Disaster Checklist: Tips kapag may bagyo | RiteMED

Disaster Checklist: Tips kapag may bagyo

August 15, 2016

Disaster Checklist: Tips kapag may bagyo

Ang Pilipinas, bilang parte ng Northwestern Pacific Basin, ay sinasalanta ng malalakas na bagyo tuwing tag-ulan kada taon. Dahil dito, ang baha ay laganap sa iba’t-ibang pook, dose-dosenang bahay ang nasisira, at maraming pamilya ang naapektuhan. Importante ang disaster preparedness bago pa man dumating ang mga bagyo, upang makaiwas sa sakuna.

 

Ayon sa Philippine National Red Cross, mahalaga ang pangunahan, pagplanuhan, at paghandaan ang epekto ng mga super typhoon. Narito ang ilang payo na maaaring sundin ngayong tag-ulan.

 

Preparasyon sa bagyo

Bago pa dumating ang bagyo, mainam na nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa mga maaaring maging epekto nito gaya ng baha, aksidente, at sakit.

Siguraduhing mayroong emergency at first aid kits sa inyong tahanan. Wag kalimutang isama rito ang flashlight, batteries, pito, at mga gamot gaya ng RiteMED Sodium Ascorbate at RiteMED Paramax.

Para sa mga taong nakatira sa bahaing lugar, siguraduhing maganda ang kondisyon ng mga haligi, bubong, dingding, bintana, at iba pang bahagi ng bahay. Bago pa man dumating ang bagyo, palakasin ang pundasyon ng iyong tirahan kung kinakailangan, upang hindi ito masira ng malakas na hangin at flash flood.

Mga payo kapag bumabagyo

Huwag lalabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Tandaan na kaya ng malakas na bagyo tangayin ang yero, at iba pang matigas na bagay. Bago inumin ang naimbak na tubig, pakuluan muna ito nang hindi bababa ng 20 minuto upang makasigurado sa kalinisan nito. Mag-rasyon ng tubig at pagkain nang maayos para tumagal ang iyong supply.

 

Iwasan ang paglusong sa baha, maliban na lamang kung kailangang lumikas, upang maibsan ang panganib ng leptospirosis, pagkalunod, at pagkahulog sa mga open manhole. Makinig sa radyo upang malaman ang taya ng panahon, flood alert, at kung saan ang pinakamalapit na evacuation center. Gamitin naman ang cellphone kung kailangan mo ng tulong sa paglikas, lalo na kung stranded ka sa loob ng iyong tahanan. Kung kaya, ilagay ang mga mamahaling bagay sa mataas na lugar. Baka sakaling maligtas pa ang mga ito kung biglang humupa ang baha.

 

Kung kinakailangang lumusong sa tubig baha, balutin ang mga sugat at magsuot ng damit na taktakpan ang mga ito nang husto. Mahirap nang sumugal sa mikrobyo ng leptospirosis, na galing sa ihi ng daga, at iba pang karamdaman. Gamitin ang bangka o salbabida kung mataas ang tubig.      

 

Mga dapat gawin pagkatapos ng bagyo

Hindi nangangahulugang wala nang panganib kapag lumabas na ang bagyo sa bansa. Dapat maging alerto sa mga poste at electric wires na nahulog, lalo na kung hindi pa tuluyang nawawala ang baha sa iyong lugar. Tingnan ang iyong listahan ng emergency numbers at i-report sa pulis o sa NDRRMC upang maalis ang mga ito nang maayos. Mag-ingat din sa mga ahas na maaaring tinangay ng tubig baha papunta sa iyong tahanan.

 

Nakakapanghinang makita ang isang tahanang sinira ng bagyo. Marami pa ang kailangang gawin at gampananan bago maayos ang nasirang ari-arian at tuluyang makabalik sa normal na pamumuhay. Ngunit, sa pagkakataong ito, maaari mong makasalamuha ang iyong mga kapamilya habang tinatayo ang mga nawasak na haligi ng bahay. Ang inyong maitataguyod ay hindi lamang maayos na tahanan, pati na rin ang isang matatag at masayang pamilya. May bagong pag-asa pagkatapos ng unos.

 

Sources:

http://newsinfo.inquirer.net/620376/safety-tips-during-and-after-a-typhoon

http://www.philstar.com/news-feature/2014/12/04/1399009/red-cross-issues-typhoon-survival-tips

http://www.rappler.com/nation/43248-safety-health-tips-typhoon

http://www.philstar.com/news-feature/2014/12/04/1399009/red-cross-issues-typhoon-survival-tips

http://www.aoml.noaa.gov/hrd/tcfaq/F1.html

 



What do you think of this article?