa pag- aaral, ang pinakasanhi ng maraming respiratory diseases at nasa likod rin ng mga lung illnesses ay ang paninigarilyo.

 

How to stop smoking?

Sa mga taong nalulong na sa bisyo ng paninigarilyo, isa ito sa pinakamahirap na katanungan na madalas hindi na alam ang kasagutan. Sa taong mahina ang isang pakete ng sigarilyo sa isang araw, mas madalas patuloy na lang na nagpapakalulong sa smoking.

 

Kasabay ng pagdaos ng National Lung Month, narito ang ilang paraan on how to quit smoking:

 

  1. Magdesisyon na huminto. Kailangan mong sabihin sa iyong sarili that you need to stop smoking. Nagsisimula ang pagtigil mo sa bisyo sa isang desisyon. Magkaroon ka ng mabigat na “why” kung bakit mo pipiliing tapusin ang paninigarilyo. Maaaring dahil gusto mong iligtas ang iyong pamilya from secondhand smoking. Maari namang gusto mong bawasan ang chance na magkaroon ka ng lung cancer or heart disease, o ‘di kaya ay gusto mong magmukhang bata dahil nakakaapekto sa balat ang bisyong ito.. Anuman ang dahilan mo, dapat mabigat ito para magpatuloy ka sa desisyon mo to stop smoking. 

undefined

Image by Pexels

 

  1. Humingi ng tulong. Hindi mo ito kakayanin ng mag-isa; kailangan mo ng mga tao that will help you on how to avoid smoking. Sa mga mahal mo sa buhay, panahon na para sabihan sila na gusto mo nang huminto at kailangan mo ang kanilang suporta. Ipaliwanag sa kanila kung paano kanila matutulungan. ‘Wag mong isiping alam na nila ang gagawin nila. Lumapit din sa mga eksperto. Kumonsulta sa iyong doktor kung anong nararapat na methods para sa iyong kaso, gaya ng quit-smoking classes, counselling, at mga medication.

undefined

Image by Pexels

 

  1. Magtakda ng petsa ng paghinto. Importanteng mayroon kang itatalagang petsa ng pagsasagawa ng iyong “stop smoking” project. Bigyan ng isa o dalawang linggong palugit ang sarili bago simulan ng husto ang plano ng pagtigil sa paninigarilyo. Sabihan ang mga kapamilya at mga kaibigan tungkol sa araw ng iyong paghinto.

 

  1. Itapon ang lahat ng sigarilyo. Bago pa man dumating ang araw ng paghinto, simulan nang halughugin ang lahat ng lugar sa bahay na minsan mong pinaglagyan ng mga sigarilyo. Itapon ang mga ito kasama ng mga posporo, lighter, at maging ng ashtrays. Kailangan mong alisin ang anumang bagay na may koneksyon sa adiksyon. Maaaring maka-trigger sa kagustuhang manigarilyong muli ang pagkita sa mga bagay na ito.

 

  1. Labanan ang mga smoking withdrawal symptoms. Kasabay ng pagtalikod mo sa smoking habit, hindi maiiwasang may mga pagkakataong matutukso ka pa ring manigarilyo. Sa oras na pakiramdam mong nangangati kang humawak ng sigarilyo, mag-focus sa paggawa ng ibang physical activities. Maaari kang mag jogging o maglakadlakad. Uminom din ng fruit juices o ng tubig, o ‘di kaya ay matulog nang mahaba. Huwag rin munang sumubok o pumasok sa anumang klaseng mag diet. Subukang kumain ng prutas at gulay na nakabubuti sa katawan.

 

  1. Lumayo at umiwas sa tukso. How to prevent smoking? Isa sa pinakamahalagang paraan ay ang tuluyang paglayo at pag-iwas sa mga sitwasyon na maaaring makaudyok sa iyong manigarilyo. Iwasan ang mga lugar o okasyon na magiging trigger lang para manigarilyo kang muli. Kung maaari, iwasan din munang samahan ang mga taong noo’y kasama sa paninigarilyo. Mainam na huwag nang subukan ang iyong sarili; mas mabuting umiwas na sa simula pa lang kaysa makita ang sarili mong bumabalik sa dating nakagawian.

 

  1. Magpatuloy lamang. Hindi madali ang gagawin mong pagtalikod sa dati mo nang nakasanayan, pero ano man ang mangyari, magpatuloy lamang. Sa bawat minuto ng pagtigil mo sa bisyong minsang kumontrol sa iyong kalusugan, may magandang dulot na agad iyan sa iyong katawan. Sa unang 20 minutong paghinto, babalik na agad sa normal ang iyong heart rate. Sa loob din ng isang araw ng pagtigil, babalik naman sa normal ang level ng carbon monoxide sa iyong dugo. In the long run, mas liliit ang tsansa na magka-lung cancer at mas hahaba ang oras na makakasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi ito kompetisyon ng pabilisan; kahit mabagal, ang mahalaga ay ang hindi paghuminto - at mapagtatagumpayan mo ito.

 

undefined

Image by Unsplash

 

Sa kahit anong masamang habit o adiksyon, hindi madali ang pagtigil dahil ito na ang nakasanayan ng iyong sistema. Kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili, ikaw lang din ang mahihirapan sa bandang huli. Anumang sobra ay masama kaya habang maaga, magdesisyon na to quit smoking. Maliban sa mas magiging malusog ang pangangatawan mo ay mas magkakaroon ka pa ng pagkakataong makasama nang mas matagal ang mga mahal mo sa buhay. Ang iyong pamilya ang pinakamahalagang dahilan to stop smoking.

Sources:                                                                                                                     

https://www.livestrong.com/article/189618-why-smoking-is-a-bad-habit/

https://www.webmd.com/smoking-cessation/ss/slideshow-13-best-quit-smoking-tips-ever

http://www.wpro.who.int/philippines/mediacentre/releases/20160530-phl-wntd2016/en/

http://www.eaglenews.ph/national-lung-month/

https://smokefree.gov/quit-smoking/getting-started/steps-to-manage-quit-day

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102011094