Gamot sa sinusitis

May 03, 2019

Ano ang sinusitis?

Ang sinuses ay mga espasyo sa mga buto na dinadaluyan ng hangin. Matatagpuan ang mga ito sa noo, sa tabi ng ilong sa loob ng cheekbones, sa likod ng tulay ng ilong, at sa itaas na bahagi ng ilong.

Kapag may sinusitis ang isang tao, namamaga ang tissue lining sa may sinus. Kapag ang sinus ay naharangan at napuno ng likido, maaaring mapasukan ito ng bacteria na may dalang impeksyon at magdulot ng sinusitis.

Ano ang mga sanhi ng sinusitis?

Bata man o matanda ay posibleng magkaroon ng sakit na ito. Kaya narito ang mga dahilan kung bakit nahaharangan o nagkakaroon ng blockage ang sinus:

  • Sipon o baradong ilong dulot ng bacteria
  • Allergic Rhinitis o ang pagresponde ng katawan sa allergy
  • Nasal Polyps o ang bukol na tumutubo sa loob ng ilong
  • Deviated Septum o ang hindi pantay na cartillage na pumapagitan sa dalawang labasan ng hangin o butas ng ilong

Ano ang mga uri ng sinusitis?

  1. Acute sinusitis

Ito ay madalas nagsisimula sa mga sintomas ng sipon na posibleng umabot ng dalawa hanggang apat na linggo.

  1. Subacute sinus inflammation

Ang sinusitis na ito ay umaabot ng apat hanggang labing-dalawang linggo

  1. Chronic inflammation

Ang sinusitis na ito naman ay tumatagal lagpas 12 linggo ang mga sintomas

  1. Recurrent sinusitis

Ito naman ang tawag sa pabalik-balik na sintomas ng sinusitis sa loob ng isang taon

Sintomas ng sinusitis:

Kung acute sinusitis:

  • Facial pain o matinding pananakit ng ilang bahagi ng iyong mukha
  • Baradong ilong
  • Sipon
  • Kawalan ng pang-amoy
  • Ubo
  • Lagnat
  • Mabaho ang hininga
  • Pakiramdam na parating pagod o fatigue
  • Pananakit ng ngipin
  • Kulay dilaw o berdeng nasal discharge o sipon

Kung chronic sinusitis:

  • Kung ang mga nabanggit na sintomas ng acute sinusitis ay umaabot na ng mahigit 12 linggo
  • Baradong ilong
  • Pus o nana sa iyong ilong
  • Ibang kulay ng sipon
  • Ang madalas na pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ngipin at pakiramdam na palaging pagod

Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sinusitis:

  • Huwag manigarilyo o umiwas sa mga taong naninigarilyo
  • Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain lalo na sa panahon na uso ang trangkaso
  • Iwasang hawakan ang mukha upang hindi kumalat ang bacteria
  • Iwasan ang mga bagay na allergic ka

Ang ang posibleng mangyari kapag hindi naagapan ang sinusitis?

Ang sinusitis ay maaaring magresulta sa meningitis (pamamaga ng membranes ng ating gulugod hanggang sa utak), impeksyon sa utak o sa buto.

Huling Paalala:

Para naman tuluyang gumaling sa sinusitis, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng

angkop na gamot tulad ng Ritemed Clarithomycin kung kinakailangan. Huwag kalimutan na

uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na makarecover.

 

References:

https://www.webmd.com/allergies/sinusitis-and-sinus-infection#1

https://www.medicinenet.com/sinusitis/article.htm

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-sinusitis/symptoms-causes/syc-20351661