Sa panahon ng tag-ulan, tag-lamig o maging sa pandemya, kinakailangan na manatili ang mga tao sa loob ng bahay. Pinakanaapektuhan dito ay ang mga bata. Madaling mainip ang mga ito at nanaisin lumabas ng bahay upang makapaglaro. Importante rin na mabigyan sila ng oras na maging aktibo dahil nangangailangan ang kanilang katawan ng pagkilos para sa kanilang paglaki.
Subalit papaano ba sila mapapanatiling aktibo at masaya habang nasa loob lamang ng bahay? Narito ang napakahabang listahan ng mga indoor recreational activities na tiyak na ikakasiya, hindi lamang ng mga anak, kundi pati na rin ng mga magulang.
Subukan ang mga ito gawin:
1. Mag-bake ng cake o ng mga cookies.
2. Mag-fashion show gamit ang mga damit o kumot.
3. Magbasa ng maraming libro.
4. Gumawa ng STEM-inspired na mga laruan.
5. Maglaro ng "Simon Says" o "Follow the Leader."
6. Gumawa ng makukulay na salt paintings.
7. Makinig ng podcast kasama ang buong pamilya.
8. Gumawa ng mga instrumento, at tapos ay magpanggap na parang may parada.
9. Mag-ehersisyo tulad ng zumba kasabay ng masiglang dance music
10. Gumawa ng popcorn at manood ng mga pelikula na maganda at puno ng mga aral.
11. Sumubok ng mga imaginative DIY sensory games para sa mga sanggol.
12. Turuan sila magsulat at magpadala ng mga liham para sa kanilang mga kaibigan o mga kapamilya.
13. Maglaro ng stop-dance gamit ang mga dance songs sa mga sikat na dance video.
14. Bumili ng mga pre-made na frosting at ng mga cupcake at i-decorate ang mga ito gamit ang mga kendi, mani, o mga sprinkles.
15. Mag-ihip maraming mga lobo, ibato ito sa hangin at huwag hayaan na bumagsak sa lupa.
16. Maglaro gamit ang mga Wii Fit or Xbox One.
17. Paganahin ang creativity sa paggawa ng fairy wings at magpanggap na mga diwata.
18. Subukan gumawa ng tie-dye sa mga damit upang magamit nila ang kanilang crafting na mga skills.
19. Gumawa ng masterpiece gamit ang watercolor.
20. Maglaro ng building blocks at gumawa ng mini city gamit ang mga ito.
21. Makipaglaro sa kanila ng "I Spy" o "20 Questions."
22. Gumawa ng paper-puppets at magtanghal ng paper-puppets show.
23. Magpractice sa paggawa ng origami at magpagandahan ng magagawa. Isa ito sa mga magandang recreational activities para sa mga bata.
24. Magbahay-bahayan gamit ang mga kumot.
25. Tumapos ng isang puzzle.
26. Magpagandahan ng mabubuong masterpiece gamit ang Play-Doh.
27. Magparamihan ng mahuhulaan sa charades o pinoy-henyo.
28. Gumawa ng granola bars.
29. Gumawa ng indoor obstacle course upang maging pisikal na aktibo.
30. Magbihis at mag-fancy tea party (siguraduhing imbitado ang mga manika at mga stuffed toy).
31. Buksan ang mga coloring books at paandarin ang pagiging creative.
32. Mag-organisa ng isang scavenger hunt para sa buong pamilya.
33. Mag-"camping" sa loob ng bahay gamit ang mga sleeping bag, tent, board games, at s'mores.
34. Magtulungan magluto ng hapunan.
Napakarami pang maaaring gawin sa loob ng bahay. Nararapat lamang na maging malikhain upang hindi maubusan ng gagawin at mapanatili na aktibo ang inyong mga anak. Maaari rin na magsaliksik ng iba pang activities for kids at home. Gawing masaya ang kanilang pananatili sa loob ng bahay, at protektahan din sila sa mga sakit na maaaring makuha sa labas sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng gamot pang-resistensiya.
Source:
https://www.familyeducation.com/fun/indoor-activities/top-10-rainy-day-activities https://mommypoppins.com/ny-kids/50-indoor-activities-for-a-rainy-day