Napapanahon ngayon ang mga usapin tungkol sa COVID and pregnancy dahil ang lahat ay nananatili lang sa bahay. Kaya naman tumaas ang bilang ng mga ipinapanganak na sanggol simula taong 2020.
Tila hindi naging alintana ang pagkakaroon ng COVID-19 pandemic para magpatuloy ang ibang mag-asawa o mag-partner sa planned parenthood. Dahil sa mga lockdown na ipinapatupad sa bansa, mas marami nang oras para magsagawa ng mga pagbabantay ng fertility at ovulation ng kababaihan tungo sa ligtas at successful na pagbubuntis. Tingnan natin kung paano makakapag-adjust sa panahon ngayon ang mga nagpaplanong mag-anak:
Paalala: Kung may COVID symptoms, ipagpaliban muna ang pag-subok na mabuntis para na rin sa kaligtasan ng mag-ina. Mas mataas ang pregnancy COVID risk lalo na sa first trimester. Kumonsulta sa inyong healthcare provider para makasigurado.
Ano ang fertility?
Ang fertility ng babae ay tumutukoy sa kakayahan o kapasidad niyang mabuntis o magkaroon ng biological child. Importanteng mga talakayin dito ang ovulation, o ang paglalabas ng eggs mula sa ovaries. Dito nakabase kung may mature egg ang babae na maaaring pasukin ng healthy sperm cell ng lalaki para mabuo at maging sanggol.
Ano ang fertile period?
Kung sumusubok magkaanak, importanteng maintindihan kung kailan ang tamang panahon para sa intercourse. Mabubuntis lang ang isang babae kung mangyayari ito sa kanyang fertile window o fertile period. Bagama’t marami pang factors na kailangang intindihin para sa matagumpay na pagbubuntis, unawain muna natin kung kailan ito sa menstrual cycle ng isang babae.
Ang fertile period ay nakadepende sa kung gaano kahaba o kaiksi ang menstrual cycle. Magkaiba ito para sa lahat ng babae. Ang window na ito ay tumutukoy sa araw na ang egg ay nakalabas na mula sa ovary at limang araw bago ito mangyari. Mas mataas ang chance na mabuntis kung mangyayari ang intercourse sa loob ng limang araw na ito.
Mayroon lamang 24 hours ang egg para ma-fertilize o mapasok ng sperm cell matapos nito makalabas ng ovary at mapunta sa fallopian tube. Ang sperm cells naman ay tumatagal lamang ng hanggang limang araw.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-asian-mother-lifting-playing-newborn-1072835153
Paano malalaman kung kailan nangyayari ang ovulation para matiyempuhan ang fertile period?
- Gumamit ng fertility calendar. Minamarkahan dito ng babae ang mga importanteng factors sa kanyang menstrual cycle. Kasama dito ang huling menstrual period, kailan naranasan ang mga sintomas o premenstrual syndrome, mga araw na nagtalik, at iba pa. Maraming libreng period tracker apps na pwedeng i-download para ma-monitor ang fertile window. Karamihan sa mga apps na ito ay may sarili nang calculator o predictions kung kailan dapat magtalik para mabuntis.
- Kumonsulta sa OB-GYN. Para sa mga babae, maaaring magpatingin sa OB-GYN para matukoy ang inyong fertile window lalo na kung irregular ang menstrual cycle o di-tiyak ang petsa kung kailan dadatnan. Makakatulong ito para makapagbigay din ng mga gamot para maging regular ang regla at mas tumaas ang chances na mabuntis.
Ano ang mga pwedeng gawin para mapabuti ang fertility ng babae?
- Magkaroon ng regular checkup schedule sa inyong OBGYN. (Sa panahon ng pandemic, itanong kung posible ang teleconsultation at iba pang paraan ng contactless checkup).
- Magpanatili ng malusog na timbang.
- Umiwas sa masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
- Bawasan ang pagkonsumo ng mga inuming may caffeine.
- Magkaroon ng healthy lifestyle na may tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, at sapat na pahinga.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/female-fertility/art-20045887#:~:text=Female%20fertility%20is%20a%20woman%27s,than%2035%20%E2%80%94%20with%20no%20success.
https://www.yourfertility.org.au/everyone/timing#:~:text=Ovulation%20happens%20about%2014%20days,days%2019%2C20%20and%2021.