Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga pinakamagandang karanasan na maaaring magkaroon ang kababaihan. Mula sa pregnancy hanggang sa maipanganak ang baby, natural lamang na siguraduhin ng ina ang kalidad ng pag-aalaga na kanyang ibinibigay dito.
Bago pa man ipanganak si baby, bilang responsableng magulang ay ihinahanda na ang mga kailangan niya. Nakaplano na rin kung saang pediatrician siya dadalhin para mabigyan ng tamang payo at expert opinion tungkol sa nutrition at overall health. Isa sa mga inirerekomenda ng mga doktor para sa mga bagong-panganak na bata ay ang breast feeding. Ngayong Breastfeeding Awareness Month, pag-usapan natin ang mga dapat mong malaman tungkol dito.
Ano nga ba ang breast feeding?
Ang breast feeding o pagpapasuso ay ang paraan ng pagbibigay ng gatas sa isang baby mula sa dibdib ng isang ina. Sa halip na bigyan o painumin ng formulated milk ang bata, ang natural na gatas o breast milk ang ipinapainom sa sanggol. Ayon sa mga experts sa World Health Organization, makabubuti kung exclusively breastfed ang isang bata sa first six months of life para magkaroon ng maayos na paglaki, brain development, at malakas na pangangatawan. Ang exclusive breast feeding ay ang pagbibigay ng breast milk LANG – walang kahit anong pagkain o inumin maging tubig.
Anu-ano ba ang breastfeeding advantages?
Maraming naitutulong sa katawan at paglaki ng bata ang breast milk. Kung magde-desisyon ka pa lang na gawin ito sa inyong baby, narito ang ilan sa mga benefits ng breast feeding para sa overall health at well-being ng anak ninyo:
- May balanced mix ng vitamins, protein, at fat;
- May natural antibodies o proteksyon sa sakit at viruses o bacteria na nagsasanhi nito;
- Nagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng asthma o allergies;
- Nagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng ear infections, sakit sa respiratory system, at diarrhea;
- Nakakatulong na magkaroon ng mataas na IQ;
- Nakakabuo ng sense of security dahil sa skin-to-skin touching at eye contact mula sa ina; at
- Nagpapababa ng risk ng pagiging overweight ng bata.
Hindi lang si baby ang nakikinabang sa benefits ng breast feeding; maging ang mommies din! Nakakatulong ang breast feeding para mag-process nang maayos ang reproductive system ng isang babae, mabalanse ang hormones sa kanyang katawan, at bumaba ang risk sa pagkakaroon ng mahinang reproductive health na pwedeng magresulta sa ovarian o breast cancer. Ang breast feeding ay isa ring natural contraceptive dahil hindi madaling mabuntis ang isang babae kapag exclusive ang pagbe-breast feed nito. May ilan pang benepisyo na pwede mong makuha sa paggawa nito:
- Mas mabilis na pagbaba ng pregnancy weight;
- Nagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng osteoporosis;
- Tipid sa pagbili ng gatas;
- Extra bonding time kasama ang anak
Anu-ano ang dapat na kaining foods to increase breast milk?
Dahil sa nutrition at quality ng kinakain at iniinom ng nanay nakasalalay ang kalidad ng breast milk na mapo-produce nito, mainam na bantayang mabuti ang diet. Siguraduhing well-balanced ang diet at makabubuti para sa bata. Ang mga sumusunod na pagkain at inumin sasagot sa how to increase breast milk supply:
- Oatmeal – Bukod sa madali itong ihanda, nakakatulong ito para magkaroon ka ng sapat na energy sa pag-aalaga ng iyong pamilya. May fiber din ito na good for digestion.
Photo from Pixabay
- Papaya – Mayaman ito sa Vitamin C na kailangan ninyo ni baby para makaiwas sa sakit. Mabuti rin ito para sa digestion lalo na at kasalukuyang mag-aadjust ang katawan post-pregnancy.
- Carrots – Bukod sa pagsahog nito sa mga ulam, subukang gumawa ng carrot juice para bumilis ang breast milk production ng iyong katawan. Sagana ito sa Vitamin A na nag-iimprove din ng quality ng gatas.
- Water at natural juices – Malaki ang naiaambag ng healthy fluids sa mabilis na pagkakaroon ng supply ng gatas. Siguraduhing uminom agad matapos ang isang breast feeding session para makapagsimula na uli gumawa ang katawan ng gatas para kay baby.
- Green leafy vegetables – Nakasanayan na ng mga breast feeding Pinays ang pagkain at paglalaga ng mga dahon gaya ng malunggay para dumami ang supply ng breast milk. Ang mga gulay kagaya ng spinach at kale ay mayaman sa vitamins at minerals gaya ng phytoestrogens – isang kemikal na halos kapareho ng female hormone na estrogen na nag-iimprove ng lactation ni mommy.
Mayroon din namang foods to avoid when breastfeeding na nakakaapekto hindi lang sa dami ng gatas na nabibigay kay baby, ngunit pati na rin sa quality nito, at sa kalusugan ng mag-ina. Kadalasan, kapag kinakain ni mommy ang mga ito, nagkakaroon ng kabag o hangin sa tiyan ang bata. Sa ibang kaso naman, may nakikitang allergic reaction ang baby sa mga kinakain ng nanay. Mabuting bantayan ang inyong diet at iwasan ang mga ito:
- Kape, tsaa, soda, at mga alcoholic na inumin
- Chocolates
- Pepper
- Pineapple
- Strawberry
- Maaanghang na putahe
- Itlog
- Peanuts
- Broccoli at repolyo
Anu-ano ang tamang breastfeeding positions?
Bago magsimula, ihanda ang sarili sa posibleng sakit na mararamdaman sa utong. Maglaan din ng oras para linisin ang buong area ng suso na sisipsipin ng bata. Dahil hindi pa ganoong katibay ang mga buto ni baby, siguraduhing maging maingat sa pagsasagawa ng breastfeeding positions na ito:
Photo from Unsplash
- Cradle position – Ipatong ang ulo ng bata sa kanto ng iyong siko nang nakaharap ang katawan niya sa iyo. Para niyang hinihigaan ang iyong braso sa ganitong position. Gamitin ang kabilang braso para suportahan ang kanyang ulo at leeg, o kaya naman ay gamitin itong pangsapo sa kanyang balakang, likod, at mga hita.
- Football position – Para sa mga bagong panganak na baby na maliliit pa, mainam na gawin ang position na ito. Gamit ang isa mong braso, ipatong ang ulo ng bata sa iyong kamay nang makahiga siya sa braso na ito – nakaharap ang talampakan niya malapit sa iyong suso. Nirerekomenda rin ang position na ito para sa mommies na nanganak nang Caesarean Section (CS) para maiwasang madaganan ang tahi.
- Side-lying position – Ito ang madalas na ginagawang breastfeeding positions sa gabi kapag natutulog na ang mag-ina sa kama. I-align nang tama ang suso sa bibig ni baby para hindi siya mahirapan sa pagsipsip. Siguraduhin din na hindi mo ito makakatulugan dahil may mga experience ang ibang nanay na napupunta na sa ilong ng bata ang gatas, lalo na kung malakas ang supply nito. Delikado ang ganitong sitwasyon kaya maging alerto.
Malaki ang naitutulong ng breast feeding sa mag-ina. Kaya naman ay kung interesado kang gawin ito, paghandaan ito nang mabuti para masiguradong mabibigyan ng tamang nutrisyon si baby sa wastong paraan.
Sources:
http://www.who.int/features/qa/21/en/
https://www.webmd.com/parenting/baby/ss/slideshow-breastfeeding-foods
https://www.webmd.com/parenting/baby/nursing-basics#2
http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref
https://ph.theasianparent.com/how-to-increase-milk-supply-food/
https://www.babycenter.com/404_are-there-any-foods-to-avoid-while-breastfeeding_8906.bc