5 Good Habits to Develop Para Sa Healthier Skin

January 11, 2021

Ang balat ang gumaganap bilang natural barrier ng ating buong katawan mula sa harsh environment at kung anu-anong bagay na mapaminsala. Ito rin ang pumipigil na matuyot at maubos ang tubig sa katawan, at tumutulong mag-regulate ng body temperature. Bukod pa dito, ang balat din ay tumutulong na ma-recognize at mag-respond sa sensations gaya ng hipo, sakit, at presyon. Ang balat ay may importanteng parte sa pag-produce ng vitamin D.

Ito ang mga dahilan bakit mahalaga na mapanatili natin ang maayos na kondisyon ng ating balat. Ang pinakamabisang paraan para ma-delay ang skin aging at maiwasan ang iba’t ibang skin problems ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at tamang pag-aalaga sa balat.

Narito ang limang good habits na dapat mong i-develop para sa iyong skin care:

  1. Protektahan ang sarili sa excessive sun exposure

Ang una sa mga importanteng paraan para alagaan ang balat ay iwasan na ma-overexpose ito sa init ng araw. Kung maaari ay huwag magbabad sa labas nang tanghaling tapat hanggang dapit-hapon. Kung nais makakuha ng natural vitamin D sa araw, gawin ito sa bukang-liwayway. Ayon sa mga derma, ang mainam na oras ay mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga, pero maaari pa rin itong magbago dahil sa epekto ng global warming.

 

Ang pagbababad sa araw ay maaaring magdulot ng age spots, wrinkles, at iba pang skin problems. Ngunit ang pinakamalalang maaaring makuha dito ay skin cancer. Para mapanatili ang inyong healthy skin, ugaliing gumamit ng sunscreen na at least SPF 15 kung may outdoor activity na gagawin. Mainam din na laging sumilong sa lilim at magsuot ng damit na makakaprokteta sa buong balat.

 

  1. Iwasan o tigilan na ang paninigarilyo

Nakita sa mga pagsusuri na ang habitual smoking ay nagko-contribute sa wrinkling ng balat at mas nagmumukhang matanda ang smoker. Ang paninigarilyo kasi ay pinasisikip ang maliliit na blood vessels sa outermost layers ng balat kaya bumabagal ang blood flow at nagmumukhang maputla ang kulay ng balat. Dagdag pa rito, nababawasan din ng paninigarilyo ang nutrients at oxygen na mahalagang factor para sa clear skin.

 

Maliban sa mga nabanggit, napipinsala rin ng paninigarilyo ang collagen at elastin – mga fiber na nagbibigay sa balat ng strength at elasticity. Nakakadagdag din sa wrinkle formation ang mga repetitive facial expressions na ginagawa mo habang naninigarilyo, tulad ng pagnguso habang humihitit at pagsingkit ng mata para hindi pasukin ng usok. At gaya ng pagbabad sa araw, pwede kang magkaroon ng skin cancer kung ikaw ay chain smoker.

 

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-women-taking-shower-bathroom-she-671128918

  1. Tratuhin nang banayad ang balat

Mapa-lalaki o babae, halos lahat sa atin ay may skin care routine. Sa iba, ito ang simpleng paggamit ng facial wash; samantalang ang iba naman ay may kung anu-ano pang nilalagay at pinapahid sa balat mula paggising hanggang bago matulog. Ngunit kaakibat ng skin care routine natin ang gentle treatment sa balat.

 

Narito ang ilang paraan:

  • Huwag magbabad sa shower at iwasang maligo gamit ang hot water dahil natatanggal ng mga ito ang oil sa ating balat.
  • Piliin nang mabuti ang gagamiting sabon dahil kung ito ay strong soap o detergent, matatanggal din nito ang oil sa balat. Gumamit na lang ng mild cleansers.
  • Iwasang kuskusin ang balat kapag patutuyuin pagkatapos maligo. Ang mainam na paraan ay malumanay na pagdampi ng dry towel para manatili ang skin moisture.
  • Kapag napansing tuyo ang balat, gumamit ng moisturizer na bagay sa iyong skin type. Para sa pang-araw-araw na gamit, pumili ng moisturizer na may SPF.
  • Maglagay ng shaving cream, lotion, o gel bago mag-ahit para maprotektahan at ma-lubricate ang balat.

 

  1. Kumain ng healthy food

Walang ibang mas magandang alternatibo sa paggamit ng skin care products kundi ang pagkain ng masusustansyang pagkain. Ang healthy diet ay nakatutulong para ma-achieve mo ang iyong best self. Para sa healthier skin, kumain ng maraming gulay, prutas, lean proteins, at whole grains. May ilang pag-aaral na nagrerekomenda ng pagkaing mayaman sa fish oil at mababa sa unhealthy fats at processed o refined carbohydrates para ma-achieve ang younger looking skin. Dagdag pa rito, uminom ng maraming tubig araw-araw para mapanatiling hydrated ang balat.

 

  1. Matutong mag-manage ng stress

Dahil sa mga problemang naidulot ng pandemya, marami sa ating ang nakakaranas ng stress at iba pang mental health problems. Kapag hindi naagapan, maaari itong mauwi sa iba’t ibang sakit o komplikasyon sa kalusugan. Ayon sa mga eksperto, maaaring maging sensitive ang balat at mag-trigger ng acne breakouts at iba pang sakit sa balat kapag hindi na-manage ang stress. May iba-ibang paraan para ma-manage ang stress tulad ng pagtulog nang may sapat na oras, pagkilala sa iyong physical at mental limitations, at paglaan ng oras para sa mga gawain o bagay na nakakapagpasaya sa iyo.

Ang pagpapanatili ng healthy skin ay hindi lang para sa iyong panglabas na itsura dahil ang balat ay may iba’t ibang function na nakakaapekto sa iba pang bahagi ng katawan. Sa tulong ng pag-develop nitong limang good habits, mas mapapangalagaan mo ang kalusugan at lakas ng iyong balat.

Source:https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/skin-care/art-20048237