Tamang Pag-aalaga sa mga Taong May Kapansanan sa Bahay

July 24, 2017

Photo from UDServices

National Disability Prevention and Rehabilitation

 

Ngayong Hulyo 17 hanggang 23, 2017, ay ipinagdidiriwang sa buong bansa ang National Disability Prevention and Rehabilitation na may temang "Karapatan at Pribelehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban".
 

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2010, 1,443,000 na Pilipino ang may kapansanan sa buong bansa. Nasa 26% ng kabuong bilang ay mga Pinoy na nasa edad 0 hanggang 19 taong gulang habang 49% naman ay babae.

 

Ang taong tinatawag na may physical disability o may kapansanan o PWD ay iyong may pisikal, mental o intelektwal na kakulangan na syang nagiging hadlang sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Noong 1995, naglabas ang National Statistics Office ng listahan ng iba't - ibang uri ng kapansanan.

 

  • Total blindness o tuluyang pagkabulag

  • Partial blindness o bahagyang pagkabulag

  • Low vision o kapansanan sa paningin na hindi kayang itama ng anumang operasyon, proseso, kagamitan, o aparato para sa mata.

  • Total deafness o tuluyang pagkabingi

  • Partial deafness o bahagyang pagkabingi

  • Poor hearing ability o pagkakaroon ng mahinang pandinig

  • Muteness o pagkapipi

  • Speech impairment o pagkakaroon ng kapansanang nagdudulot ng problema sa pagsasalita.

  • Pagkawala ng isa o dalawang kamay

  • Pagkawala ng isa o dalawang paa

  • Pagkawala ng isa o dalawang braso

  • Pagkawala ng isa o dalawang binti

  • Pagkaparalisado ng mga kamay at paa

  • Pagkakaroon ng kakulangan sa pag-iisip

  • Pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip

  • Iba pang mga kapansanan

 

Tips sa Pag-aalaga ng PWD

 

Hindi maikakaila na hindi madaling mag-alaga ng taong may limitasyon sa pandinig, paningin, pag-iisip, pagkilos at iba pang developmental impairments. Kung kaya't naririto ang ilang sa mga maaaring gawin para mas mapadali ang pag-aalaga sa mga taong may kapansanan.

 

  1. Pag-aralan ang kondisyon ng inaalagaan.

 

Mainam na mag-research tungkol sa kapansanan ng pasyente para malaman ang ibat’-ibang aspeto nito. Maganda ding may background sa kondisyon para hindi mabibigla sa mga maaaring mangyari at para malaman kung ano ang mga dapat gawin.

 

  1. I-organize ang mga pangangailangang medikal ng pasyente.

 

Kabilang dito ang pagiiskedyul ng check-up sa ospital. Mahalagang nakaayos ito para hindi malilito sa pagpapa-inom. Inirerekomenda ding magkaroon ng journal para makita ang mga developments o mga pagbabago sa pasyente.

 

  1. I-modify o baguhin ang ilang parte o gamit sa bahay.

 

Maraming pwedeng idagdag o bawasan sa bahay para mas mapadali ang pag-aalaga sa taong may kapansanan. Maaaring maglagay ng pwedeng hawakan o hand rails sa CR para may hahawakan ang pasyente habang pinapaliguan o dudumi. Pwede ding maglagay ng ramp sa labas ng bahay para kumportable kung ipapasok sa bahay ang pasyenteng naka-wheelchair. Ayusin ang mga furniture sa bahay para makagalaw ng maayos ang pasyente.

undefined

Photo from 101 Mobility

 

  1. Panatilihing healthy at active ang utak at katawan ng PWD

 

Hindi dahilan ang kapansanan para hindi maging healthy ang isang tao, bagkus mas lalong dapat maging rason ito para mas maging maingat sa mga kakainin at gagawin. Ang pag-eehersisyo at pagkain ng tama ay mahalaga hindi lamang para gumanda ang katawan kundi pati ang mood. Magpakonsulta muna sa doktor kung anong gawain ang maaaring gawin ng pasyente para maiwasan ang anumang komplikasyon.

 

  1. Pangalagaan ang sarili

 

Huwag pabayaan ang sarili. Mahalagang magkaroon ng tinatawag na 'support system' na binubuo ng pamilya at kaibigan para hindi masyadong ma-stress at mahirapan sa mga gawain. Importante hindi magkaroon ng regular na break sa pag-aalaga.

 

  1. Iparamdam sa PWD na sila ay independent

 

Hangga't maaaring huwag iparamdam sa PWD na sila ay walang kayang gawin. Hayaan silang gumawa ng mga gawain na kaya nila ng walang tulong. Maganda ito para maging positibo sila.

 

Benepisyo ng PWD

 

Maaaring kumuha ng PWD ID card ang mga taong kapansanan. Ang kanilang mga caregivers ang dapat magpasa ng form sa National Council on Disability Affairs.  Mayroon din silang 20% discount sa mga sumusunod:

  • Lahat ng establisyementong gaya ng hotel at restaurants

  • Tiket sa sinehan, concert halls, amusement parks at iba pa.

  • Pagbili ng gamot

  • Medical at dental servies sa mga pasilidad ng gobyerno.

  • Tiket sa domestic flight, sea travel, tren, skyway at bus.

 

References:

  • https://psa.gov.ph/content/persons-disability-philippines-results-2010-census
  • https://www.teacherph.com/national-disability-prevention/
  • http://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/07/25/12/krusada-silang-may-mga-kapansanan
  • http://siteresources.worldbank.org/DISABILITY/Resources/Regions/East-Asia-Pacific/JICA_Philippine.pdf
  • http://philrights.org/karapatan-at-kapansanan/
  • http://oureverydaylife.com/care-disabled-4905739.html
  • https://www.myagedcare.gov.au/caring-someone/caring-someone-home
  • https://fitzvillafuerte.com/senior-citizen-benefits-and-person-with-disability-privileges-in-the-philippines.html