10 Aktibidad Para sa mga Bata sa Tag-Ulan

August 26, 2020

Nararapat lamang  na manatili ang buong pamilya sa loob ng bahay sa tuwing rainy season sa Philippines. Sa panahon ng tag-ulan, madalas na abiso ng mga awtoridad sa weather news na huwag lumabas para sa kaligtasan ng lahat.

Maaaring malaking problema ito sa mga magulang na may mga anak na aktibong maglaro sa labas ng bahay. Hindi puweng magbisikleta, maglaro sa park, o makipagtagu-taguan sa kalye. Gayunman, maaari pa ring mapasaya ang mga anak sa pamamagitan ng mga ilang activities for kids at home.


Subukan ang mga recreational activities na ito kasama ang inyong mga anak sa panahon ng tag-ulan:

Family Movie Day o Night

Ano pa nga ba ang mas sasaya sa panonood ng pelikula ang pamilya nang tabi-tabi at sama-sama at may snacks para sa lahat? Magandang oportunidad ito upang makasama ang mga anak na makanood ng mga pelikulang nakakatawa at may halong mga aral.

Sa darating na tag-ulan, i-set up ang inyong personal na sinehan, maghanda ng masarap at masustanyang pagkain, at pumili ng magandang palabas na magugustuhan ng buong pamilya.

Family Game Day

Kung nais niyo naman makipagbonding sa mga anak nang walang gadgets na gagamitin, subukan ninyong maglaro ng mga classic na board games. Isa ito sa magagandang indoor recreational activities. Subukang laruin ang Monopoly o Candy Land kasama sila. Tiyak na masisiyahan ang mga bata sa mga larong ito.

Gumawa ng Blanket Fort o Bahay-bahayan

Lahat ng laruan o klase ng laro ay mas masaya para sa mga bata kung nasa loob ng kumot na ginawang fort o parang kuta. Sa panahon na ang mga anak ay naiinip na, sorpresahin sila gamit ang blanket fort at sigurado na mag-eenjoy ang mga ito.

Gumawa ng Rain Stick

Kung nais maging artistic, subukang gumawa ng Rain stick. Humanap ng paper towel tube, krayola, masking tape, bigas at mahabang panlinis ng pipe. Ipa-dekorasyunan sa mga anak ang mga paper towel tube. Sunod, ikabit naman ang tinfoil sa dulo ng masking tape. Ikabait ang panlinis ng pipe sa loob ng tube, kasama ang bigas. Pagdugtungin ito ang magkabilang dulo gamit ang tinfoil at tape. At sa wakas! Mayroon na kayong sariling instrument na tunog-ulan.

Doggy Scavenger Hunt

Kung mayroon kayong alagang aso sa tahanan, maaari ninyo siyang isali sa inyong mga laro! Subukan ninyong magtago ng mga treats o pagkaing-aso sa iba’t ibang parte ng bahay. Orasan siya kung ilang minuto niya mahahanap ang lahat ng ito at maaaring manghula kung gaano ito tatagal.

Magluto nang magkakasama

Sa panahon ng tag-ulan, bakit hindi isali ang inyong mga anak sa pagluluto ng inyong ihahandang pagkain? Gawin silang mga assistant chef at magtalaga sa kanila ng mga responsibildad sa loob ng kusina.

Hindi lamang sila mag-eenjoy kundi makatutulong pa sila sa gawaing bahay.

Maglaro ng Tagu-Taguan

Simple man ito, subalit tiyak na masisiyahan ang mga anak sa larong ito. Magtagu-taguan sa loob ng bahay at gawing creative sa mekaniks ng laro.  Halimbawa, sa halip na magbilang sila hanggang sampu, ipabigkas sa kanila ang alpabeto o ang abakada simula sa dulo.

Siguradong mabilis lamang kayong magkakahanapan pero mas nakakatawa ito para sa inyong mga anak.

Magkaroon ng Dance Party

Subukang magpawis kasama ang mga anak sa pagsasayaw! Siguradong marami silang enerhiya dahil sa pananatili lamang sa loob ng bahay. Makatutulong ang pagsasayaw upang mawala ang kanilang inip. Magpatugtog nang malakas at turuan sila ng mga sayaw.
 

Magbasa ng Libro
Isa sa mga magandang gawin sa panahon na ito ay basahan sila ng magagandang libro. Umpisahan silang turuan na mahalin ang pagbabasa ng bata pa sila upang madala nila ito hanggang paglaki. Subukan ipabasa sa kanila ang mga adventure books tulad ng Harry Potter o The Chronicles of Narnia. Magsalitan ng pagbabasa upang sila ay maging interesado.

Maglaro ng Charades
Masayang laro na puwedeng gawin sa loob ng tahanan ay ang Charades. Bukod sa nakakatawa ang mga aksyon dito, matututo rin sila mag-analisa. Maaari rin subukan ang pinoy henyo!

Siguraduhin na ligtas ang iyong mga anak habang naglalaro ngayong tag-ulan. Pahiran sila ng anti-mosquito lotion at painumin ng gamot na nakakapagpalakas sa kanilang resistensiya upang panatilihin silang masigla.

https://www.familyeducation.com/fun/indoor-activities/top-10-rainy-day-activities