Proteksyon Kontra-Air Pollution

August 17, 2018

Madalas ay nakakaligtaan natin ang kahalagahan ng healthy lungs o baga sa ating buhay. Ang mga ito ay mayroong napakalaking role sa ating pang araw-araw na gawain. Kaya naman ngayong Agosto ay idaraos and National Lung Month. Ito ay taunang event na naglalayon na bigyang focus o atensyon ang ating pulmonary system kabilang na ang iba’t ibang karamdaman na maaaring makaapekto sa tamang lung function. Kasama rin dito ang paghihikayat sa lahat na mag-contribute sa mas malinis na environment upang maiwasan ang mga sakit na ito.

 

Isa sa pinakamalaking suliranin ang polusyon sa ating bansa. Bukod sa traffic, ang air pollution o polusyon sa hangin ay ang hamon na kinahaharap ng mga commuters araw-araw. Ang air pollution ay nagiging sanhi ng karamdaman sa baga. Sa panahon ngayon, ano nga ba ang maaaring gawin upang mapangalagaan o maprotektahan ang ating mga lungs?

 

Causes and Effects of Air Pollution

 

Ang air pollution ay ang pag-release ng iba’t ibang pollutants sa hangin na masama para sa kalusugan ng isang tao at sa environment. Ang mga emissions o paglabas ng harmful na pollutants sa atmosphere na mapanganib sa mga tao, hayop, at halaman ay kadalasan ay hindi visible. Ano nga ba ang sanhi ng air pollution?

 

Ang pangunahing air pollutant ay ang carbon dioxide. Ang carbon dioxide na mula sa mga sasakyan at power plants ay ang tinutukoy rito at hindi ang carbon dioxide na inilalabas ng mga tao. Ang pag-emit ng carbon dioxide na mula sa pagsusunog ng fossil fuels kagaya ng gasolina at mga natural na gas na ginagamit sa iba’t ibang activities ng mga tao ay nakakaapekto sa hangin na nilalanghap natin.

 

Isa pang sanhi ng air pollution ay ang greenhouse gases. Kabilang na rito ang methane na karaniwan na ginagamit para sa pag-generate ng electricity, at gas na mula sa livestock. Kasama na rin dito ang CFC o chlorofluorocarbons na ginagamit sa mga refrigerants noon. Dahil napag-alaman na nakakasira sa ozone layer ang CFC, tuluyan na itong na-ban.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Lahat ng tao ay maaaring maaapektuhan dahil sa polusyon sa hangin. Kahit na ang mga healthy na tao o mga hindi gaanong nagko-commute ay pwedeng makaranas ng malalang effects dahil dito. What are the health effects of air pollution? Narito ang ilan sa mga halimbawa:

 

  • Irritation ng respiratory system
  • Hirap sa paghinga o breathing problems
  • Stress sa heart at sa lungs
  • Mga sakit sa respiratory system
  • Damaged na cells ng respiratory system
  • Fatigue o pagkapagod
  • Pagkasira o damage ng nervous system
  • Irritation ng mga mata, ilong, at lalamunan
  • Madalas na pagsakit ng ulo o headache
  • Pagkakaroon ng mga sakit na gaya ng asthma at bronchitis
  • Posibilidad na pagkakaroon ng cancer

 

Air Pollution Solutions

 

Ang air pollution ay isang malaking problema na dapat na bigyang pansin, hindi lamang ng mga tao na nakaupo sa pwesto, kundi ng sinuman. Mayroong mga paraan o solusyon na maaaring gawin para mabawasan ang air pollution. Ito ang mga simpleng air pollution solutions na maaari nating gawin para makatulong sa ating environment:

 

  • Ugaliing magtipid ng energy gaya ng pagpatay ng ilaw kapag hindi ginagamit at iba pang mga appliances sa bahay.
  • Gumamit ng mga panlinis na environmental-friendly.
  • Piliin na gumamit ng light bulbs at iba pang appliances na energy efficient.
  • Iwasan ang malimit na paggamit ng sasakyan upang makabawas sa polusyon. Kung maaari, pillin na maglakad na lamang kung hindi naman kalayuan ang destinasyon.
  • Panatilihing “tuned” ang sasakyan at iba pang engine na pagmamay-ari.
  • Siguruhing mayroong sapat na hangin ang mga gulong ng sasakyan.
  • Siguraduhing nakasarang mabuti ang mga container na mayroong chemicals gaya ng panlinis ng bahay, chemicals para sa iyong garden, at solvent.
  • Makisali sa mga activities o programs ng iyong local community na naglalayong makatulong sa kalikasan.
  • Pilling gumamit ng electric-powered equipment.
  • Iwasan magsunog ng mga basura, mga dahon, at iba pang materials.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Paano mo pangangalagaan ang lungs?

 

Ang mga commuters o byaheros ay malimit ang exposure sa air pollution at dahil dito, maaaring nakakaapekto na ito sa kalusugan ng hindi namamalayan. Ang long-term exposure sa air pollution ay nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit.

 

May ilang mga paraan para maproteksyonan ang mga baga o lungs laban sa polusyon sa hangin. Anu-ano ang mga ito? Narito ang ilan sa maaaring gawin o iwasan:

 

  1. Kapag matindi ang polusyon sa labas, iwasan mag-exercise at piliin na indoors ito gawin. Kung maaari, limitahin ang oras na nasa labas at sa high-polluted areas para hindi makalanghap ng maruming hangin.

 

  1. Isa sa pinakamagandang paraan upang mapanatiling maayos ang function ng lungs ay ang paggawa ng simple breathing exercises. Ito ay mabuti lalo na sa mayroong problema sa lungs gaya ng asthma at bronchitis. Nakakatulong ang breathing techniques gaya ng diaphragmatic breathing para tumaas ang capacity ng ating mga baga.

 

  1. Uminom ng sapat na tubig araw-araw. Ang pananatiling hydrated ay importante, hindi lamang sa baga kundi sa buong katawan. Ang tubig ay nakakatulong para manatiling manipis ang mucosal linings sa baga na nakakatulong sa mas maayos na functioning ng mga ito.

 

  1. Sa mga pagkakataon na mataas ang exposure sa pollution, maaaring gumamit ng mask na may seal sa paligid ng ilong at bibig para ma-filter out ang mga gas. Ang ordinaryong face mask ay nakakatulong din para mapigilan ang mataas na exposure sa usok.

 

  1. Iwasan ang exposure sa usok mula sa sigarilyo o ang tinatawag na second-hand smoke. Ito ay mapanganib sa katawan dahil ito ay halo-halong chemicals na mula sa tobacco na nasusunog. Kung maaari, ipagbawal ang indoor smoking.

 

  1. Ang long-term exposure sa air pollution ay nakakaapekto sa immune system. Sa pagkakataon na nakararanas ng pag-ubo, maaaring uminom ng gamot para dito. Ilan na rito ang RM Ambroxol para sa ubo sanhi ng asthma bronchitis, chronic bronchitis, at bronchial asthma; RM Bromhexine para sa ubo na may plema, at RM Stop Cough (Lagundi) para ubo na may kasamang trangkaso.

 

Sources:

http://www.eaglenews.ph/national-lung-month/

http://philchest.org/2018-national-lung-month-celebration/

https://www.rush.edu/health-wellness/discover-health/8-tips-healthy-lungs

https://www.canada.ca/en/public-health/services/chronic-diseases/chronic-respiratory-diseases/keep-lungs-healthy.html

http://www.lung.org/our-initiatives/healthy-air/outdoor/air-pollution/10-tips-to-protect-yourself.html

https://www.nationalgeographic.com/environment/global-warming/pollution/

https://www.activesustainability.com/environment/effects-air-pollution-human-health/

https://www.ritemed.com.ph/products/category/cough

https://www.webmd.com/asthma/asthmatic-bronchitis-symptoms-treatment