Mga Kundisyon at Sakit sa Balat na Nagdudulot ng Pangangati at Impeksyon | RiteMED

Mga Kundisyon at Sakit sa Balat na Nagdudulot ng Pangangati at Impeksyon

September 4, 2020

Mga Kundisyon at Sakit sa Balat na Nagdudulot ng Pangangati at Impeksyon

Ang mga sakit sa balat ay madalas na ipinagwawalang bahala at itinuturing na lamang na karaniwang rashes o pangangati ng balat bilang allergic reaction sa anumang  bagay na inilalagay sa mga pagkain o inumin, kapaligiran o maging sa mga bagong detergent o sabong panlaba. Ang ibang kundisyon o kati-kati sa balat tulad ng hadhad ay naidudulot ng fungal infection.

 

Image source: https://www.shutterstock.com/image-photo/ill-allergic-rash-dermatitis-eczema-skin-540175921

 

Ngunit ang mga sintomas na ito ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat maaaring palatandaan ang mga ito ng isang malalang karamdaman.

 

Narito ang ilan sa mga karaniwang sakit sa balat, gayundin ang mga sanhi at lunas para rito:

 

1. ERYSIPELAS - Ito ay isang bacterial skin infection na katulad ng cellulitis.

 

Sanhi: Streptococcus Bacterium

 

Mga Sintomas: namamagang glandula, panginginig, at lagnat

 

Ang mga maaaring makaranas nito ay ang mga bata na nasa edad dalawa hanggang anim na taon at matatanda na may edad 60 pataas.

 

Paraan ng Paggamot:

 

Kung ang Erysipelas ay nasa binti, itaas ang paa kapantay ng hita. Makakatulong ito upang mabawasan ang pamamaga ng apektadong bahagi ng binti. Maaari ring uminom ng gamot tulad ng antibiotic o anumang gamot na ireresita ng doktor.

 

Pangangalaga ng Sugat:

 

Mahalaga ang wastong pag aalaga ng katawan lalo na kung mayroon kang sakit sa balat. Ugaliing maghugas ng kamay bago gamutin ang sugat. Kung may napansing di kanais-nais na pagbabago, makabubuting kumonsulta agad sa doktor. Kung may mga minor scrapes, linisin agad ang mga ito at lagyan ng benda kung kinakailangan upang maiwasan ang impeksyon at pagkasira ng balat.

 

Palaging kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng angkop na gamot na dapat inumin o topical cream na ipapahid sa sugat. Kapag nakaranas ng hindi magandang epekto, agad na itigil ang paggamit nito at iapaalam sa doktor ang nangyari upang maresetahan ng mas mainam na gamot.

 

2. IMPETIGO

 

Ang impetigo ay naidudulot ng mga bacteria tulad ng Staphylococcus aureus or Streptococcus pyogenes.

 

Karaniwang sintomas: mapupulang sugat sa paligid ng ilong at bibig at masasakit na sugat na puno ng nana (malubhang kaso)

 

Sinu-sino ang maaaring magkaroon nito?

 

Karaniwang mga batang may edad dalawa hanggang limang taon ang nagkakaroon ng impetigo. Nakakahawa ang sakit sa balat na ito. Naipapasa ang bakterya sa ibang tao sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, lalo na kung mayroon din silang sakit sa balat tulad ng dry skin o eczema at mga sugat na hindi ginagamot. Ang mainit at mahalumigmig na panahon ay dahilan din upang kumalat ang impetigo.

 

Paraan ng Paggamot:

 

Nireresitahan ng gamot at antibacterial creams ang mga pasyenteng may impetigo. Kung ang inyong anak ay mayroon nito, panatilihing maigsi ang kanilang mga kuko. Lagyan ng tapal ang apektadong bahagi ng balat upang maiwasan ang pagkakamot at pagkalat ng sugat. Gumamit ng sariling tuwalya, sabon at damit kung may impetigo at huwag itong ipahiram sa iba.

 

3. PYODERMA

 

 Mga Uri: Impetigo (karaniwan), superficial folliculitis, pyoderma gangrenosum (malubhang kaso)

 

Sanhi: Staphyloccus aureus, klima, overcrowding, at hindi malinis na katawan

 

Karaniwang Sintomas: maaaring lumitaw bilang maliliit na pimples o paltos

 

Sino ang maaaring magkaroon nito?

 

 Madaling kapitan ng sakit na ito ang mga taong may hepatitis,rheumatoid arthritis, at ilan sa mga taong mayroong inflammatory bowel diseases.

 

Paraan ng Paggamot:

 

Mainam na pagbutihin ang pag aalaga sa katawan lalo na sa bahaging apektado ng pyoderma. Regular itong linisan at lagyan ng topical cream o gumamit ng gamot tulad ng steroids para sa pyoderma na ireresita ng doktor. Ugaliin ding magpalit ng damit palagi.

 

RASHES

 

Ang kundisyong ito ay maituturing na medical emergency at nangangailangan ng maagap na lunas. Ang mga karaniwang sintomas nito ay ang pangangati at pag-iiba ng kulay ng apektadong bahagi. Karaniwang sanhi ng rashes ang fungal skin infection, allergic reactions, autoimmune disease, kagat ng insekto, at side effects ng iniinom na gamot.

 

Maaaring gumamit ng anti-itch o anti-fungal cream upang mabawasan at malunasan ang mga sintomas.

 

An gating balat ay isa sa pinakasensitibong bahagi n gating katawan. Marapat lamang na ito’y alagaang mabuti at panatilihing malinis upang makaiwas sa anumang sakit na makaaapekto dito, tulad ng mga nabanggit. Regular na magpakonsulta sa doktor kung nakararanas ng mga sintomas upang hindi ito lumala at magdulot ng mas malalang kundisyon.

 

Sources:

https://www.unilab.com.ph/articles/quick-facts-on-common-skin-diseases

https://www.healthline.com/health/itching

https://www.medicinenet.com/rash/article.htm

 



What do you think of this article?