Bilang isang bansa na madalas binabagyo, dumarating ang tag-ulan o ang rainy season sa Philippines sa mga buwan mula Hunyo hanggang Setyembre.
Sa ganitong panahon, nararapat na laging maging handa sa malalakas at biglaang mga ulan kahit nasaanmang lugar. Bilang paghahanda, siguraduhin na kumpleto ang mga gamit na panangga sa tag-ulan.
Narito ang ilang mga gamit na dapat mayroon ka ngayong rainy season:
Payong
Tiyakin na matibay ang payong na bibilhin at kakayanin nito ang mabigat na buhos ng ulan at malalakas na hangin. Nararaparat din na angkop ang laki nito sa iyo upang hindi mabasa ng ulan.
Mahalagang i-angkop ang klase ng payong ayon sa iyong lifestyle at mga araw-araw na aktibidad. Kung madalas na sumakay sa pampublikong transportasyon, mas madali magbibit ng mga foldable na payong na kasya sa iyong bag. Kung ikaw naman ay gagamit ng pribadong sasakyan, mas mabuting gumamit ng malaking payong para mas protektado sa patak ng ulan.
Jacket o kapote
Maiiwasan na mabasa ang damit kung magsusuot ng jacket o kapote. Protektado ka rin sa lamig kung ikaw ay magsuot nito.
Dahil maulan at madilim ang kalangitan, subukan na magsuot ng mga jacket na matingkad ang kulay upang mapaganda ang mood.
Bota o plastik na sapatos
Maigi na magsuot ng angkop na shoes sa rainy season. Hindi lamang nito maiiwasan na mabasa ang iyong mga paa, kung hindi mapo-protektahan ka rin nito mula sa mga sakit na nakukuha sa baha tulad ng leptospirosis.
Iwasan magsuot ng sapatos na gawa sa leather dahil madali itong masira kapag nabasa.
Kung madalas dumaan sa mga bahaing lugar, nirerekomenda ng Department of Health (DOH) na magsuot ng rubber boots o bota. Maraming mga sakit na maaring makuha sa paglusong sa baha kaya kung kinakailangan na lumusong dito, siguraduhin na hindi mababasa ang paa.
May ilan ding mga uri ng sapatos na mas fashionable tulad ng jelly o plastik na sapatos.
Matibay na bag
Gumamit ng bag na kakasya ang mga gamit na pang-tag-ulan, upang hindi mahirapan na bitbitin ang mga ito pagpunta sa paaralan o sa trabaho.
Pumili ng bag waterproof, o magdala ng plastic na pambalot sa basang payong at jacket. Siguraduhin din na hindi ito madali masira kapag nababasa.
Tisyu
Maiging laging may bitbit na pakete ng tisyu upang pamunas ng dumi, putik o pawis na dulot ng ulan. Maaari rin na magamit ito pamunas ng katawan o mga bagay na nabasa dahil sa buhos ng ulan.
Alcohol o hand sanitizer
Mahalaga na laging maghugas ng kamay sa panahon ng tag-ulan upang maiwasan ang pagkakasakit.
Ayon sa DOH, sa ganitong panahon nararapat na panatilihin ang personal hygiene. Siguraduhin na maghugas ng kamay bago at matapos kumain, at pagtapos gumamit ng banyo.
Kung wala namang mapaghuhugasan ng kamay, makatutulong ang paggamit ng alcohol at hand sanitizer upang mapatay ang mga mikrobyo na maaaring nakuha dahil sa tag-ulan. Maraming uri ng alcohol at hand sanitizer sa merkado – iba-iba ang amoy at porsyento ng alcohol. Maiging piliin ng wasto ang gagamitin.
Moisturizer
Dahil sa lamig ng panahon, maaaring maging sanhi ito ng pagkatuyo ng balat. Hindi rin masamang magbaon ng lotion para sa balat o ng lip balm para sa labi upang mapanatili na hindi matutuyo ang mga ito.
Pumili ng mga travel-size na mga gamit upang madali ito bitbitin saanman magpunta.
Emergency kit items
Sa panahon ng tag-ulan, nararapat na laging making sa balita ukol sa mga weather forecast ng PAG ASA sa weather ng araw na iyon o sa mga darating na araw.
May mga pagkakataon na malalakas ang mga bagyo na papasok sa bansa, kung kaya mahalaga na mayroon mga gamit na pang-emergency. Siguraduhin na mayroon na may mga sapat na imbak na tubig at pagkain para sa pamilya.
Ihanda rin ang mga flashlight kung sakaling mawalan ng kuryente. I-charge ang mga electronic devices tulad ng cellphone, powerbank at radyo.
Mahalaga na maging handa sa anumang sakuna lalo na sa panahon ng tag-ulan upang maging ligtas at maiwasan ang sakit.
Source:
https://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/23/10/bare-essentials-7-must-haves-rainy-season https://metro.style/living/tips/choosing-your-best-weapon-this-rainy-season/13590