Photo courtesy of Guiliamar via Pixabay
Maaaring resulta ng pagkasirang ngipin o pagkakaroon ng tipak o lamat dito ang pagkakaroon ng sensitibong
ngipin o pangingilo ng ngipin. Ito ay nakakaapekto sa mga sensitive nerves sa
loob ng ating ngipin na nagbibigay sa atin ng pananakit.
Bagamat maraming paraan upang malunasan ang pangingilo ng ating ngipin, mas makabubuti pa ring malaman angmga pagkain na nagdudulot nito upang ating maiwasan o kung hindi man ay malimitahan na lang ang pagkonsumo.
Matatamis na Pagkain
Ang mga pagkaing matatamis tulad ng cake at chocolate ay isa sa pwedeng makapagpalala
ng iyong pangingilo. Ang mga ito ay maaaring makadagdag sa mga cavity o lukab
ng ngipin. Upang maiwasan ang mga lukab sa ating ngipin, siguraduhing maayos
ang pag to-toothbrush.
Tandaan din na gumamit lamangng sipilyo na may soft bristles at ugaliing magpalit ng toothbrush kada ikatlo o ikaapat na buwan ng paggamit. Bukod sa pag-iwas sa mga matatamis na pagkain, mas makabubuting samahan natin ito ng tama at maayos na paglilinis ng ating mga ngipin.
Malamig na Pagkain
Ilan sa halimbawa ng mga malalamig na pagkain ay ang mga palamig, halo halo, at ice cream. Bukod sa matamis, ang pagiging sobrang lamig nito ay mas nakapagpalala ng pagkirot. Ngayong summer season, tiyak na mabenta ang mga ito sa atin, ngunit alalahanin ang magiging resulta nito at ang dulot na sakit kung lapitin tayo ng teeth sensitivity.
Pagdating sa mga inumin, lumayo muna sa mga may yelo tulad ng iced tea at iba pang malalamig na inumin. Ngunit, kung kinakailangan talagang uminom nito, tiyaking magmumog o uminom ng tubig pagkatapos uminom ng malamig. Maaari rin naman na gumamit na lamang ng straw upang hindi masyadong maapektuhan ang ngipin kapag umiinom.
Photo courtesy of eak_kkk via Pixabay
Mainit na Pagkain
Bukod sa malamig, ang mga mainit na pagkain ay nagiging sanhi rin ng pangingilo.
Kabilang na dito ang mainit na sabaw, lugaw, sopas at iba pa.
Pagdating naman sa inumin, limitahan ang pagkonsumo ng kape at tsaang umuusok sa init. Mas makabubuti kung uminom na lamang ng tubig na katamtaman lamang ang temperatura.
Mga Acidic na Pagkain
Nagiging sanhi ng pagkatanggal ng enamel ng ngipin ang masyadong acidic na pagkain tulad ng mga maaasim na pagkain. Ang enamel na nagpapakintab ng ngipin ay hindi na maibabalik kung sakaling maalis ito ng tuluyan. Bagkus, nawawalan ng proteksyon ang mga ugat sa ilalim ng gilagid kaya tayo nakararanas ng pangingilo mula sa mga maiinit at malalamig na inumin at pagkain.
Kabilang sa mga pagkaing ito ang sour gummy candies at mga softdrinks at wine naman para sa inumin.
Mga Prutas at Fruit Juices
Iwasan din ang labis na pagkain ng mga maaasim na prutas at fruit juices. Ang mga prutas tulad ng lemon, mangga at iba pang citric fruits ay makakadagdag din sa pangingilong iyong nararanasan.
Photo courtesy of took apic via Pixabay
Bukod sa mga nabanggit, marami pang pwedeng maging dahilan ng sobrang pangingilo. Ang pag-iwas sa ilang uri ng pagkain ay isa lamang sa mga maaaring gawin upang maiwasan ito. Maaaring uminom ng pain relievers para sa kirot o pangingilo, nariyan nag ibufropen at paracetamol upang mabawasan ang sakit. Maaari rin namang makatulong ang pag ta-take ng antibiotics na pumapatay sa mga mikrobyo na sanhi ng impeksyon sa loob ng ngipin.
Ngunit palaging tandaan na masmakabubuti pa rin na kumonsulta sa dentista upang matuklasan ang tunay na sanhi nito, lalo na kung malala na ang pagkirot at matagal mawala ang sakit. Bukod sa mga pang unang lunas, tiyak na may angkop na gamot na maaaring inumin at prosesong pwedeng gawin upang masolusyunan ang suliraning ito pagdating sa ating ngipin.