Save a Life: Alamin ang CPR at Ang Kahalagahan nito sa Pagligtas ng Buhay
July 15, 2023
Sa bawat sandali, maaaring mangyari ang mga hindi inaasahan sa ating paligid. Isang halimbawa nito ay ang biglaang paghinto ng tibok ng puso ng isang tao, o tinatawag na cardiac arrest. Ang mga kaso ng Out of Hospital Cardiac Arrests (OHCA) ay karaniwang nangyayari sa mga tahanan (73.4%), sinundan ng mga pampublikong lugar (16.3%), at mga nursing homes (10.3%).1 Sa pagkakataong ito, hindi kaya ng puso na mag pump ng dugo patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kasama na ang utak at baga. Ang pagkamatay ay maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto kung walang agarang pagtugon. Ang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation ay gumagamit ng chest compressions upang tulungan ang pagpump ng puso. Sa ganitong mga sitwasyon, ang agad at tamang aksyon ay maaaring maging daan upang maligtas ang buhay ng tao.2
Ano ang CPR?
Ang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation ay isang paraan ng pangunang pagtugon o first response sa isang indibidwal na nagkaroon ng cardiac arrest. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng chest compressions at rescue breaths, ang CPR ay naglalayong maipagpatuloy ang sirkulasyon ng dugo at supply ng oxygen patungo sa vital na organs ng katawan tulad ng utak at puso.3
Mga Hakbang sa CPR:4
Video demo option 1: https://www.youtube.com/watch?v=-Yqk5cHXsko
Video demo option 2: https://www.facebook.com/watch/?v=634098513741425
- Tumawag ng tulong: Sa simula ng anumang sitwasyon ng cardiac arrest, mahalaga ang agarang pagtawag ng propesyonal na tulong tulad ng ambulansya o mga doktor. Mahalagang magkaroon ng sapat na suporta habang isinasagawa ang CPR.
- Pag-check kung humihinga ang pasyente: Ihiga ang pasyente at ibuka ang bibig. Siguruhing walang nakabara sa bibig at tanggalin ang bara kung meron man. Pakinggan o pakiramdaman ang paghinga sÄ pamamagitan ng paglagay ng tenga sa tabi ng bibig ng pasyente. Kung walang marinig na paghinga, simulan ang CPR.
- Pagbigay ng kompresyon sa dibdib: Isang pangunahing hakbang sa CPR ang pagbibigay ng kompresyon sa dibdib. Isagawa ang chest compressions nang malakas at mabilis sa gitna ng dibdib. Hayaan ang dibdib na bumalik sa normal na posisyon bago isagawa ang kasunod na chest compression. Ang patuloy na kompresyon na ito ay naglalayong ibalik ang sirkulasyon ng dugo.
- Pagbigay ng rescue breaths (kung kailangan): Kung ikaw ay may sapat na pagsasanay, maaari kang magpatuloy sa pagbibigay ng rescue breaths. Gamitin ang iyong bibig upang simulan ang paghinga sa pasyente.
- Pagpatuloy ng CPR hanggang sa dumating ang propesyonal na tulong: Ang CPR ay dapat ipagpatuloy hanggang sa dumating ang propesyonal na tulong o hanggang sa ang pasyente ay bumalik ang malay o maibsan ang kanyang kalagayan.
Mga Karaniwang Sitwasyon na Nangangailangan ng CPR:
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-man-attempts-give-cpr-unconscious-2109828494
Ang cardiac arrest ay maaaring mangyari sa anumang oras at sa sinumang tao, kahit na walang karamdaman sa puso. Narito ang ilang mga karaniwang sitwasyon na nangangailangan ng agarang CPR:
- Mga aksidente: Kapag ang isang tao ay biglang nawalan ng malay dahil sa aksidente tulad ng smoke inhalation, pagkalunod, at poisoning, ang CPR ay maaaring magbigay ng pagkakataon upang maibalik ang normal na sirkulasyon ng dugo at maiwasan ang pinsala sa utak.3
- Heart attack: Ang sakit sa puso ay maaaring humantong sa isang biglaang cardiac arrest. Ang CPR ay maaaring magbigay ng panandaliang tulong habang hinihintay ang propesyonal na paggamot.4
- Pagkawala ng malay habang natutulog: Sa mga sitwasyon kung saan ang isang tao ay biglang nawalan ng malay habang natutulog, ang agarang CPR ay maaaring maging kritikal upang maibalik ang normal rhythm ng puso
Mga Benepisyo at Kahalagahan ng CPR
https://www.shutterstock.com/image-photo/beautiful-asian-wife-tending-takecare-support-1761119234
Ang CPR ay maraming benepisyo. Narito ang ilan sa mga ito:
- Nagbibigay ng supply ng oxygen sa utak: Ang CPR nakakatulong upang maiwasan ang brain death. Ang utak ay maaaring magkaroon ng pinsala sa loob ng tatlong minuto na walang tamang daloy ng dugo. Matapos ang siyam na minuto na walang daloy ng dugo patungo sa utak, tumataas ang tsansang magkaroon ng malala at malawakang pinsala sa utak na maaaring humantong sa irreversible damages tulad ng brain death.5
- Nagbibigay ng pagkakataon para sa agarang paggamot: Sa pamamagitan ng agarang pag responde at pagpapatuloy ng CPR, ang biktima ay maaaring mabigyan ng tamang pag-aaruga at pangangalaga. Ang CPR ay nagliligtas ng buhay. Kung maisasagawa agad ang CPR, maaaring madoble o matriple ang tsansa ng isang tao na mabuhay mula sa cardiac arrest. 6
Mga Pagsasanay sa CPR:
https://www.shutterstock.com/image-photo/instructor-demonstrating-cpr-on-man-first-1655353366
Ang pagsasanay sa CPR ay napakahalaga upang maging handa at magkaroon ng kahusayan sa pagresponde sa mga aksidente at mga sitwasyon ng cardiac arrest.7 Narito ang ilang mga paraan upang magkaroon ng pagsasanay sa CPR:
- Pagsali sa mga pagsasanay ng Red Cross o iba pang organisasyon: Ang Red Cross at iba pang organisasyon sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan ay nag-aalok ng mga pagsasanay sa CPR. Maaari kang sumali sa kanilang mga klase o seminar upang matuto at ma-praktis ang tamang pamamaraan ng CPR.
- Online na mga pagsasanay: Sa panahon ngayon, maraming online na mga pagsasanay sa CPR na available. Maaari kang maghanap ng mga website, mobile apps, o video tutorials na nagbibigay ng mga gabay at pagsasanay sa tamang pamamaraan ng CPR.
- Pagsasanay sa mga institusyon ng pangkalusugan: Maraming mga ospital at institusyon ng pangkalusugan ang nag-aalok ng mga pagsasanay sa CPR para sa kanilang mga empleyado at komunidad. Makipag-ugnayan sa mga lokal na institusyon upang malaman ang kanilang mga programa sa pagsasanay sa CPR.
Sa isang mundo na puno ng mga hindi inaasahang pangyayari, ang CPR ay maaaring maging sagot sa pagligtas ng buhay. Hindi lamang ito isang gawain para sa mga healthcare workers, kundi isa ring kasanayan na dapat matutunan ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng CPR, maaari tayong maging instrumento sa pagliligtas ng ating mga mahal sa buhay.
May ilang mga organisasyon na nag-aalok ng pagsasanay sa CPR. Ang pagsasanay at pagbibigay kaalaman tungkol sa CPR ay maaari ring isagawa sa mga paaralan, lugar ng trabaho, at iba pang institusyon.7 Sa pamamagitan ng pagsasanay, maaaring mas mapalaganap ang kaalaman sa CPR at mas maraming tao ang matutong magligtas ng buhay. Hindi lamang tayo maaaring magligtas ng buhay ng iba, ngunit maaari rin itong magbigay inspirasyon sa iba upang maging handa at matuto sa ganitong mahalagang kasanayan.
References:
(1) American Heart Association. (n.d.). CPR Facts and Stats. Cpr.heart.org. https://cpr.heart.org/en/resources/cpr-facts-and-stats/
(2) CDC. (2021, January 4). Three Things You May Not Know About CPR | cdc.gov. Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/heartdisease/cpr.htm#:~:text=Cardiopulmonary%20resuscitation%20(CPR)%20is%20an
(3) American Health Care Academy. (2021, September 21). What Situations Require CPR | Knwhen to perform CPR. https://cpraedcourse.com/blog/what-situations-require-cpr/
(4) Weatherspoon, D. (2023, May 22). How to perform CPR: Guidelines, procedure, and ratio. Medical News Today. https://www.medicalnewstoday.com/articles/324712
(5) Brouhard, R. (2023, January 3). How Long Does Brain Activity Last After Cardiac Arrest? Verywell Health. https://www.verywellhealth.com/brain-activity-after-cardiac-arrest-1298429#:~:text=If%20CPR%20is%20not%20performed
(6) PMD, M. F. (2022, June 28). 11 Benefits of Learning CPR | AED CPR. AEDCPR. https://www.aedcpr.com/articles/11-benefits-of-learning-cpr/amp/
(7) Philippine News Agency. (2019, April 27). CPR, a life-saving know-how. Www.pna.gov.ph. https://www.pna.gov.ph/articles/1067826