8 Best Foods for Breastfeeding Moms

August 17, 2018

Isa ang breastfeeding sa pinaka-exciting at intimate na experience sa pagitan ng mag-ina. Dahil sa skin-to-skin touch at pagiging malapit sa isa’t isa ilang beses sa isang araw, nakakapagpatibay ito ng bond nina mommy at baby. Kapag ginawa sa tamang paraan, marami itong benefits sa bata at sa nanay. Ngayong Breastfeeding Awareness Month, alamin natin kung paano makukuha ang tamang nutrisyon at lifestyle para mapaigi pang lalo ang pagbe-breastfeed sa iyong sanggol.

 

Importance of breastfeeding

 

Bago natin pag-usapan ang tamang breastfeeding diet, talakayin muna natin kung bakit dapat pahalagahan ng bawat mag-anak ang natural na pagbibigay ng gatas ng ina sa anak.

 

Maraming benefits ang breast feeding o pagpapasuso sa overall well-being ng bata kaya mahalagang gawin ito. Bukod sa sagana ito sa vitamins, minerals, at protein na kailangan para sa normal na paglaki ni baby, nakakatulong din ang breastfeeding sa pagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng iba’t ibang health conditions gaya ng asthmaallergies , sakit sa respiratory system, obesity, at mga simpleng sakit gaya ng sipon at ubo dahil sa natural antibodies na taglay nito.

 

Mahalaga rin ito dahil ayon sa mga doktor, ito talaga ang pinakamainam na ibigay sa mga bata mula sa pagkapanganak maging hanggang tatlong taong gulang. BIlang mga magulang, natural lang na hangaring maibigay ang best nutrition sa anak, kaya naman hinihikayat din ang mga nanay na hangga’t maaari, huwag munang bigyan ng formulated milk ang mga anak.

 

Dagdag benepisyo pa rito ang mga nagagawa nito para sa mommies. Kapag nagbe-breastfeed, bumababa ang risk ng pagkakaroon ng osteoporosis at mga sakit sa reproductive system gaya ng breast cancer at ovarian cancer. Malakas din itong makatulong sa pagpapababa ng pregnancy weight at pagpapabalik sa normal size ng uterus mula sa pagbubuntis.

 

Dahil mahalaga ang pagpapasuso sa kalusugan ninyo ni baby, kailangan ding bigyang-pansin ang mga kailangang gawin para sa maayos na supply at quality ng gatas na iyong mapo-produce.

 

 

Breastfeeding diet

 

Kung gaano kaselan ang pagpili sa pagkain at pagbabantay sa kalusugan noong nagbubuntis pa lang, ganoon din dapat ang mindset pagdating sa pagpili ng foods good for breastfeeding. Ang poor breastfeeding diet ay talagang makakaapekto sa nutrisyon ng bata at maaaring maging sanhi ng malnutrition at iba pang komplikasyon.

 

Hindi totoo na nasa dami nang kinakain ang lakas ng supply ng gatas at taas ng kalidad nito. Isa pang myth ang pag-kain ng para sa dalawang tao para maraming masipsip na breastmilk ang bata. Kung halimbawa ay malakas kang magkanin, bagama’t madami kang nakakain ay mataas naman sa sugar ang diet na mayroon ka. Nakakasama ito sa kalusugan ninyo ng iyong anak.

 

Gaya ng pag-aalaga mo sa iyong kalusugan noong hindi ka pa nagbe-breastfeed, ipinapayo rin ng mga doktor na kumain ng balanseng diet kapag nagpapasuso. Bago magbago ng diet, siguraduhing kumonsulta muna sa iyong ob-gyne at pediatrician.

 

 

Lactation foods

 

May mga pagkain na inirerekomenda para makatulong sa pagpaparami at pagpapaganda ng supply ng gatas ng isang breastfeeding mom. Ang tawag sa mga ito ay lactation foods. These are the foods to eat while breastfeeding na siguradong makakatulong sa normal na paglaki ng inyong anak. Narito ang ilan sa mga pagkain at inumin na maaari ninyong isama sa inyong breastfeeding diet:

 

  1. Maraming tubig

 

Isa sa pinaka-basic na kailangang i-intake ng nagpapasusong nanay ang tubig. Kung walo hanggang sampung baso ng tubig ang kailangan ng isang tao sa isang araw para manatiling hydrated, sosobra pa rito ang dapat inumin kapag nagbe-breastfeed. Madalas ay makakaramdam agad ng pagkauhaw matapos ang isang session kaya siguraduhing lagging may baong tubig lalo na kung nasa labas kayo ng bahay. Kapag well-hydrated ka, magiging normal ang supply mo ng gatas para kay baby.

 

  1. Garlic

 

Bukod sa benefits na taglay nito para sa pagkakaroon ng healthy heart, ang pagdadagdag ng bawang sa iyong mga lutuin ay makakatulong para ma-boost ang iyong milk supply. Kung hindi naman mahilig dito, mayroong nabibiling garlic pills sa mga botika. Bago ito subukan, i-check muna sa iyong doktor kung makakaapekto ba ito sa kalusugan ninyo ni baby.

 

  1. Ginger

 

Ang luya ay kilala sa tulong na naibibigay nito kontra-morning sickness o pagsusuka na kasama ng pagbubuntis. Malaki rin ang benefits nito para sa maayos na breastmilk supply. Subukan itong isama sa inyong mga recipe, gawing salabat, o sipsipin.

 

  1. Spinach

 

Kasama ang green leafy vegetables gaya ng spinach sa foods to eat while breastfeeding dahil sa taglay nitong iron na kailangan ng katawan. Bukod sa nakakatulong ito sa kalusugan ni baby, naaalagaan mo rin ang health mo sa paniniguradong nasa normal ang iyong iron levels lalo na’t maraming dugo ang nawawala sa panganganak.

 

  1. Oats and grains

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Isa sa mga madadaling ihanda na foods good for breastfeeding ang oatmeal at iba pang uri ng whole grains gaya ng cereals. Siksik ang mga ito sa iron at fiber, na nakakatulong ma-improve ang digestion.

 

  1. Eggs

 

Ang itlog ay isang masaganang source ng protein na galing sa hayop. Mayroon din itong nutrients at bitamina gaya ng Vitamin A, B2, at B12, na sinamahan pa ng omega-3 fatty acids, calcium, at phosphorous.

 

PAALALA: Obserbahan kung mayroong allergic reaction si baby kapag nakakakain ka ng itlog. Pansinin kung nakakaranas siya ng hirap sa paghinga, pagsusuka, rashes, o pagsusuka. Kumonsulta agad sa doktor para makasigurado.

 

  1. Dairy products

 

Importante na ikaw mismo ay hindi kulang sa calcium para masigurado na normal at healthy ang bone development ng iyong anak. Ilan lamang sa mga dairy products na pwede mong isama sa iyong breastfeeding diet ang gatas, yogurt, at cheese. Isaalang-alang din nab aka lactose intolerant ang bata. Gaya ng sa pagkonsumo ng itlog, bantayan kung magkakaroon siya ng sintomas ng allergies o iba pang komplikasyon.

 

  1. Sweet potatoes

 

Kapag nagsama ka ng camote sa iyong breastfeeding diet, makakapagdagdag ito ng Vitamin A, B-Complex, at C sa breastmilk na ibibigay mo kay baby. Mayaman din ang sweet potatoes sa phosphorous, potassium, fiber, at magnesium.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Samahan pa ng active lifestyle ang tamag diet na ito, siguradong nasa mabuting kalusugan kayo ng iyong anak. Huwag ding kakalimutan ang pagkakaroon ng sapat na pahinga dahil nakakatulong ang pagre-relax na ma-improve ang iyong breastmilk supply. Higit sa lahat, i-enjoy ang moments ng pagbe-breastfeed kay baby para sa mas matatag na mother-child relationship.

 

Sources:

https://www.webmd.com/parenting/baby/ss/slideshow-breastfeeding-foods

https://www.webmd.com/parenting/baby/nursing-basics#2

https://www.beinghappymom.com/foods-increase-breast-milk-supply/

https://www.parents.com/baby/breastfeeding/tips/5-foods-that-could-help-increase-your-breastmilk-supply/