Foods For Better Skin

August 19, 2020

5 Pagkain Para sa Malusog at Magandang Balat

Ang wastong nutrisyon ay mahalaga para sa pangkabuuang kalusugan ng iyong katawan. Ang hindi wastong pagkain ay maaaring makaapekto sa iyong metabolismo, makasira ng iyong organs gaya ng puso at atay, o di kaya naman ay magdulot ng mabilis na pagtaas ng iyong timbang.

Ngunit bukod diyan, ang iyong pagkain ay nakakaapekto rin sa iyong balat. Ayon sa mga pananaliksik, ang iyong kinakain ay may malaking epekto sa kalusugan at pagtanda ng iyong balat. Narito ang isang listahan ng mga healthy foods na dapat mong kainin bilang bahagi ng iyong skin care routine.

Abokado

Ang abokado ay hindi lamang masarap na prutas, mainam din ito sa iyong balat. Mayaman ito sa healthy fats na nagpapanatili ng flexibility at moisture sa balat. Sa isang pag-aaral sa 700 kababaihan, napag-alaman na ang mataas na intake ng healthy fats na gaya ng nasa abokado ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng malambot at flexible na balat. Bukod dito, mayroon ding compounds sa prutas na ito na nagbibigay proteksyon laban sa UV damage mula sa araw. Kaya naman, kontra- wrinkles din ang prutas na ito. Mayaman din ang abokado sa Vitamins E at C, na parehong kailangan upang manatiling malusog at young-looking ang balat.

Kamote

Ang kamote o sweet potato ay isang uri ng rootcrop na itinuturing na diet food. Siksik ito sa beta carotene. Ito ay isang provitamin A na nangangahulugang kaya itong i-convert bilang vitamin A sa loob ng katawan. Ang beta carotene, gaya ng iba pang carotenoids, ay nagbibigay ng dagdag proteksyon kaya tinatawag din itong “natural sunblock.” Nakakatulong ito upang makaiwas sa posibleng sunburn, panunuyo, at pangungulubot ng balat. Ang isang serving (100-gram) ng kamote ay nagtataglay ng sapat na beta carotene upang makapag-produce ng anim na beses na mas maraming vitamin A kumpara sa daily value (DV). Bukod sa kamote, matatagpuan rin ang beta carotene sa orange at mga gulay gaya ng carrot at spinach.

Broccoli

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/fresh-broccoli-isolated-on-white-background-379690552)

Ang broccoli ay nagtataglay ng bitamina at mineral na mahalaga para sa kalusugan ng balat gaya ng vitamin A, vitamin C, at zinc. Mayroon din itong lutein, isang carotenoid gaya ng beta carotene. Ang lutein ay may kakayahang makaiwas sa oxidative damage na pangunahing dahilan ng wrinkles at dry skin. May taglay din itong sulforaphane, na nakakatulong sa pag-iwas sa sun damage. Nakakatulong din ang compound na ito sa pagpapanatili ng collagen level sa balat.

Kamatis

Karaniwang sangkap sa maraming Filipino food recipe, ang kamatis ay natural na source ng vitamin C at ng mga pangunahing carotenoids gaya ng lycopene. Gaya ng nabanggit, ang lycopene, beta carotene, at lutein ay malaki ang papel sa pagbibigay ng proteksyon sa balat. Sinasabing mabuting i-partner ang kamatis sa pagkaing may fat gaya ng olive oil at keso. Ang fat kasi ay may kakayahang mapabilis ang pag-absorb ng katawan sa carotenoids.

Dark Chocolate

Ang cocoa, na siyang pangunahing sangkap ng mga produktong tsokolate, ay maganda rin para sa kalusugan ng balat. Sa isang pag-aaral kung saan binigyan ng cocoa powder sa loob ng 6 hanggang 12 linggo, napansin na ang mga balat ng participants ay naging mas makapal, mas hydrated, at mas makinis. Nabawasan din ang sensitivity ng kanilang balat sa sunburn. Ang cocoa ay mayaman sa antioxidants na nagbibigay ng proteksyon sa laban sikat ng araw. Nakakatulong ito upang mabawasan ang wrinkles, mapakinis ang balat, at mapabuti ang daloy ng dugo sa balat.

 

Maliban sa wastong pagkain, nakakatulong din ang pag-inom ng mga Vitamin E supplements at pagpahid ng mga lotion at oil sa katawan tulad ng RM Relaxing Oil.

Ilan lamang ang mga ito sa mga foods for the skin. Ang ilan pang mga pagkain na may parehong epekto ay green tea, red grapes, buto ng sunflower, at bell pepper. Kung gusto mong mapanatili ang iyong kutis, makakabuting idagdag ang mga nabanggit na pagkain sa iyong daily diet.

 

Sources:

https://www.healthline.com/nutrition/12-foods-for-healthy-skin

https://www.goodhousekeeping.com/health/diet-nutrition/g1191/foods-for-younger-skin/

https://www.webmd.com/beauty/ss/slideshow-skin-foods

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/healthy-skin/faq-20058184

https://www.forbes.com/sites/sarahwu/2014/09/16/eating-for-beauty-the-best-diet-for-healthy-clear-skin/#631bcd01e601