Ano ang First 1000 Days of Life?

August 19, 2020

Ito ay tumutukoy sa unang isang libong araw ng isang bata simula sa sinapupunanhanggang sa kaniyang ikalawang kaarawan. Binigyan ito ng kaukulang pansin ng mga  eksperto dahil  nadiskubreng ang kahalagahan nito sa physical at brain development ni baby. Sa panahong ito nakasalalay ang kanyang kakayahan umangat sa buhay sa kanyang paglaki.

 

Bakit kailangan ng tamang alaga sa First 1000 Days of Life?

     Ayon sa mga pag-aaral, ang First 1000 Days of Life ay isang critical window o mahalagang pagkakataon para sa optimal growth ng isang bata. Sa panahong ito mabilis na nabubuo ang utak ng isang bata kaya’t ang tamang alaga sa nutrisyon ay napakahalaga para suportahan ang growth at development na ito. Nalaman rin ng mga eksperto, na kung ang bata ay hindi nabigyan ng tamang alaga bago magdalawang taon, ang epekto nito sa pisikal at mental development ng bata ay irreversible. Ibig sabihin, hindi na maibabalik ang pagkakataong iyon para sa maibigay ang tamang nutrisyon para  optimum growth and brain development ni baby.

 

Ano ang dapat iwasang  mangyari sa First 1000 Days of Life at bakit?

     Ang mga nutritionists at pediatricians ay may layuning ibahagi sa atin ang importansya ng nutrisyon ng mga bata. Ito ay namo-monitor sa pamamagitan ng timbang at haba ni baby. Sa loob ng First 1000 Days of Life ni baby, hindi makakabuti sa kaniya ang pagiging STUNTED o maliit para sa kaniyang  edad, sapagkat ito ay mahalagang pahiwatig na malnourished siya. Kung stunted si baby  pagsapit ng dalawang taon, ibig sabihin ay hindi naibigay ang tamang alaga sa nutrisyon sa loob ng First 1000 Days of Life. Maaari itong magdulot ng mga sumusunod sa kanyang paglaki:

  1. Madaling kapitan ng  mga impeksiyon tulad ng Diarrhea at Pneumonia
  2. Tumataas ang pagkakataon na ma-ospital
  3. Nahihirapang magkaroon ng good school performance
  4. Dahil hindi nakapag-aral ng mabuti, nababawasan ang kakayanang makakuha ng magandang trabaho kalaunan.
  5. Maaaring magkaroon ng non-communicable disease sa pagtanda, tulad ng Hypertension at Diabetes

Ano ang maaaring gawin upang makamit ang Tamang Alaga ng Nutrisyon sa loob ng First 1000 Days of Life?

 

Unang-una, pangalagaan ang kalusugan ni Mommy. Ang buhay ni baby ay hindi nagsisimula sa kanyang pagkapanganak. Ito ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang.  Sabi ng mga eksperto, dapat ay may tamang alaga na  si Mommy bago pa man magbuntishanggang siya ay  nagdadalantao na.  Mainam na gawin ang mga sumusunod:

  1. Sundin ang gabay ng Pinggang Pinoy sa tamang nutrisyon at dami o portion ng kakainin bago at habang buntis. Ganun rin sa panahong breastfeeding na.  Ito ay para sa paghahanda ng katawan sa pagbubuntis at pagpapatuloy ng tamang sustansya sa kanyang sinapupunan at sa unang anim  na buwan ni baby.

 

undefined

 

  1. Safebirth Tatalon - 0010 - 09797Ugaliing pumunta sa health center, lying-in clinic, o ospital para sa prenatal check ups. Pinapayo ng mga OB-Gyne na makabisita ng hindi bababa sa  walong  beses habang nagbubuntis, kung walang kumplikasyon. Ito ay para mapayuhan  ang buntis sa tamang nutrisyon, maibigay ang mga screening na kailangan para sa kalusugan at kaligtasan ng nagbubuntis at ng sanggol na kanyang dinadala, at magabayan sa mga naaayon na interventions tulad ng deworming, dental visit, tetanus vaccination, at health lectures on pregnancy, newborn care, breastfeeding, at nutrition.

 

undefined

 

  1. Manganak sa isang lisensyadong health facility para maiwasan ang anumang komplikasyon na maaaring  mangyari kung walang lisensyadong midwife, nurse or doctor na magpapaanak kay Mommy.  Ito ay para rin sa kalusugan at kaligtasan ni baby – nang maiwasan ang anumang impeksiyon  na maaaring makuha kung hundi naaayon ang napag-anakan, at nang magabayan ang ina  ukol sa tamang breastfeeding.

 

undefined

  1. Uminom ng kumpleto at tamang multivitamins and minerals supplement habang nagbubuntis.  Mainam na ito ay maipagpatuloy rin sa loob ng anim na buwan na exclusive breastfeeding ni Mommy, para masuportahan ang patuloy niyang pagbibigay ng tamang nutrisyon kay baby. Dahil sa iba’t ibang limitasyon,  madalas ay hindi sapat  ang sustansyang nakukuha natin sa ating mga kinakain. Ang multivitamins and minerals supplement ang tutulong para makumpleto ang wastong nutritional intake araw-araw.  Ang iniinom ni Mommy ay mapupunta rin kay baby, kaya nararapat  na ito ay ligtas at kumpleto.

 

Ilan sa mga micronutrients na kailangan ng nagbubuntis at ng bata sa kanyang tamang paglaki ay ang mga sumusunod:

 

  • Iodine – ito ang essential component ng thyroid hormones, na responsible sa madaming biochemical reactions sa ating katawan, isa na dito ang proper skeletal and brain development ng bata sa loob ng First 1000 Days of Life.
  • Iron (ferrous sulfate) – ito ay essential component ng  hemoglobin, at anumang pagbaba ng level nito sa katawan ay magdudulot ng anemia. Ito rin ay mahalaga para sa physical growth at brain development.
  • Calcium - ito ay kailangan ng iba't-ibang proseso ng katawan, tulad ng paggalaw ng blood vessels, muscles, at nerves transmission. Mahalagang may sapat na imbak na calcium ang mga buto para laging may mapagkukunan ang ating katawan.
  • Vitamin B6, B12 – ang mga vitamins na ito ay mahalaga sa brain development, immune function,  at tulad ng Iron, sa pagbuo ng hemoglobin  na mahalagang  parte ng ating dugo.
  • Lahat ng mga ito at iba pa ay makukuha sa wastong nutrisyon at napupunan ng multivitamins and minerals kung nagkukulang.

Pangalawa, kasama sa pag-aalaga sa nagbubuntis na ina ang kanyang asawa o kasama sa buhay. Dapat na bigyang supporta si mommy sa kaniyang physical at emotional health. Nararapat din na maalam sila sa pag-aaruga kay baby, upang matulungan si mommy lalo na sa unang anim na buwan ni baby, para na rin maiwasang magkaroon ng postpartum depression si mommy.

 

Pangatlo, bigyan ng tamang alaga si baby, lalo na sa susunod na period ng kaniyang First 1000 Days.  Tulad ng  napag-alaman, kritikal na lumaki si baby na healthy at happy, sa loob ng  First 1000 Days  at ito’y maipagpapatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Sikaping iwasan na maging stunted si baby  hanggang dalawang taon sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  1. Siguraduhin na si mommy ay magkaroon ng maayos na pagbubuntis at panganganak.  Muli’t muli, ang panahon na si baby ay nasa sinapupunan pa lamang ay napakahalaga. Anumang unhealthy incidence na mangyari sa pagbubuntis ni mommy, ay may maaaring hindi mabuting maidulot kay baby.
  2. Itaguyod ang exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan ni baby. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-suporta sa nutrition ni mommy,mula sa pagkain hanggang sa supplements, at pagbibigay-gabay sa kanyang breastfeeding journey.  
  3. Kumpletuhin ang bakunang ibinibigay sa health center. Mahalaga ito upang maiwasan ang mga sakit na minsan ay nangangailangan pa ng hospitalization at kung minsan ay nagdudulot ng pagkahina lalo ng resistensya ni baby, kaya’t  maaari siyang lalo pang pumayatat madaling dapuan ng sakit.
  4. Ugaling magpamonitor ng timbang, haba, at head circumference tuwinghealth center o doctor visit. Ito ay magsisilbing gabay  kung si baby ay lumalaki ng tama at wasto para sa kanyang edad. Kapag nagkaroon ng anumang pahiwatig na nahuhuli sa paglaki si baby, mabilis itong matutugunan bago pa siya magdalawang taong gulang.
  5. Bigyan si baby ng tamang multivitamins and minerals araw-araw, pagsapit ng tamang edad. Mainam na simulan ang pagbibigay  ng supplements kapag anim na buwan na si baby. Ngunit sa mga pagkakataon na si baby ay premature or maliit sa edad ipinanganak, maaari na siyang bigyan ng tulong na supplements nang mas maaga at naaayon sa sa assessment ng pediatrician nito.. Kung walang rekomendasyon ng pediatrician, mainam na ipagpatuloy ang exclusive breastfeeding ni mommy at mas mabuting siya  ang uminom ng supplements na nararapat para sa breastfeeding mother.
  6. Simulan ng tama ang complementary feeding ni baby. Sa ika-anim na buwan ni baby, puwede na siyang kumain ng soft diet. Maaaring humingi ng payo sa health center o sa pediatrician. Unahin ang gulay upang masanay si baby sa lasa at  texture nito, at nang lumaki siya na sanay kumain ng gulay. Susunod ay ang prutas, at pagkatapos ay meat (fish, chicken, or beef) lalo na kapag si baby ay nagkakangipin na. Huwag ugaliing bigyan ng processed at matatamis na pagkain si baby tulad ng hotdog, canned goods, biscuits, cookies, cakes at ice cream.

undefined

  1. Ugaliing bumisita sa health center or pediatrician para masiguradong mabigyan ng paalala sa unang pag-bisita sa dentista, ma-assess kung nagiging anemic si baby, makita kung may developmental delay si baby, maisagawa ang deworming, atbp. Ang First 1000 Days of Life ay nangangailangan ng kumpletong pag-aalaga sa bata, at para sa mga bagay na maaari nating makaligtaan, nariyan ng ating mga health center o pediatrician upang tayo ay matulungan.
  2. Pangalagaan ang brain development ni baby. Gumamit ng age-appropriate toys para ma-stimulate ang brain ni baby. Ayon sa mga eksperto, iwasan rin ang exposure sa TV, laptop, tablets, o cellphone bago magdalawang taong gulang, dahil ito ay nagdudulot ng delay sa kanilang speech development o pagsasalita. Kausapin si baby, basahan ng libro, at makipaglaro sa kaniya habang siya ay lumalaki upang patuloy na maging maganda ang pagdevelop ng kanyang katawan at pag-iisip. Ang kailangan ni baby ay brain stimulation mula sa kanyang paligid at sa mga taong kasama niya sa bahay – mga interaksyon  kung saan matututo siyang makipag-ugnayan dahil alam niyang may magre-react sa kaniyang gagawin o sasabihin.

Napakahalaga ng Tamang Alaga sa First 1000 Days of Life. Itaguyod natin ang kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng  proper nutrition at  health interventions. Iwasan maging stunted hanggang dalawang taong gulang,  para sila ay lumaking malusog, matalino, at may kakayanan sa buhay.

 

References:

  1. Black R, Victora C, Walker S, et al. Maternal and child undernutrition and overweight in low-income and middle-income countries. Lancet 2013; 382:427-51.http://dx.doi.org/10.1016/50140-6736(13)60937-x
  2. Maternal and Child Nutrition Study Group. Maternal and Child Nutrition: Executive summary of the Lancet maternal and child nutrition series. Lancet 2016. www.thelancet.com.
  3. Ahmad et al Ahmad I, et al. Dietary diversity and stunting among infants and young childen: a cross – sectional study in Aligarh. Indian J Community Med. 2018; 43(1):34-36.
  4. Goudet, S., Griffiths, P.L., Wainaina, C.W. et al. Social value of a nutritional counselling and support program for breastfeeding in urban poor settings, Nairobi. BMC Public Health 2018; 18, 424. https://doi.org/10.1186/s12889-018-5334-8