Iba’t Ibang Skin Diseases at Tamang Pag-aalaga sa mga Ito
December 14, 2020
Maraming uri ng sakit sa balat at karamihan sa mga ito ay iba-iba ang sintomas, pinagmulan, napagkunan, at tamang pagtrato. Ang ilang sakit sa balat ay pansamantala habang ang ilan ay permanente. May ilang kaso rin ng mga sakit na ito na namamana. May ilang kaso rin na hindi ito dapat ikabahala at may ilang malalalang kaso rin na minsan umaabot pa sa kamatayan.
Habang ang ilan ngang skin diseases ay pansamantala lamang at lumilipas o nawawala sa pagdaan ng panahon o sa tamang medikasyon, dapat maalam sa mga ito lalo na sa mga may mga tiyansa ng paglala upang malaman kung nararapat itong pagtuonan ng mas maraming atensyon at para malaman din ang tamang paggagamot.
Ito ang ilan sa mga common skin diseases:
- Blister
- Paltos na may malinaw at umbok ng tubig sa loob nito
- May malalaki at may maliliit, maaari ring paisa-isa o marami
- Acne
- Nakikita sa mukha at paminsan-minsan sa leeg, likuran, at dibdib
- Madalas itong sanhi ng blackheads, whiteheads, tigyawat o pimples, o di kaya’y maliliit na cyst at nodules
- Maaari itong mag-iwan ng peklat kung hindi bibigyan ng solusyon
- Rosacea
- Isa ito sa ilang chronic types of skin diseases na nawawala at bumabalik
- Ang relapse ay madalas buhat ng pagkain ng maaanghang, pag-inom ng alcoholic beverage, masyadong pagkababad sa araw, at isang bacteria sa tiyan na kung tawagin ay Helicobacter pylori
- Madalas itong may dalang pamumula ng balat, face bumps, at pagka-dry ng balat
- Warts
- Sanhi ng iba’t ibang uri ng virus na kung tawagi’y human papillomavirus
- Maaaring matagpuan sa balat o sa isang mucous membranes
- Maaaring nag-iisa o marami
- Nakahahawa sa ibang tao
- Cold Sore
- Singaw ito sa labi o sa palibot ng bibig, madalas mamula-mula at masakit
- Madalas makaramdam ng sakit bago pa man ito lumabas
- Paminsan-minsang may kasamang lagnat o trangkaso
- Hives
- Mga butlig-butlig sa balat na madalas lumalabas kapag na-expose ang indibidwal sa isang allergen
- Madalas mamula-mula at mainit ang parte ng balat na meron nito
- Eczema
- Mas kilala bilang skin asthma o atopic dermatitis
- Dilaw o di kaya’y puti na mistulang kaliskis na nababakbak
- Maaaring makaranas ng pangagati at pamumula, minsan parang greasy at oily rin ang balat na apektado
- Maaaring magkaroon ng hairloss sa parteng apektado
- Vitiligo
- Bunga ito ng pagkawala ng skin pigments dulot ng autoimmune destruction ng cells na nagbibigay kulay sa balat
- Maaaring sa isang parte lamang ng katawan o buong katawan
- May tiyansa na magkukulay abo ng anit o ng buhok
- Psoriasis
- Scaly at silvery ang patse ng balat na apektado
- Madalas itong makita sa anit, siko, tuhod, o di kaya’y sa lower back
- Maaaring maging makati o asymptomatic
- Actinic Keratosis
- Makapal, magaspang, at madalas na nagbabalat na parte ng katawan na madalas exposed sa araw
- Madalas pink pero maaari ring kulay brown o gray
- Measles
- Mayroon itong sintomas na lagnat, pagsakit ng lalamunan, pamumula at pagtutubig ng mata, kawalan ng gana kumain, pag-ubo, at sipon
- Kumakalat ang pamumula ng balat mula ulo pababa sa katawan tatlo hanggang limang araw pagkatapos lumabas ng mga unang sintomas
- May lumilitaw rin na red spots na may asul na gitna sa loob ng bibig
- Chickenpox
- Kumpol ng makakati at mapupulang tila paltos
- May kasamang lagnat, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, at kawalan ng gana kumain
- Nakahahawa sa ibang tao
- Cellulitis
- Isa itong skin condition na nangangailangan ng agarang pagpapagamot
- Dulot ito ng bacteria or fungi na pumasok sa isang sugat
- Nagdudulot ito ng pamumula at pamamaga sa balat
- Kumakalat
- Mainit kapag nadampi at madalas itong may kasamang lagnat at kombulsyon
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/southeast-asian-ethnicity-teenage-girl-annoyed-1677665845
Iba-iba ang sintomas ng iba’t ibang skin disease. Ilang sintomas nga nakikita sa balat ay madalas hindi sanhi ng isang skin disorder. Minsan may kinalaman rin ang mga bagay na ating ginagamit sa araw-araw tulad na lang ng pagkakaroon ng paltos dahil sa pagsusuot ng sapatos o pagbabakbak ng balat sa ilang parte ng binti dahil sa hapit na pantalon. Gayunman, kapag may lumilitaw na mga sintomas na walang direktang koneksyon sa mga bagay na ginagamit sa buhay, maaaring maging sanhi nga ito ng skin disease.
Maraming health condition at uri ng pamumuhay ang nakakaapekto sa pagkakaroon ng skin disorder. Ang ilang skin disorder, wala ring malinaw na pinagmulan. Gayunman, may mga hakbang upang maalagaan nang mabuti ang isang skin disease.
Depende sa sakit, maaaring imungkahi ng mga eksperto ang paggamit ng antihistamine, mga cream at ointment, antibiotic, bitamina o steroid injections, laser therapy, at iba pang reseta.
Hindi lahat ng skin disorder ay tinatablan ng treatment. May ilang kondisyon din na nawawala nang hindi kinakailangan ng dagdag na paggagamot o dagdag atensyon. Para naman sa mga taong may permanenteng skin condition at madalas makaranas ng malubhang sintomas, kinakailangan nilang sumailalim sa ilang masinsing panggagamot.
Ilan sa mga skin disorder, lalo na ang mga hindi permanente at hindi buhat ng genetic condition ay maaaring mapigilan.
Maaaring madaan sa kalinisan ang karamihan ng skin disorder. Kabilang sa hygienic na gawain upang mapigilan ang mga sakit sa balat ay paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa pakikigamit ng ibang kutsara’t tinidor o basong inuman, pag-iwas sa pagdikit sa balat ng ibang tao, paglilinis ng mga kagamitan na madalas gamitin ng publiko o pag-iwas sa mga ito, pag-iwas sa pagpapahiram ng mga personal na kagamitan, pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-inom ng sapat na dami ng tubig, pag-iwas sa labis na pagkapagod at stress, pagkain nang tama, at pagkakaroon ng tamang mga bakuna.
Dagdag pa rito, maaari ring gumamit ng ‘di kalakasang facial cleanser, paggamit ng moisturizer, pag-iwas sa mga allergens sa paligid at sa pagkain, pag-iwas sa ilang kemikal, at pagprotekta sa balat sa tuwing labis ang lamig o labis ang init.
Dapat lamang tandaan na kailangan maging maalam sa pag-aalaga sa sariling balat upang makaiwas sa maraming sakit. Sa pagkakataon na nangangailangan ng hindi kasiguraduhan, ‘wag mag-atubili na kumonsulta sa mga doctor at iwasan ang paggagamot nang hindi nakabase sa medikal na pag-aaral.
Source: