Paano Alagaan ang mga Matatanda sa Panahon ng Tag-ulan?

July 27, 2016

 

Photo Courtesy of Giuliamar via Pixabay

 

Patapos na ang summer ngayong taon at simula na naman ng panahon tag-ulan ngayong buwan ng Hulyo sa ating bansa. Ayon sa isang article ng CNN Philippines, sinasabi ni Anthony Lucero, Monitoring and Prediction Section chief ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, na inaasahang dadalas at lalakas pa ang ulan sa nalalapit na mga araw ng tag-ulan.

 

Ang populasyon ng ating bansa ay tinatayang nasa 102.4 million ayon sa census noong 2015 na kung saan 4.1% rito ay ang mga elderly. Sa pagdating ng panahon ng tag-ulan sa ating bansa, kailangan bigyan ng espesyal na pag-aalaga ang mga matatanda upang makaiwas sa mga sakit na maidudulot ng tag-ulan na maaaring makaapekto sa kanilang mga kalusugan.

 

Mas nalalapit sa mga sakit ang mga matatanda dahil nababawasan ang pagkontrol at pag-regulate ng kanilang body temperature sa tuwing malamig ang panahon. Maraming sakit ang nauuso sa panahon ng tag-ulan at ilan sa mga ito ay ang dengue, flu, cholera, at cold. Ang pulmonya (pneumonia) ay maaari ring makuha ng sinuman ngunit alalahanin na hindi ang rainy season ang dahilan ng pagkakaroon ng pneumonia kundi dahil sa bacteria o virus.

 

Mataas din ang risk ng aksidente sa mga matatanda ngayong tag-ulan. Madulas ang mga daan kaya naman maaari silang maaksidente habang naglalakad. Ang pagkadulas at pagkahulog ay maaaring magresulta sa pelvic fracture.Ang fall sa mga matatanda ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng fractures sa balakang.

 

Paano nga ba makakaiwas sa mga sakit at aksidente ngayong panahon ng tag-ulan? Anu-ano nga ba ang mga tamang pag-aalagang gagawin para sa mga matatanda? Basahin ang mga sumusunod:

 

1. Pagsuotin ng makapal na damit

Mas madaling tablan ng pulmonya ang mga matatanda kumpara sa mga kabataan dahil sa pagbabago ng kanilang immune system kaya naman siguraduhing bigyan ng espesyal na pangangalaga ang mga matatandang kasama sa bahay upang maiwasan ang mga sakit. Mabuting pagsuotin ang mga matatanda ng mga makakapal na damit sa panahon ng tag-ulan upang maproteksyonan at makaiwas sa mga sakit.

 

2. Pagamitin ng matibay na sapatos

Tuwing umuulan at basa ang mga kalsada, ang mga lolo at lola ay maaaring madulas at maaksidente sa daan. Ang pagkahulog nila ay higit na dapat iwasan dahil maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng bali o fracture sa buto. Samahan sila at alalayan sa paglalakad para sa dobleng proteksyong pang-iwas sa mga aksidente.

 

Photo Courtesy of unsplash.com via Pexels

 

3. Pakainin ng masusustansyang pagkain

Tuwing lalabas para mamalengke, pumili ng masusustansyang gulay, prutas, at karne na ipapakain sa mga elderlies upang makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-ulan. Ang nutritional needs ng isang tao ay nag-iiba habang tumatanda kaya tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na vitamins at minerals ng mga pagkaing binibili.

Pagsuotin ng makapal na damit

 

4. Kumonsulta sa doktor

Maraming kaibahan sa kalusugan ang mga kabataan at mga matatanda kaya naman ang geriatric medicine ay specialized para sa mga kalusugan at pangangailangan ng mga matatanda. Kung may mga iniindang sakit, ugaliing magpatingin ng regular sa mga geriatricians upang magkaroon na tiyak na dapat gawin na nararapat sa katawan ng senior citizens. Humingi rin ng payo tungkol sa pag-inom ng gamot at supplements na mabisang pampalakas ng sakit sa katawan.

 

Photo Courtesy of pixabay.com via Pexels

 

Siguraduhing maging handa ngayong panahon ng tag-ulan upang makaiwas sa mga sakit at panganib na maaaring maidulot ng panahon. Maging maingat upang maging ligtas sa mga susunod na buwan at mapangalagaan ang ating mga mahal sa buhay. Magpakonsulta sa mga doktor at bigyan ng mga kinakailangang gamot at tulong ang mga matatanda para magkaroon ng isang mapayapa at ligtas na panahon ngayong tag-ulan.