Maraming tao ang hindi sigurado kung ano ang prostate, kung ano ang ginagawa nito, o kung kailan kokonsulta sa isang doktor kung sa palagay nila ay may problema sila. Kaya, ang impormasyon ay ang pinakamahusay na tool na mayroon ka sa pagharap sa aspetong ito ng kalusugan ng mga lalaki.
Ano ang Prostate?
Ang Prostate ay isang gland na hugis-walnut na nasa ilalim ng pantog at bumabalot sa urethra (daanan ng ihi). Ang prostate ay lumalaki habang tumatanda ang isang lalaki. Ito ang gumagawa ng likido na bumubuo ng hindi kukulangin sa 30 porsiyento ng semilya (semen). Ang likidong ito, na naglalaman ng citric acid, calcium, at mga enzyme, ay ang nagpapabuti sa motility o kakayahang lumangoy ng mga sperm cell at sa kakayahang mag-anak. Karagdagan pa, kabilang sa likido na lumalabas mula sa prostate ang zinc, na ayon sa teoriya ng mga siyentipiko ay lumalaban sa mga impeksiyon sa genital tract o daanan ng semilya.
Mga Sakit na maaaring makuha ng Prostate Gland
- Prostatitis
Ang prostatitis​ o ang pamamaga ng prostate​ ay maaaring magdulot ng lagnat, hiráp na pag-ihi, at pananakit ng pantog. Kapag ang prostate ay magang-maga, maaaring hindi makaihi ang isang lalaki. Isa sa mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng sakit ay ang pag-ire ng pasyente kapag umiihi. Kadalasan, ang mga lalaking may ganitong sakit ay putol-putol ang pag-ihi. Maaaari ring maramdaman na hindi naubos ang ihi bukod pa sa mahina ang pag-agos nito. Kabilang din sa sintomas ng prostatitis ay ang malimit na pag-ihi tuwing gabi.
- Prostate Enlargement o BPH
Ang prostate enlargement o benign prostatic hyperplasia (BPH) ay ang paglaki ng prostate gland sa mga kalalakihan. Ito ay gumagawa ng prostatic fluid na sumasama sa semilya o sperm cells tuwing nilalabasan. Mahalaga ito dahil kailangan ng sperm cells ng proteksyon mula sa acidity ng vagina. Ang prostate enlargement ay karaniwang nangyayari kapag nagkaka-edad ang isang lalaki. Natatamaan nito ang urethra (ang daluyan ng ihi palabas ng ari) kung kaya’t nararanasan ang masakit at mahirap na pag-ihi.
- Prostate Cancer
Ang cancer ay isang uri ng sakit na sanhi ng abnormal growth ng cells sa ating katawan. Halos lahat ng parte ng katawan na may cells ay maaaring mag-develop ng cancer cells, at maaari itong kumalat sa ibang parte ng katawan. Ang prostate cancer ay nangyayari tuwing ang cells sa prostate glands ay lumalaki ng abnormally. Ang prostate cancer ay isang uri ng sakit na kadalasang dumadapo sa mga kalalakihang may edad 50 pataas.
Iba’t ibang uri ng prostate cancer
Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa prostate cancer ay adenocarcinoma. Ang mga cancer na ito ay namumuo mula sa gland cells. Ang sumusunod ay mga rare na uri ng Prostate cancer.
- Sarcomas
- Small cell carcinomas
- Neuroendocrine tumors
- Transitional cell carcinomas
Sintomas na maaaring magpakita na ika’y may sakit sa Prostate
- Masakit na pag-ihi
- Madalas na pag-ihi
- Hirap magpigil ng ihi
- Hindi maka-ihi
- Pagkakaroon ng dugo sa ihi
- Paggising sa gabi para umihi
- Mahinang pag-agos ng ihi
- Sakit o paninigas ng lower back, hips, pelvis o thighs
Pag-iwas sa mga sakit sa Prostate
Bagaman hindi pa rin alam ng mga siyentipiko kung ano talaga ang mga sanhi ng kanser sa prostate, naniniwala sila na maaaring may kinalaman ang mga salik sa genetics o hormones.
Inirerekomenda ng American Cancer Society na bawasan ang pagkain ng matatabang karne at kumain ng mas maraming pagkaing galing sa mga halaman.
Mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa prostate
- Kumain ng prutas at gulay.
- Kumain ng startchy foods kagaya ng rice, pasta, bread, potato at kamote
- Pagkain na may lycopene kagaya ng tomatoes o kamatis at ibang mga prutas at gulay na kulay pula.
- Huwag hintaying mapuno ang pantog bago ilabas ang ihi.
- Magkaroon ng sapat na ehersisyo.
- Sumunod sa wastong diet dahil nakakaapekto sa prostate enlargement ang labis na katabaan o obesity.
Magpakonsulta sa Doktor
Magpatingin sa inyong doktor kung kayo ay mga sintomas ng mga sakit sa prostate upang mabigyan ng tamang lunas ang inyong karamdaman. Kausapin at alamin sa inyong doctor kung ano ang maaari mong gawin upang babaan ang iyong panganib sa pagkakaroon ng sakit sa prostate
Higit dito, kung tumatanda na, importante na pumunta sa doktor upang magpa-prostate examination every year. Laging tandaan, prevention is better than cure. Talagang kailangang pangalagaan at ingatan ang iyong prostate
Para karagdagang impormasyon tungkol sa mga sakit na maaaring makuha ng Prostate, maaaring panoorin ang Huwag mahihiyang magtanong FB live series: Live sa Ari Mo. Click here to know more: https://www.facebook.com/RiteMedOfficialPage/posts/1446787865448120
Reference:
https://www.webmd.com/men/prostate-enlargement-bph/what-is-the-prostate#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/symptoms-causes/syc-20353087
https://prostatecanceruk.org/prostate-information/are-you-at-risk/can-i-reduce-my-risk
https://www.cancer.org/content/dam/cancer-org/cancer-control/en/presentations/prostate-cancer-presentation.pdf