Pain After Giving Birth: Paano Mababawasan ang Postpartum Body Pain?

October 29, 2018

Isa sa pinakamagandang karanasang maaaring magkaroon ang isang babae ay ang pagbubuntis. Kahit maraming pagbabago ang nangyayari sa katawan, iba ang nadadalang galak ng pagkakaroon ng privilege para makapag-alaga ng isang buhay. May mga dala ring sakit at risks ang pregnancy, pero kahit ganoon, madaling kalimutan ang mga ito kapag nakita na ang sanggol na dinala ng siyam na buwan.

 

Panibagong kwento naman ang buhay matapos manganak. Bukod sa saya na dala ng newborn baby, may mga dapat ding i-expect na mga pagbabago sa katawan gaya ng noong panahon ng pagbubuntis. Ilan sa mga nararanasan ng kababaihan ay ang postpartum body pain o ang pananakit ng katawan matapos manganak.

 

Ayon sa mommies, normal lang ang makaramdam ng pain after giving birth sa iba’t ibang parte ng katawan. Pag-usapan natin ang tatlo sa mga uri ng major body pains na dala ng panganganak at ilang tips na pwedeng gawin para mabawasan ang mga ito.

 

  1. Back Pain

 

Nadadagdagan ang body weight ng isang babae kapag nagbubuntis. Kapag nanganak naman, bagama’t nailabas na ang bigat ni baby, hindi pa agad bumabalik ang pre-pregnancy weight. Dahil dito, nangangailangan pa ang katawan ng ilang linggo o buwan para makapag-adjust, nagreresulta sa back pain after giving birth.

 

Dagdag pa rito ang bagong responsibilidad ng pag-aalaga ng baby na nangangailangan ng pagkarga. Tinatayang nasa 50 times a day nagbubuhat ang isang bagong ina ng nasa 7 hanggang 10 pounds na batang bagong panganak – na pwedeng mas marami pa kung mayroon pang inaalagaan na mas nakakatandang anak.

 

Paano mababawasan:

 

  • Simulan ang pag-eehersisyo o simpleng stretching araw-araw pagkatapos manganak. Siguraduhin na low-impact lamang ang gagawing routine at may pahintulot ng OB-GYN.

 

  • I-target na makabalik sa normal na timbang sa loob ng anim na linggo postpartum.

 

  • Kapag bubuhatin ang baby mula sa crib o kama, huwag i-stretch ang braso. Ilapit muna ang sanggol sa iyong chest bago buhatin para maiwasan ang pagsakit ng likod.

 

  • Para maiwasan ang pagsakit ng likod kapag nagbe-breastfeed, ilapit ang baby sa dibdib at huwag ibaba ang katawan papalapit sa kanya.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

  • Kung mayroon namang back pain after c section, mabutihing itanong muna sa iyong doktor kung pwede nang magsimula ng exercise routines.

 

  1. Joint Pain

 

Isa sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ang karamihan sa mga ina matapos ang panganganak ng joint pain ay dahil sa pagbigat ng timbang habang nagbubuntis. Habang bumibigat ang baby sa sinapupunan, sinusubukan ng katawan na mag-adjust para sa additional weight.

 

Mayroon ding mga hormones na inilalabas ang katawan sa na nakakapagpa-relax ng ligaments o litid para madala ng maayos ng ina ang baby sa duration ng pregnancy at makatulong sa madaling panganganak. Pagkatapos mailuwal ang sanggol, nangangailangan pa ng ilang linggo o buwan bago makapag-adjust ang mga ito at makabalik sa normal na posisyon. Dito nagsisimula ang joint pain.

 

Paano mababawasan:

 

  • Habang nagbubuntis pa lamang, ugaliin ang paggawa ng low-impact exercises para mapanatiling healthy ang joints at ligaments. Siguraduhin na ito ay may approval ng iyong doktor at angkop sa lagay ng iyong pagbubuntis.

 

  • Kapag umaatake ang joint pain, makakatulong ang paglalagay warm compress. Pwede ring uminom ng over-the-counter na pain medication gaya ng RiteMED paracetamol.

 

  1. Abdominal Pain

 

Kasama rin sa nararanasang pain after giving birth ang sakit sa tiyan. Ang stomach pain na ito ay sanhi ng uterine contractions o ang pagbalik ng matris sa dati nitong laki. Para sa mga mommy na nagbe-breastfeed, nakaka-trigger din ang activity na ito ng abdominal pain after giving birth. Ito rin ang dahilan kung bakit may abdominal pain after c section. Dagdag pa dito ang sugat mula sa incision na ginawa noong operation.  

 

Bukod sa pagsakit ng tiyan, kasama rin sa mararanasang sakit malapit sa matris ang vaginal pain. Para sa normal deliveries, tinatayang nasa 7-10 days ang paggaling ng incisions sa maselang bahagi. Pwede ring makaramdam ng vaginal dryness lalo na sa mga nagbe-breastfeed.

 

 Paano mababawasan:

 

  • Kung may pahintulot ng doktor, maaaring uminom ng pain relievers gaya ng RiteMED paracetamol. Mabuting maging maingat lalo na kung nagbe-breastfeed para makaiwas sa mga posibleng komplikasyon sa baby.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  • Nakakatulong din ang warm compress para maibsan ang abdominal pain after giving birth. Habang pinaiinitan ang tiyan, siguraduhin na hindi ito naka-expose sa hangin.

 

  • Inirerekomenda rin ang breathing at relaxation techniques para malagpasan ang mga pain na ito. Samahan na rin ito ng low-impact exercises gaya ng aerobics, stretching, at yoga.

 

Bukod sa tatlong major pains na ito, maaari ring makaranas ng sakit ng ulo, paa, at iba pang bahagi ng katawan. Para naman malaman kung ang mga postpartum body pain ay nangangailangan na ng special attention ng OB-GYN o healthcare specialist, bantayan ang mga sintomas na ito:

 

  • Nagdodoble, lumalabo, o dumidilim na paningin;
  • Malubhang pagsusuka, diarrhea, o constipation;
  • Pamamaga o pamumula ng incisions;
  • Lagnat;
  • Pagkapos ng hininga;
  • Pag-ubo ng dugo;
  • Pananakit ng dibdib;
  • May kakaibang amoy sa likido na lumalabas sa vagina;
  • Rashes na nasa malaking area ng katawan;
  • Malubhang pananakit ng abdomen;
  • Hindi umiiging pakiramdam matapos uminom ng gamot;
  • Heavy bleeding na tumatagal ng ilang araw; at
  • Pamamaga o pagiging mainit ng isang area ng binti, o kaya naman mas maga ang isang binti kaysa sa kabila.

 

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga ito dahil maaaring nagpapakita na ito ng infection mula sa panganganak. Bantayan ang mga nararamdamang sakit at siguraduhing i-update ang iyong doktor tungkol sa mga ito sa schedule ng iyong check-up. Itala ang ang sintomas kasama ang kadalasan ng pag-experience sa mga ito para matulungan ang doktor matukoy kung ano ang dapat gawin para sa iyong postpartum body pain. Sa pag-aalaga sa sarili, nasisiguro rin ang kapakanan ng baby.

 

Source:

 

https://www.babycenter.com/0_postpartum-warning-signs_12257.bc

http://parenting.firstcry.com/articles/joint-pain-after-delivery-causes-and-home-remedies/

https://www.webmd.com/baby/news/20011017/10-ways-to-prevent-back-pain-after-delivery#2

https://www.livestrong.com/article/126309-final-stages-pregnancy/

https://www.everydayhealth.com/pain-management/pain-after-pregnancy.aspx