Bakit importante ang Folic Acid Vitamins?
Kung ikaw ay nagbubuntis o may planong magkaroon ng baby, mabuting malaman kung ano ang mga importanteng bitamina at tamang alaga sa iyong sarili pati na rin sa iyong sanggol.
Maaaring makatulong ang synthetic form ng vitamin B9 o folate na pwede mong makuha sa ilang mga pagkain at vitamins dahil ito ay kinakailangan lalo na sa early stage development ng iyong baby.
Ang Folic Acid ay sinusuportahan ang ating katawan upang maiwasan ang neutral tube defects – pagkakaroon ng problema sa gulugod o spinal cord (tulad na lamang ng spina bifida) at komplikasyon sa utak o brain (tulad na lamang ng anencephalyl).
Ang neutral tube ay parte ng embryo na nalilinang bago pa man malaman ng isang ina kung siya ay buntis. Kaya naman sa mga nagpa-planong magkaanak, kinakailangan din nilang magkonsumo ng folate.
Sa iba namang kinukulang sa folate – kahit hindi buntis o hindi nagpa-planong magkaanak, posibleng ang pagkakaroon ng folate deficiency o kakulangan sa folic acid sa diet.
Anu-ano ang mga birth defects na maiiwasan mo kapag nag-take ka ng Folic Acid?
Ito ay ang hindi pagdevelop ng bibig o labi ng bata nang maayos habang pinagbubuntis.
May mga sanggol na pinapanganak na may problema o mahina ang puso kaya ang pag-inom ng folic acid ay inirerekomenda upang maiwasan ito.
Ano naman ang benefits nito sa nagbubuntis?
Ang preeclampsia ay ang pagkakaroon ng high blood pressure habang nagbubuntis na kadalasang nagiging resulta ng komplikasyon sa baby at sa ina sa panahon araw ng panganganak.
Habang nagdedevelop ang iyong baby, kinakailangan din ng iyong katawang gumawa ng red blood cells para sa inyong dalawa. Makakatulong ang pag-inom ng Folic Acid tablets para maiwasan ang pababa ng iyong hemoglobin o pagdevelop ng sakit na anemia.
- Nagpo-produce at inaayos nito ang ating DNA
May RiteMED ba nito?
Mga kaalaman tungkol sa RiteMED Folic Acid:
Para kanino ang RiteMED Folic Acid?
Ang pag-inom ng RiteMED Folic Acid ay makatutulong para sa pag-iwas at pag-gamot ng Folate deficiency. Ang RiteMED Folic acid ay ginagamit ng kababaihang may potensyal na mabuntis at ng mga babaeng kasalukuyang buntis na para protektahan ang kanilang dinadala laban sa neural tube defects o birth defects sa utak, spine at spinal cord.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Folic Acid:
Kumunsulta muna sa iyong OB-Gyne bago bumili o mag-take ng kahit na anong vitamins o gamot.
Mga kaalaman tungkol sa RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Para kanino ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid?
Ito ay iniinom ng mga gustong makaiwas o kasalukuyang nakararanas ng iron-deficiency anemia (isang uri ng sakit na may kakulangan sa dugo). Inirereseta rin ito ng mga OB-Gyne sa mga nagbubuntis at sa mga gustong magkaanak. Maaari din itong mabili sa botika dahil ito ay over the counter vitamins.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Kumunsulta muna sa iyong OB-Gyne bago bumili at uminom ng kahit na anong vitamins at gamot para malaman kung ito ay bagay sa iyo.
References:
https://www.webmd.com/baby/folic-acid-and-pregnancy
https://www.babycenter.com/0_folic-acid-why-you-need-it-before-and-during-pregnancy_476.bc