Matapos ang maalinsangang pakiramdam na dulot ng tag-init, masarap sa pakiramdam ang pagdating ng rainy season sa Philippines. Gayunman, sa ganitong panahon tumataas ang kaso ng mga sakit tulad ng ubo, sipon, diarrhea at flu.
Dahil sa lamig ng panahon, may mga pagkakataon na nanaisin na lamang ng ilan na hindi magluto o mag-food delivery sa Grab food, Food Panda o iba pang mga app. Subalit, maaaring subukan na magluto o gumawa ng masarap at masustansyang pagkain upang mas mapabuti rin ang resistensya sa tag-ulan.
Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay upang mapalakas ang immune system ng iyong katawan. Sa mga panahon na mahina ang iyong appetite, maari din kumonsulta sa iyong doktor at alamin ang mga supplements na nakakapagpagana sa pagkain.
Mga sangkap na mabuti para sa katawan ngayong tag-ulan:
1. Bawang
Puno ng antioxidants ang bawang at napapalakas nito ang immune system ng katawan. Bukod pa rito, nakatutulong din ito sa digestive system at nakakaganda ng metabolic rate. Sa panahon ng tag-ulan, maaaring mabawasan ang ehersisyo dahil sa pananatili sa bahay, kung kaya nakatutulong ito upang hindi maiwasan ang pagdagdag ng timbang. Isang masarap na putahe na maaaring paggamitan ng bawang ay Rasam.
2. Luya
Masarap humigop ng Ginger Tea sa tag-ulan. Nakatutulong ito sa pagpapaganda ng mood at nakapagpapabilis din ng metabolism. Gawin ito: kudkurin ang luya, ilagay sa maligamgam na tubig, lagyan ng lemon juice at isang kutsaritang honey. Maganda ito para sa kalusugan sa tag-ulan.
3. Peras
Maraming sakit ang maaaring makuha dahil sa lamig na dulot ng tag-ulan. Isa ang peras sa mga pagkaing makatutulong na palakasin ang iyong resistensya dahil puno ito ng copper, vitamin C, at vitamin B12. Makatutulong din ito para sa mga may lagnat dahil ito ay isang antipyretic agent, o nakakapagpalamig ng katawan. Subukang kumain ng peras o gawin itong juice para sa mabilis na paggaling.
4. Turmeric
Isang magandang antiseptic at antibiotic agent ang luyang-dilaw. Nakakapagpalakas din ito ng immune system.
5. Black Pepper
Hindi lamang malasa ang pamintang itim, kundi ito rin ay isang sangkap na mabuti sa kalusugan. Subukang gumawa ng Spicy Pepper Soup, na may sampalok at lagyan ito ng paminta. Masarap ito higupin sa malamig na panahon.
6. Almonds
Magandang source ng protina ang almonds. Mababa ito sa fat, at puno ng nutrisyon para sa malakas na resistensya para sa rainy season. Nakakapagpabuti ito ng pagtunaw ng pagkain sa digestive system at nakakapagpababa blood sugar level. Angkop itong gawing snack kung ikaw ay nagpapapayat.
7. Mansanas
Ayon nga sa kasabihan, “an apple a day, keeps the doctor away.” Maraming uri ng mansanas na mapagpipilian tulad ng Washington, Shimla, Fuji, Granny Smith – ang mga ito ay may magagandang nutrients na nakakapagpalakas ng resistensya sa panahon ng tag-ulan.
8. Pomegranate
Ang pomegranate o Granada ay masustansya sa mga bitamina, lalo na sa vitamin C at nakakapagpanatili ng metabolism ng katawan. Nalilinis nito ang digestive system. Napapataas din nito ang resistensya na prokteksyon laban sa sakit.
9. Beetroot
Subukang magprito ng beetroots kasama ng carrots, at i-season ng kaunting cumin seeds at paminta. Bukod pa sa masarap itong kainin, masustansya pa ang beetroot ng bitamina at mineral, tulad ng potassium, fiber at folic acid. Mababa rin sa calories ang beet kaya makatutulong ito sa pagbabawas ng timbang.
10. Tubig
Napakahalaga ang pag-inom ng tubig sa rainy season. Maaaring magkaroon ng tendency na mabawasan ang pag-inom ng tubig dahil sa lamig na dulot ng tag-ulan. Siguraduhin na uminom ng at least walong basong tubig araw-araw para sa mabilis na metabolism at malusog na katawan.
Source:
https://www.stylecraze.com/articles/rainy-season-foods-you-can-include-in-your-diet/