Anim na Super Food Para Sa Mga Nagdadalang Tao

May 25, 2017

Hindi maitatanggi ang kahalagahan ng healthy diet sa buhay ng isang tao, lalo na kung siya ay nagdadalang tao. Mas kailangan ng mga buntis ang mas madaming sustansya, bitamina at minerals kung kaya't importanteng isipin ang bawat kakainin. Sa katunayan, kailangan ng ekstrang 350 hanggang 500 calories araw araw ng isang babaeng nagdadalang tao kapag ito ay nasa second at third trimester na. Ang diet na kulang sa sustansya ay makakaapekto sa bata sa sinapupunan.

 

Narito ang ilan sa mga masusustansyang pagkain dapat kainin ng mga buntis.

 

  1. Itlog

Mainam ang itlog para sa mga buntis dahil ang isang itlog ay may taglay na 90 calories, mahigit 12 na bitamina at minerals. Mayaman din ito sa protina at choline na mahalaga para sa brain development ng bata sa sinapupunan. Ang hindi sapat na intake ng choline ay maaaring magdulot ng depekto sa bata at sa utak nito. Bukod sa mga sustansyang taglay ng itlog, mura pa ito at madaling hanapin at lutuin.

 

  1. Beans

Ang mga gulay gaya ng sitaw, baguio beans, green peas, black bean, chickpea at soy beans ay nakabubuti sa mga buntis dahil sa protina at fiber na taglay nila. Mayaman din sila sa folate, isang nutrient na mahalaga lalo na sa unang trimester para maiwasan ang pagkakaroon ng depekto ng sanggol. Maaaring gawin sahog sa ulam o di kaya's isama sa salad ang mga beans.

 

 

  1. Kamote

Ang kamote ay mayaman sa beta-carotene na nagiging Vitamin A kapag pumasok sa katawan. Mayroon ding Vitamin C, folate at fiber. Kailangang taasan ng babaeng nagdadalang tao ang kanyang Vitamin A intake ng 10-40%. Ang kakulangan nito ay nagdudulot ng panghihina ng paningin sa gabi at anemia sa mga ina pati na rin ang panganganak ng kulang sa buwan. Maaaring gawing meryenda ang kamote.

 

undefined

 

 

  1. Madahon at maberdeng gulay

Broccoli, kangkong, malunggay, pechay at talbos ng kamote ay ilan sa mga masusustansyang gulay na dapat kainin ng mga nagdadalang tao. Ang mga gulay na ito ay punong puno ng mga bitamina kailangan ng mga buntis gaya ng Vitamin A, C at K at mayroon din itong folate, iron, potassium at fibre.

 

  1. Karne

Ang baka, baboy at manok ay mayaman sa protina. Ang karne ng baka at baboy ay may choline, iron at B-vitamins na kailangan ng mga buntis. Ang mataas na intake ng iron ay mahalaga para sa mga nagdadalang tao dahil ito ay ginagamit ng red blood cells, at dahil may bata na sa sinapupunan, ang dami ng dugo sa katawan ng babae ay dumadami. Maaaring magdulot ng anemia ang mababang intake ng iron na maaaring maging sanhi ng maagang panganganak.

 

 

 

 

 

  1. Mga Pagkaing Gawa sa Dairy

 

undefined

 

 

Nakabubuti ang keso, yogurt, ice cream, gatas sa mga buntis. Ang gatas ang pinakamainam na source ng calcium at mayaman sa phosphorus, B-vitamins, magnesium at zinc. Sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis, inirerekomendang damihan ang mga pagkaing mataas sa Calcium at Iron dahil sa mga panahong ito, kailangan ng sanggol ang maraming calcium at iron para sa paggawa ng buto at dugo ng bata.

 

Narito ang recipe ng Chicken Manila na mainam para sa mga nagdadalang tao.

 

Mga sangkap:

  • 1 tali ng kangkong

  • 3 tasa ng tubig

  • 1 pirasong patatas (hiniwa)

  • 3 hiwa ng fat-free butter

  • 1 baso ng fresh milk

  • 1 mangkok ng green peas

  • 4 na piraso ng chicken breast

  • Keso

  • Asin at paminta

 

1. Pakuluan ang kangkong, na mayaman sa Vitamin A at C.

2. Pakuluan ang patatas hanggang sa lumbot at durugin. Isalang ulit at lagyan ng butter at fresh milk. Ang mga ito ay mayaman sa calcium na pampatibay ng buto.

3. Isalang ang green peas sa kawali.

4. Hiwain sa gitna ang chicken breast, at ilagay ang kangkong at keso. Wala masyadong taba sa chicken breast. Mayaman ito sa protina. Prituhin ang chicken breast.

 

Ang recipe na ito ay pang-apat na tao.

 

Sources:

  • http://www.gmanetwork.com/news/video/137255/pinoymd/masustansyang-pagkain-para-sa-naglilihing-buntis
  • http://www.philstar.com/psn-opinyon/2012-12-07/882113/payo-sa-mga-buntis
  • https://www.babycenter.com/101_the-10-best-foods-for-pregnancy_10392775.bc
  • http://www.webmd.com/baby/features/must-eat-foods-pregnancy
  • https://authoritynutrition.com/13-foods-to-eat-when-pregnant/