Gamot sa hadhad

February 22, 2019

Ang personal hygiene ay isa sa mga pinakaimportanteng bagay sa buhay na hindi dapat binabalewala. Sa dami nating ginagawa at pinupuntahan bawat araw, hindi na natin masigurado kung anu-ano na ang mga kumakapit sa ating mga katawan.

Importante ang maligo, maghugas ng kamay at paa, at magpalit ng damit bawat araw para laging fresh at clean ang feeling. Kasi kapag hindi natin inaaraw-araw ang pag-aalaga sa sarili nating katawan, baka kung anu-ano na ang mga infection ang iyong nakukuha.

Isa na rito ang pagkakaroon ng hadhad o jock itch. 

Ano ang hadhad o jock itch?


Ang hadhad o jock itch (Tinea Crucis) ay isang uri ng ringworm. Ito ay isang fungal infection sa outer layer ng ating balat, buhok at kuko.  

Madalas nagkakaroon ng hadhad ang mga tao na mahilig sa physical activities o ang mga atleta.

Ito ay nagde-develop sa outer skin layer ng genitals, inner thighs, at buttocks. Natri-trigger ang hadhad sa mga warm, moist areas ng ating katawan, kaya prone rin ang mga taong pawisin sa hadhad.

At risk din ang mga taong overweight sa hadhad dahil sa pawis na nag-a-accumulate sa different folds in their bodies.

Ang pinakasimpleng paraan para makaiwas sa hadhad ay proper personal hygiene. Dapat ugaliing linisan ng maigi ang katawan at palitan ang damit tuwing napapawisan para hindi ma-trigger ang hadhad sa katawan.

Signs and symptoms na may hadhad ka


Kapansin-pansin ang hadhad sa katawan tuwing namumula ang outer skin layer ng affected body part o parang may rash sa area na iyon. Ito ay makati at mahapdi sa pakiramdam at ang balat ay magmumukhang flaky o scaly.

Hindi naman seryoso ang kondisyon na hadhad, pero infectious ito.

Ang sanhi ng jock itch ay galing sa grupo ng fungi na dermotophytes. Natural silang namumuhay sa ating mga balat at hindi naman ito mapanganib. Pero kapag hindi tayo agad-agad nakapagpalit ng damit pagkatapos ng isang physical activity, ang matagal na exposure sa pawis ang nagti-trigger sa fungi at mabilis ito kumalat sa katawan, damit, at iba't-iba pang gamit na nahawakan.

Kaya madalas nagkakaroon ng hadhad ang mga tao sa public places tulad ng shower rooms at locker room ay dahil maaaring kumalat ang fungus sa pamamagitan ng personal contact at paghati ng paggamit ng mga personal na bagay.

Halimbawa, kung ginamit mo ang isang infected towel, may posibilidad na ikaw din ay magkahadhad. Hindi rin safe na gumamit ng damit ng taong may hadhad lalo na kung hindi pa ito nalalabhan dahil mabilis kumalat ang fungi, mas lalo na sa lugar na mainit at basa.

undefined

Photo from Pexels

Maliban sa pawis, posible rin magkahadhad ang isang tao dahil sa pagsusuot ng masisikip na damit. Ang pagkiskis ng tela at ng ating balat ay maaaring maging trigger sa pagkakaroon ng fungi.

Ito ang mga karaniwan na sintomas ng hadhad o jock itch:

  • redness o namumula
  • persistent na pangangati sa affected area
  • burning sensation o hapdi
  • flaking, peeling, or cracking skin
  • lumalala ang redness o rash pagkatapos ng exercise
  • hindi nakakatulong ang mga over-the-counter na anti-itch cream

 
Ang mga lalaki ang madalas na nakakaranas ng hadhad o jock itch. Kadalasan, sabay pa rito ang pagkakaroon ng athlete's foot o ang pagbaho ng paa dahil magkaparehas lang ang fungi na nagti-trigger sa hadhad at athlete's foot.

Ang mga tao rin na mahina ang immune system at may diabetes ay mataas din ang tiyansang magkaroon ng hadhad.

Kapag hindi nag-improve ang hadhad sa loob ng 2 linggo o pagkatapos ng ilang linggo na umiinom ng over-the-counter medication, kailangan na pumunta sa doktor para maresetahan ng angkop na gamot.

Hadhad treatment

Maraming iba't-ibang gamot sa hadhad. Kadalasan ang mga home remedy para sa hadhad ay may kinalaman lamang sa personal hygiene.

Unang-una, importante na hugusan ang affected area gamit ang sabon at tubig. Patuyuin itong mabuti at mabuti na rin na agapan ito agad sa pamamagitan ng antifungal cream o powder. 

Pagkatapos ng bawat exercise o pisikal na aktibidad, laging siguraduhing tuyo ang parte ng katawan na apektado ng hadhad para maiwasanag lumala ito.

Importante rin na magpalit ng damit. Mahalagang ugaliin din na mag palit araw-araw ng underwear para maiwasan ang pagkakaroon ng hadhad. Mas makakabuti rin na magsuot ng di masyadong masikip para maiwasan ang pagkiskis ng balat sa tela ng damit.

Iwasan din mag-share ng personal items mas lalo na kapag hindi pa ito nalilinisan nang mabuti.

undefined

Photo from Pexels

Ang mga iba pang home remedy para sa hadhad na puwedeng gawin ay ang pag-iwas sa mga harsh fabric softeners, bleachers, o detergents. Iwasan din ang 100% cotton underwear.

Pagdating naman sa mga herbal na gamot sa hadhad, marami ay nahahanap lamang sa ating bahay. Maaaring gumamit ng garlic na hinaluan ng olive o coconut oil para maiwasan ang fungal infection. Ilan pa sa mga home remedies na matatagpuan lamang sa ating bahay ay ang apple cider vinegar, aloe vera, grapefruit seed extract, turmeric, powdered licorice, tea tree oil, at oil of oregano.

Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/jock-itch/symptoms-causes/syc-20353807
https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/aa45969spec
https://www.healthline.com/health/jock-itch
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-94303/antifungal-tolnaftate-topical/details

https://www.medicalnewstoday.com/articles/320911.php