Ang arthritis ay isang kondisyon na nauugnay sa pamamaga at pananakit ng isa o higit pang mga kasukasuan. Ang pangunahing sintomas ng arthritis ay pananakit ng mga kasukasuan, na karaniwang lumalala sa pagtanda. Ang mga pinakakaraniwang uri ng arthritis ay ang osteoarthritis at rheumatoid arthritis.
Osteoarthritis ang pagkapunit o pagkasira ng cartilage sa kamay, tuhod, balakang o ibang bahagi ng katawan. Ang rheumatoid arthritis naman ay isang sakit kung saan ang immune system ng katawan ay umaatake sa mga kasukasuan, simula sa lining ng mga kasukasuan.
Ang mga paggamot ay nag-iiba depende sa uri ng arthritis. Ang pangunahing layunin ng paggamot sa arthritis ay mabawasan ang mga sintomas at mapabuti ang kalidad ng buhay. (1)
Sintomas ng Arthritis (1)
https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-suffering-hand-finger-joint-causes-2052109172
Ang mga pangunahing palatandaan at sintomas ng arthritis ay nauugnay sa mga kasukasuan. Depende sa uri ng arthritis, maaaring kasama ang mga sumusunod bilang palatandaan at sintomas ng arthritis:
- Pananakit ng kasukasuan
- Pamamaga ng apektadong buto
- Pamumula ng apektadong parte
- Hirap o limitadong paggalaw
Mga Risk factors ng Arthritis (2)
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-female-doctor-protective-mask-discussing-765004390
Mga Panganib na Maaaring Kontrolin:
- Sobrang Timbang: Ang mga taong sobra sa timbang ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng knee osteoarthritis kaysa sa mga hindi sobra sa timbang.
- Impeksyon: Maraming mikrobyo, tulad ng mga bacteria, ang maaaring magdulot ng impeksyon sa mga kasukasuan at potensyal na magdulot ng ilang uri ng arthritis.
- Pinsala sa Kasukasuan: Ang pinsala sa kasukasuan o sobrang paggamit nito, tulad ng sobrang pag-bend ng tuhod at paulit-ulit na stress, ay maaaring magdulot ng damage sa kasukasuan at magdulot ng osteoarthritis sa kasukasuang iyon.
- Paninigarilyo: Ang paninigarilyo ay nagtataas ng risk ng pag-develop ng rheumatoid arthritis (RA) at maaaring paigtingin ang sakit na ito.
Mga risk na hindi nakokontrol o non modifiable risk factors: (2)
- Edad: Ang panganib ng pag-develop ng karamihan sa mga uri ng arthritis ay tumataas habang tayo ay tumatanda.
- Kasarian: Karamihan sa mga uri ng arthritis ay mas karaniwan sa mga kababaihan, tulad ng osteoarthritis (OA), rheumatoid arthritis (RA), at fibromyalgia. Ang gout naman ay mas karaniwan sa mga kalalakihan.
- Genetics at Inherited Traits: Ang mga taong may tiyak na mga genes ay mas malamang na magkaroon ng ilang uri ng arthritis, tulad ng rheumatoid arthritis (RA), systemic lupus erythematosus (SLE), at ankylosing spondylitis. Tinatawag ang mga genes na ito na HLA (human leukocyte antigen) class II genotypes.
Mga Paraan upang Makaiwas sa Arthritis
May ilang mga pamamaraan na maaaring makatulong upang mabawasan ang iyong risk ng pagkakaroon ng masakit na mga kasukasuan habang tumatanda.
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Omega-3
https://www.shutterstock.com/image-photo/selection-healthy-fat-sources-copy-space-367400354
Ang omega-3 fatty acids ay isang uri ng polyunsaturated fat. Marami itong benepisyo kabilang na ang pagbawas ng pamamaga sa katawan. Nailathala rin ang mga pagsasaliksik na nagpapakita na ang omega-3 ay nakakabawas sa aktibidad ng RA sa mga kasukasuan. (3)
- Kontrolin ang Timbang
Ang pagpapanatili ng wastong timbang ay maaaring makatulong sa makabawas sa kirot mula sa arthritis. Ang pagbaba lang ng 1 pound sa timbang ay maaaring magresulta sa pagbawas ng apat na pounds ng tensyon sa mga tuhod ng mga taong may knee OA.
Ang pagbawas naman ng 10%-20% sa timbang ay maaaring makatulong sa kirot, at kalidad ng buhay. (5)
- Regular na Pag-ehersisyo
Hindi lamang binabawasan ng ehersisyo ang stress mula sa sobrang timbang ng mga kasukasuan, ngunit ito rin ay nagpapalakas sa mga kalamnan sa paligid ng mga kasukasuan. Ito ay nagbibigay suporta sa mga ito at nagbibigay proteksyon sa pagkasira at pagkapunit. (4)
- Kumunsulta sa Propesyonal
Pwedeng kumunsulta sa doktor kung ano ang mga uri ng ehersisyo na angkop para sa iyong antas ng kundisyon. Kung hindi ka pa nageehersisyo, maaaring magsimula dahan-dahan. Maaring maglakad lamang ng 10 minuto sa unang araw, pagkatapos ay gawing 15 minuto, hanggang sa maabot mo ang buong 30 minuto. (4)
- Iwasan ang Paninigarilyo
Mahirap itigil ang gawi na ito. Gayunpaman, ang pagtigil sa paninigarilyo ay hindi lamang nagpapababa ng panganib ng sakit sa puso at baga, kundi ito rin ay tumutulong sa pagprotekta laban sa arthritis.
Noong 2010, inilabas ang unang pagsusuri ng mga pag-aaral tungkol sa paninigarilyo at panganib ng RA. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga kalalakihan na naninigarilyo ay may doble o dalawang beses mas mataas ang tyansa na magkaroon ng RA kaysa sa mga kalalakihan na hindi naninigarilyo.
Ang mga kababaihan naman na naninigarilyo ay mga 1.3 beses na mas may tyansang magkaroon ng RA kaysa sa mga kababaihan na hindi naninigarilyo.
Ang RA ay isang uri ng sakit na nagdudulot ng pamamaga, at ang paninigarilyo ay nagpapalala ng pamamaga sa buong katawan.
Nakakaapekto rin ang paninigarilyo sa resulta ng paggamot. Ang mga taong naninigarilyo ay hindi gaanong nagre-respond sa mga gamot para sa arthritis. (6)
Hindi madaling iwasan ang pag-develop ng arthritis ngunit maaari itong mapabagal o ma-kontrol sa pamamagitan ng tamang pangangalaga. Ito ay isang mahalagang hakbang para mapanatili ang kalusugan ng mga kasukasuan at maiwasan ang mga sintomas na nagdudulot ng kirot, pamamaga, at hirap sa paggalaw. Maaaring makatulong ang mga doktor sa pagbigay ng mga gabay at rekomendasyon upang maiwasan o mapabuti ang kalagayan ng arthritis.
Ang pinsalang dulot ng arthritis ay karaniwang nagpapatuloy, kaya't ang mas matagal na pagbabalewala sa mga sintomas ay nagdudulot ng mas maraming pinsala. Sa pamamagitan ng regular na check-up sa doktor, maaaring matukoy ang mga potensyal na panganib na nauugnay sa iyong mga gawi at kalusugan. Maaari rin silang magbigay ng mga payo ukol sa tamang lifestyle at mga hakbang na dapat gawin upang mapanatili ang kalusugan ng iyong mga kasukasuan.
References:
- Mayo Clinic. (2021). Arthritis - Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/arthritis/symptoms-causes/syc-20350772#:~:text=People%20who%20have%20injured%20a
- Centre for Disease Control and Prevention. (2019). Arthritis Risk Factors. Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/arthritis/basics/risk-factors.htm
- Kostoglou-Athanassiou, I., Athanassiou, L., & Athanassiou, P. (2020). The Effect of Omega-3 Fatty Acids on Rheumatoid Arthritis. Mediterranean Journal of Rheumatology, 31(2), 190–194. https://doi.org/10.31138/mjr.31.2.190
- Watson, S. (2013, August 28). 9 Ways to Prevent Arthritis, from Exercise to Ergonomics. Healthline. https://www.healthline.com/health/arthritis-prevention#eat-omega-3-s
- Arthritis Foundation. (n.d.). Weight Loss Benefits for Arthritis | Arthritis Foundation. Www.arthritis.org. https://www.arthritis.org/health-wellness/healthy-living/nutrition/weight-loss/weight-loss-benefits-for-arthritis
- Sugiyama, D., Nishimura, K., Tamaki, K., Tsuji, G., Nakazawa, T., Morinobu, A., & Kumagai, S. (2009). Impact of smoking as a risk factor for developing rheumatoid arthritis: a meta-analysis of observational studies. Annals of the Rheumatic Diseases, 69(01), 70–81. https://doi.org/10.1136/ard.2008.096487