Ang psoriasis ay isang autoimmune skin condition kung saan ang skin cells ay mas mabilis mag-develop kaysa normal. Dahilan ito para magkaroon ng makakapal, mala-kaliskis, at makating parte ng balat.
Alamin kung anu-ano ang treatment na pwedeng gawin laban sa psoriasis at tamang alaga tips para sa maayos na management ng sakit.
Types of Psoriasis
Para mas mabigyan ng angkop na gamot o treatment, tingnan ang ilan sa mga iba’t ibang uri ng psoriasis:
- Plaque psoriasis – Ito ang pinaka-karaniwang uri na sinasamahan ng nakaumbok, namumula, nangangati, at makaliskis na parte ng balat. Kadalasan itong makikita sa siko, tuhod, anit, o lower back.
- Inverse psoriasis – Maaari itong lumabas sa kili-kili, singit, at ilalim ng dibdib. Hindi ito makaliskis gaya ng plaque psoriasis at tila makintab ang apektadong bahagi.
- Pustular psoriasis – Ito ay sinasamahan ng mga sugat na may nana. Napapalibutan din ito ng namumulang balat. Madalas itong matatagpuan sa mga kamay at paa.
- Guttate psoriasis – Nagsisimula ito bilang maliliit at mapulang butlig sa balat habang bata pa. Kusa rin itong nawawala kapag hindi na-trigger ng stress, injury, at mga infection sa upper respiratory tract.
Psoriasis Causes
Dahil napapabilis nito ang paglaki at pagdami ng skin cells, ang kadalasang 21-28 days na pagpapalit ng skin cells ay nagiging dalawa hanggang anim na araw lang. Ang kabilisang ito ay nagdadala ng inflammation sa balat.
Naaapektuhan din sa pagkakaroon ng psoriasis ang hormonal changes, stress at anxiety, injury, at infections. May ilang allergies din na nakakapagpalabas nito, gayundin naman ang pabago-bagong panahon.
Psoriasis Treatment
May mga topical medication, oral na gamot, at injected medications na pwedeng ireseta ng doktor para gumaling mula sa psoriasis. Narito ang ilan sa mga over-the-counter medicine for itchy skin na nakakapagpagaan ng psoriasis symptoms:
- Synthetic Vitamin D – Bukod sa nakukuha sa sunlight, nakakatulong ang treatment na ito para mapabagal ang cell growth at mawala ang pangangaliskis ng balat.
- Retinoids – Ito ay synthetic Vitamin A na nakakapagpabagal din ng cell growth, nakakabawas ng pamumula, at nakakapagpaginhawa mula sa pangangati.
- Corticosteroids – Maaaring gel, foam, ointment, cream, o spray, ito ang isa sa mga pinakamabisang lunas mula sa psoriasis.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/use-emollient-dry-flaky-skin-treatment-1492044644
- Hydrocortisone cream – Natatanggal nito ang inflammation at pangangati.
- Salicylic acid – Para sa mga may psoriasis sa anit, natatanggal nito ang pamamaga ng apektadong bahagi, ganun din ang mga mala-kaliskis na pamamalat nito.
Mayroon ding mga home remedies na pwedeng subukan gaya ng mga sumusunod:
- Magsagawa ng stress management steps gaya ng yoga, meditation, o regular na ehersisyo.
- Kumain ng wastong pagkain at magpanatili ng malusog na timbang.
- Umiwas sa mga pagkaing nakaka-trigger ng inyong psoriasis.
- Tumigil sa masamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
- Panatilihing moisturized ang balat lalo na matapos maligo.
- Pumili ng mga mild at unscented na skin products gaya ng sabon at lotion.
- Maligo gamit ang malamig na tubig at umiwas sa mainit na pampaligo dahil nakakatuyo ito lalo ng balat.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/52457
https://www.healthgrades.com/right-care/psoriasis/how-to-prevent-psoriasis-from-spreading-on-your-body