Top Foods para sa Healthy na Pagbubuntis

April 06, 2018

Ang tamang pagpili ng mga pagkaing may wastong nutrisyon ay nararapat na sundin ng isang nagdadalang-tao para sa kanyang pregnancy diet. Importanteng makakuha ng wastong sustansya ang ina habang siya ay buntis upang siya at ang kaniyang supling ay manatiling malusog hanggang sa panganganak. Bukod sa mga masusustansyang pagkain, maaari ring makatulong ang pag-inom ng pregnancy vitamins.

Ang mga sumusunod na prenatal foods ay ilan lamang sa mga marami pang pagkain na dapat ihain para sa mga nagbubuntis. Gumawa ng food chart na kita ang pregnancy week by week upang hindi makaligtaan ang mga dapat kainin. Ating pag-usapan ang mga wastong pagkain para sa mga nagdadalang tao

 

Gulay at prutas

Hindi lamang sa pagpapapayat nakakatulong ang gulay at prutas, kilala rin sila bilang vital foods for the first trimester of pregnancy at sa mga kasunod pa  Ang gulay at prutas ay mayaman sa fiber, vitamins, and minerals at nagtataglay ng mababang calories.

Masustansya ang karamihan ng mga gulay sa bansa, ngunit para makakuha ng sapat na Vitamin D at iba pang sustansya, isama sa diet ang mga gulay tulad ng spinach, brocolli, asparagus, kamatis, carrots, at kalabasa. Citrus fruits naman ang mainam kung pipili ng mga prutas. Mas maganda kumain ng totoong prutas kaysa sa canned fruits at uminom ng fruit juice na unsweetened. Kumain ng gulay at prutas mula tatlo hanggang limang servings sa isang araw.

 

Mga lean meat
undefined

Image from Pixabay

Ayon sa pag-aaral ng mga experts, nakakatulong ang protina sa paglaki ni baby. Sinusuportahan ng nasabing sustansya ang paglaki ng bata kaya dapat itong kainin sa first trimester of pregnancy. Kumain ng mga lean meat, isda, itlog, nuts, beans, at poultry foods. Ang itlog ay mayaman sa Vitamin D at calcium samantalang ang beans naman ay nakakatulong sa pagbibigay ng energy at muscle growth. Kung pipili ng isda, magandang option ang salmon dahil sa taglay nitong Vitamin D at calcium.

Mainam din na kumain ng protein-rich foods mula dalawa hanggang tatlong servings sa isang araw.
 

Dairy foods

Kasama sa prenatal foods ang dairy dahil sa taglay nilang calcium. Tumutulong ang calcium sa pagpapalakas ng buto ng mga buntis at pagdevelop ng supling. Pumili ang low-fat o non-fat dairy products tulad ng yogurt, gatas at cheese at ilagay ang mga paborito sa talaan ng pregnancy week by week na diet. Maaaring kumain ng dairy foods tatlong beses sa isang araw.

 

Whole grains

undefined

Image from Pixabay


Payo ng mga doktor na mabuti ang pagkain ng grains nang hanggang anim na beses sa isang araw, kung saan 50% dito ay dapat whole grains. Ang mga pagkain tulad ng whole grain breads, crackers, at cereals ay mayaman sa fiber, na lumalaban sa constipation at almoranas. Imbes na kumain ng white bread ay piliin na lamang kumain ng wheat bread. Maganda ring ihain ang cereals kasama ng prutas para dagdag na sustansya at sarap.

Ngayong natalakay na natin ang mga dapat mong kainin sa first trimester of pregnancy, limitahan mo naman ang konsumo sa kape. Iwasan mo ang alak, paninigarilyo, at mga pagkaing hindi luto. Upang makasigurado sa iyong pregnancy diet, maaari kang kumonsulta sa doktor.