Ang fungal infection ay isang karaniwang kondisyon ng balat na maaaring manggaling sa iba’t ibang uri ng fungi. Tingnan natin kung anu-ano ang ilan sa mga uri nito at anong mga gamot ang angkop para sa mga ito.
Anu-ano ang mga sintomas ng fungal skin infection?
Depende sa uri ng tumamang fungal infection, narito ang ilan sa mga karaniwang senyales na nangangailangan na ng skin remedy para sa treatment:
- Kapansin-pansing pagbabago sa balat;
- Pamamalat ng bahagi ng katawan na apektado ng fungal infection; at
- Pamumula ng apektadong bahagi, na maaaring may kasamang pangangati.
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng fungal infection at paano ito gamutin?
- Athlete’s foot – Naninirahan ang fungus sa mainit at mamawis-mawis na gilid ng mga paa. Sinasamahan ito ng pamumula o pagsusugat, pangangati, at maging pangangamoy.
Ilan sa gamot para rito ang antifungal ointments or cream na pinapahid sa balat. Nabibili ang mga ito over-the-counter o kaya naman ay sa reseta ng doktor. Sa malulubhang kaso, pwede itong sabayan ng oral medication.
- Ringworm – Ang skin infection na ito ay dala ng fungi na naninirahan sa dead tissue gaya ng sa balat, buhok, at kuko. Maaari itong lumabas sa iba’t ibang parte ng katawan. Tinatawag itong jock itch kapag ang apektadong bahagi ay sa singit, puwet, at hita.
Ang gamot para sa iba’t ibang klase ng skin infection na dala ng ringworm ay nabibili rin over-the-counter, gaya ng ointment at cream. Kung sa anit naman ang impeksyon, may mga medicated shampoo na pwedeng irekomenda ang doktor.
- Yeast infection – Kadalasang napupunta sa maselang bahagi ng katawan ng babae, nangyayari ito dahil sa imbalance ng bacteria, stress, poor hygiene, at iba pang mga sanhi.
Para gamutin ang yeast infection, linising mabuti ang apektadong bahagi. Magsuot din ng maluwag na damit para hindi makulob at pawisan ang area na may skin infection. Depende sa kaso ng yeast infection, maaaring magreseta ang doktor ng cream, tablet, at suppository para mapigilan ang pagdami ng fungi.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-puts-some-cream-on-her-1104454169
Medicine for Itchy Skin
Importante ang maaga at tamang diagnosis para matukoy ng doktor ang angkop na gamot o lunas para sa fungal infection. Narito ang ilan sa mga antifungal medicine na maaaring gamitin para sa treatment:
- Amphotericin;
- Clotrimazole;
- Econazole;
- Fluconazole;
- Ketoconazole;
- Miconazole; at
- Terbinafine.
Ano pa ang pwedeng gawin maliban sa pag-inom ng gamot?
Tandaan na gumagamit ng antifungal medicine para mapatay ang fungi at mapigilan ang pagdami nito. Siguraduhing walang kondisyon o medical history ng allergies na maaaring maapektuhan ng paggamit ng antifungal medication. Tingnan din muna kung may side effects ang mga ito at interactions sa ibang mga gamot na inyong iniinom. Kung nagbubuntis, nagpapasuso, o sa bata gagamitin ang gamot, kumunsulta muna sa OBGYN o pediatrician para makasigurado.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/317970
https://www.nhs.uk/conditions/antifungal-medicines/