Hygiene Tips Para sa Tag-Ulan

August 26, 2020

Pagkatapos ng maalinsangang panahon dala ng tag-init, masarap sa pakiramdam ang pagpasok ng rainy season sa Philippines. Gayunman, sa panahon naman na ito tumataas ang kaso ng mga ubo, sipon at lagnat dahil sa pag-iba ng temperatura. Ayon sa weather news, mataas ang moisture sa hangin sa ganitong season. Dahil dito, mabilis dumami ang mga fungi at bakterya sa loob ng tahanan.

Upang maiwasan ang pagkakasakit sa tag-ulan, mahalaga ang magkaroon ng magandang hygiene. Alamin ang ilang mga dapat alalahanin upang manatiling malinis ang katawan at kapaligiran:

Hugasan ang mga kamay at paa pag-uwi ng bahay. Maraming uri ng germs at dumi ang dumidikit sa balat at sa damit sa panahon ng tag-ulan. Ang pinakamainop na gawin ay maligo sa maligamgam na tubig pag-uwi ng bahay. Kung wala namang oras na maligo, hugasan na lamang ang mga kamay at paa gamit ang tubig na mayroong antiseptic. Maaaring gumamit ng antibacterial na sabon upang masiguradong mamatay ang mga bakterya na dumikit sa katawan. Siguraduhin din na laging may baon na hand sanitizer o alcohol kung nasa labas ng bahay. Gamitin ito sa kamay bago o matapos kumain.

Laging labhan nang maigi ang mga damit. Hindi ka man nagpapawis masyado sa rainy season dahil sa mababang temperatura, maaari namang nababasa ang damit kung naulanan o naambunan ito. Dahil sa moisture, posibleng mabuhay dito ang mga bacterial germs at fungi. Ito ang sanhi ng pagbaho ng mga damit at mga impeksyon sa balat. Gumamit ng mga sabong panlaba na antibacterial at maglagay din ng pakete ng silica sa lagayan ng damit upang maiwasan ang moisture.

Linisin ang sapatos matapos gamitin ng ilang araw. Nagiging tahanan ng mga germs ang sapatos dahil sa dumi, putik at pawis na naiipon dito. Maaari itong maging sanhi ng fungal infections, rashes, pigsa, o maimpeksyon ang sugat sa paa.  Huwag nang hintayin na bumaho ang sapatos bago ito linisan. Linisin ito bawat dalawang araw upang maalis ang mga dumi rito. Upang hindi naman mahirapan, maaari ring gumamit ng angkop na shoes for rainy season, tulad ng bota o plastik na sapatos. Mapo-protektahan ng mga ito ang paa sa maduming tubig sa lupa at hindi rin madali pamuhayan ng mga germs ito.

Panatilihing malinis ang banyo at kusina. Ang mga parte ng bahay na basa at mahulimigmig ay madaling pamuhayan ng mga germs at bakterya kaysa sa iba. Walang ibang paraan na gawin itong germ-free kug hindi siguraduhing ito ay tuyo palagi. Linisin ito dalawang beses sa isang linggo. Gumamit ng matapang na sabon upang mamatay ang mga germs sa kalan, gripo, upuan ng inidoro, patayan ng ilaw, lagayan ng towel at hawakan ng pinto.


Puksain ang lahat ng peste sa pamamahay. Maraming peste ang maaaring pumasok sa inyong bahay dahil malakas ang ulan at parating basa ang lupa sa labas. Posible rin na dumami ang bakterya sa hangin. Maglagay ng mga trap sa bahay para sa mga peste na tulad ng daga o ipis. Mainam din na kumuha ng fumigation service para sa mga lamok at langaw. Ipagawa ang mga butas sa pader ng bahay upang walang mga daga o butiki na pumasok sa inyong bahay. Ang mga ito ay may maaaring may dala na mg sakit na maipapasa sa mga tao.

Sa kabuuan, hindi lamang dapat sarili ang dapat bigyan ng hygiene kung hindi ang buong kapaligiran. Laging umantabay sa mga weather forecast upang maging handa rin sa posibleng lakas ng mga ulan. Ang pagiging handa sa panahon ng tag-ulan ay paraan din upang maiwasan na magkaroon ng sakit.
 

Source:

https://www.dettol.com.ng/illness-prevention/seasonal-issues/rainy-season-hygiene-tips/