Papalapit na naman ang BER months kung kaya't magsisilabasan na naman ang mga karaniwang sakit tuwing tag-lamig.
Narito ang ilan sa mga sakit na kadalasang dumadapo sa mga tao kapag malamig ang panahon:
1. Sipon
Mahigit 200 klase ng mga virus ang nagdudulot ng sipon, o colds sa Ingles. Hindi ang panahon ang pangunahing sanhi ng sakit na ito. Mas mabilis itong kumalat kapag tag-lamig dahil kapag ang tao ay parating nasa loob lamang ng bahay. Kapag bumahing ang isang may sipon, mabilis dadapuan ng virus ang iba dahil hindi nakakalabas ang hangin sa loob ng bahay.
Paano ito maiiwasan?
Palaging maghuhugas ng kamay para hindi makuha ang mga mikrobyo mula sa taong may sakit. Mahalagang panatilihing malinis ang bahay at mga gamit gaya ng baso lalo na kung ang isa sa mga nakatira ay may sipon. Mainam ding kumain ng masusustansyang pagkain at mga prutas na mayaman sa Vitamin C.
2. Trangkaso o Flu
Ang trangkaso ay isang impeksyon na sanhi ng influenza virus. Naipapasa ito sa iba sa pamamagitan ng pakikisalamuha at paglanghap ng hanging may virus. Napapalakas ng malamig na panahon ang influenza virus.
Paano ito maiiwasan?
Umiwas sa taong mayroong ubo o trangkaso. Palaging maghugas ng kamay. Panatilihing malinis ang mga gamit sa bahay. Mainam ding magpabakuna ng flu vaccine para hindi magkaiwas sa sakit na ito.
3. Sore Throat
Karaniwang sakit tuwing tag-lamig ang sore throat. Ang sanhi nito ay viral o bacterial infections at malamig na panahon. Ang malamig na hangin ay nagdudulot ng panunuyo ng mga tissue sa lalamunan na magreresulta sa iritasyon. Hindi malalang kondisyon ang pamamaga ng lalamunan.
Paano ito maiiwasan?
Kapag nag-eehersisyo sa malamig na panahon, mainam na huminga sa ilong kaysa sa bibig dahil tinutuyo ng malamig na hangin ang bibig at lalamunan.
4. Arthritis
Tuwing malamig ang panahon, nanakit ang mga kasu-kasuan ng mga taong may arthritis. Ayon sa pag-aaral ng Harvard Medical School, kaya nakakaramdaman ng labis na sakit ang mga may arthritis kapag tag-lamig ay hindi dahil sa ulan o lamig kundi dahil pagbabago sa barometric pressure. Ang barometric pressure o ang pressure sa atmosphere, ay bumababa kapag may namumuong bagyo.
Paano ito maiiwasan?
Magsuot ng gloves at medyas sa gabi para hindi malamigan ang kamay at paa. Maaari ding mag-jacket kung sobrang lamig. Mag-unat pagkagising sa umaga. Maaaring lagyan ng hot compress ang parte ng katawan na masakit.
5. Heart Attack
Kapag malamig, bumibilis ang tibok ng puso at tumaas ang blood pressure para uminit ang katawan at maproteksyunan ang mga organ. Kasabay nito, sumisikip ang mga arteries na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng mga blood clot na syang magiging sanhi ng heart attack at stroke. Nagbabago din ang mga hormone dahil sa malamig na panahon at nagdudulot ito para mamuo ang dugo.
Paano ito maiiwasan?
Kumain ng maiinit na pagkain at inumin para magkaroon ng energy na kailangan ng katawan para uminit. Kahit na nasa loob lang ng bahay, mainam na mag-ehersisyo para kahit papaano ay pagpawisan.
6. Dry Skin
Dahil sa malamig na hangin, mas mabilis matuyo ang balat na syang magreresulta sa pangangati at pagbabalat nito. Ang tubig sa balat ay mas mabilis ang pag-evaporate kapag tag-lamig kaya uso ang mabilis na pag-dry ng skin.
Paano ito maiiwasan?
Protektahan ang balat sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit panlamig tulad ng jacket o sweater. Lagi ding magpahid ng moisturizer. Importanteng maiksi at maligamgam lang ang pagligo para hindi mawala ang natural oil ng balat.
Sources:
-
https://coastal-ent.com/news-events/ear/how-cold-weather-affects-your-ear-nose-throat/
-
http://www.runnersworld.com/for-beginners-only/help-running-in-cold-air-makes-my-throat-sore
-
https://www.arthritiswa.org.au/content/page/winter-amp-arthritis.html
-
http://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/08/01/11/salamat-dok-mga-sakit-sa-tag-ulan
-
http://www.netdoctor.co.uk/healthy-living/wellbeing/a27485/did-you-know-that-cold-weather-could-affect-your-heart/
-
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/11/14/1256354/sakit-sa-taglamig
-
http://www.everydayhealth.com/hs/dry-skin-relief/dr-wu-causes-of-dry-skin/
-
http://www.webmd.com/beauty/features/dry-skin-soothing-the-itch-in-winter#1
-
https://indswift.wordpress.com/2015/11/24/common-diseases-during-cold-weather/
-
https://tgp.com.ph/blog/chills-arent-cool-5-common-diseases-cold-weather/
-
http://www.istockphoto.com/gb/photos/drinking-orange-juice?excludenudity=true&sort=mostpopular&mediatype=photography&phrase=drinking%20orange%20juice
-
https://www.shutterstock.com/video/clip-1173238-stock-footage-woman-applying-moisturizer-cream-on-her-legs.html