Isa sa bawat 10 na tao ay posibleng magkaranas ng seizure. Ibig sabihin nito ay karaniwan ang ganitong sitwasyon at posibleng mangyari ito sa harap mo ng hindi mo inaasahan.
Ano ang seizure?
Ang seizure ay nangyayari kapag hindi normal ang takbo ng kuryente sa ating utak at katawan.
Kadalasan, nawawalan ng malay at kinokombulsyon ang tao hanggang sa hindi na ma-kontrol ang paggalaw ng kanyang katawan.
Ang seizure ay hindi inaasahan o biglaang nangyayari sa isang tao. Kung gaano ito katagal o gaano ito kalala ay nakadepende sa nakararanas nito. Kung ito ay nagpapabalik-balik, maaaring epilepsy na ang tawag dito o yung tinatawag na “seizure disorder”.
Mga seizure first aid na maaaring makatulong:
Maraming uri ng seizures at kadalasan ay umaabot lamang ng limang minuto. Kapag may nakita kang tao na nawalan ng malay at unti-unting kinokumbulsyon, narito ang mga pwede mong gawin para makatulong:
- Siguraduhing nakakahinga nang maayos ang biktima. Kung siya ay nakahiga, subukang i-anggulo ang kanyang katawan para nakatutok ang kanyang bibig sa sahig. Nakakapagpaiwas itong maging sagabal ang kanilang laway sa kanilang paghinga. Hindi rin kinakailangang I-CPR ang biktima dahil kusang bumabalik sa normal ang kanilang paghinga.
- Huwag maglagay ng kahit ano sa bibig ng biktima kapag siya ay kinokombulsyon. Maaaring magdulot lamang ito ng disgrasya o baka malunok niya yung bagay na iniligay sa kanyang bibig.
- Habang kinokombulsyon ang biktima, huwag pigilan ang katawan nito at hayaan lamang. Sapagka’t ang pagpipigil dito ay maaaring magdulot lamang ng injury at posibleng mas maging agresibo ang pagkokombulsyon.
- Samahan ang taong nagkaka-seizure hanggang sa tumigil ang kanyang pagkokombulsyon o hanggang siya ay magka-malay. Sa oras na siya ay magising, tulungan siyang makaupo nang maayos sa ligtas na lugar. Sa oras na kaya na niyang makipagusap, sabihin sa kanya kung ano ang mga nangyari.
- Kung ang sitwasyon ay okay na, makiusap sa ibang tao sa paligid na lumayo muna dahil baka mahiya o malito ang biktima pagkagising.
Huling Paalala:
Kung lumagpas na ng limang minuto ang pagkokombulsyon o parang hindi na nakakahinga yung tao, dalhin siya agad sa pinakamalapit na ospital. Para naman tuluyang gumaling, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Carbamazepine. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.epilepsy.com/learn/seizure-first-aid-and-safety/adapting-first-aid-plans/seizure-first-aid
https://www.webmd.com/epilepsy/understanding-seizures-basics
https://www.cdc.gov/epilepsy/about/first-aid.htm