Mga Tips para Maiwasan ang Pollution sa Tahanan

August 17, 2018

And indoor pollution ay ang mga gas, sambutil, o kemikal na nakakarumi ng hangin sa loob ng tahanan. Ito ay isang problema na madalas nating hindi pinapansin dahil hindi natin ito agad nakikita.

 

Kapag polusyon ang pinag-uusapan, una nating iniisip na ito ay nasa labas lamang, katulad ng smog o masamang usok na galing sa mga sasakyan. Basta’t nasa loob ng tahanan o gusali ang mga anak natin, kampante tayo na walang kapahamakan ang makakalapit sa kanila.

 

Ngunit ang katotohanan ay maraming mga pollutant ang nagtatago sa lahat ng sulok ng ating tahanan. Ito ang gumagawa ng indoor air pollution na nagiging sanhi ng iba’t ibang karamdaman ng buong pamilya. Marami na ang naaapektuhan ng indoor pollution dahil mas pinipili na natin ang magpalipas-oras sa loob ng tahanan ngayon kaysa sa mga nakaraang dekada. Pati ang mga bata ay sa loob na ng bahay naglalaro ngayon.

 

Kung madalas magkaroon ng allergies o respiratory problems ang mga miyembro ng inyong pamilya, marahil ay panahon na para suriin ang paligid ninyo sa mga posibleng pollutant.

 

Mga Sanhi ng Indoor Air Pollution

 

  1. Sigarilyo  - Ang usok ng sigarilyo ay naglalaman ng higit sa 4,000 chemicals;40 dito ay maaaring magdulot ng cancer.

 

  • Ang secondhand smoke ay ang nai-inhale ng mga hindi naninigarilyo at maaaring sanhi ng ear and respiratory infections, asthma, cancer, at sudden infant death syndrome (SIDS) sa mga bata.
  • Ang thirdhand smoke naman ay ang mga residual gas at sambutil mula sa usok na nananatili sa sahig at carpet. Ito ay mapinsala sa mga batang mahilig maglaro sa sahig.

 

  1. Household products - Ang mga pangkaraniwang household products ay naglalaman ng mga matatapang na kemikal (Volatile Organic Compounds o VOC) na ‘di-sadyang nalalanghap ng mga nakatira sa bahay. Ito ang mga:

 

  • Cleaning products – Ito ang mga cleanser, detergent, at artificial air freshener;
  • Personal care products – Kasama dito ang aerosol hair spray at deodorant, polbo, at matatapang na pabango;
  • Building products/materials – Nabibilang dito ang pinta, asbestos, paint remover, glue, at ang fumes mula sa printer toner at photocopier;
  • Insect repellants – Dahil para ito sa pagpatay ng mga peste at insekto, sadyang matatapang ang mga kemikal nito; at
  • Scented candles – Ang paraffin wax sa mga kandilang ito ay naglalaman ng toxic chemicals.

 

  1. Gas range – Ang paggamit ng gas sa pagluluto ay nag-e-emit ng nitrogen dioxide at carbon dioxide sa loob ng kusina at buong bahay.

 

  1. Biological agents – Ito ang mga bagay na nakakapag-trigger ng allergic reactions, gaya ng:

 

  • Balahibo –  Kapag naglalagas ng balahibo ang mga aso, pusa, at iba pang mga alagang hayop, naiiwan ito sa sahig, sa carpet, sa muwebles, at sa paligid.

 

undefined

Image by Pexels

 

  • Amag - Nanggagaling ito sa kulob na moisture.
  • Pollen – Maaaring magkaroon nito kapag may mga halaman sa loob ng bahay.

 

  1. Outdoor air pollution – Ito ay tumutukoy sa mga nakakapasok na gas fumes sa bahay mula sa mga sasakyan sa garahe at sa pagsisiga sa bakuran.

 

Mga Karamdamang Sanhi ng Indoor Pollution

 

 

Hindi biro ang magkasakit nang dahil sa indoor pollution. Dahil ang sanhi ay nasa loob ng sariling tahanan, madalas ay naka-expose dito ang buong pamilya araw-araw, mula umaga hanggang gabi, sa loob ng ilang taon. Kapag hindi ito naagapan, maaaring maging chronic ang mga sintomas nito o ‘di kaya’y maging sing-lubha na ng cancer o stroke ang sakit.

 

Mga Lunas at Pag-iwas sa Sintomas

 

Sugpuin ang mga mild na sintomas katulad ng watery eyes o pag-ubo sa pamamagitan ng mga home remedies para sa ubo at sipon. Para naman sa allergic rhinitis, allergic conjunctivitis, at mga allergic reactions katulad ng pagbahing, pagpapantal, o pangangati, isa sa mga over-the-counter na gamot na pwedeng panlaban dito ay ang RM Cetirizine. Ito ay tableta na iniinom ng isang beses sa isang araw, o depende sa rekomendasyon ng doktor.

 

Huwag patagalin ang kahit anong sintomas at kumonsulta sa doktor kapag hindi ito nawala pagkalipas ng ilang linggo. Kapag may napag-aalamang problema ng indoor pollution sa inyong tahanan, lugar ng trabaho, o paaralan ng inyong mga anak, ipatingin sa doktor ang buong pamilya. Ang early detection ay isa pa rin sa pinakaepektibong pag-iingat laban sa mga malulubhang sakit tulad ng lung cancer at heart disease.

 

At pinakaimportante sa lahat, alamin ang mga paraan kung paano pananatilihing maganda ang air quality sa inyong sariling tahanan.

 

10 Tips to Improve Indoor Air Quality

 

  1. Ideklara ang inyong tahanan na “NO SMOKING ZONE.” Iwasan pati ang secondhand at thirdhand smoke dahil masama ito sa kalusugan ng buong pamilya.
  2. Siguraduhing well-ventilated ang inyong tahanan sa pamamagitan ng pagbukas ng mga bintana sa umaga.
  3. Lagyan ng vent o labasan ng usok ang mga gas range para hindi umikot ang usok at bumalik sa kusina.
  4. Bawasan o iwasan ang paggamit ng mga popular na household cleaners. Piliing gumamit ng mga non-toxic, chemical-free products katulad ng baking soda, white vinegar, lemon juice, borax, alcohol, at essential oils sa paglinis ng kusina at banyo.
  5. Ilayo ang mga bata sa mga produkto o gamit sa bahay na mayroong Volatile Organic Compounds (VOC), mga galing sa aerosol cans, at pati na sa mga scented candles.
  6. Iwasan ang matagal na “idling” ng sasakyan sa garahe.
  7. Gumamit ng vacuum at mop sa paglilinis ng mga sahig at carpet, lalo na kung mayroon kayong mga alagang hayop. Kapag hindi ito nililinis nang madalas, nagiging sanhi ng asthma attack, ubo, at respiratory allergies ang mga balahibo at alikabok na naiiwan dito.

 

undefined

Image by Pixabay

 

 

  1. Gumamit ng dehumidifier o air purifier upang mabawasan ang moisture sa loob ng tahanan. Ang amag at dust mites ay nabubuhay sa moisture.
  2. Maglagay ng mga floor mat sa harap ng bawat pintuan ng bahay. Ito ay para mabawasan ang pagpasok ng dumi na galing sa labas na dala ng mga sapatos.
  3. Kung kakayanin, maglaba ng bedsheets, kumot, at mga punda nang at least once a week.

 

Bagama’t kailangan ng kaunting pagbabago sa pagpapatakbo ng inyong tahanan, ito ay para sa ikabubuti ng buong pamilya, lalong-lalo na ng mga bata. Responsibilidad ng bawat magulang ang alamin ang kondisyon ng inyong mga tahanan at kung may mga nakatagong pinsala dito. Ang pagsunod sa mga simpleng tips na ito ay makakatulong sa pag-iwas sa indoor air pollution at makakapagbigay ginhawa sa buong pamilya.

 

 

 

Source:

 

https://www.webmd.com/women/features/indoor-air#1

https://www.webmd.com/lung/features/12-ways-to-improve-indoor-air-quality#1

https://www.epa.gov/indoor-air-quality-iaq/improving-indoor-air-quality

https://health.clevelandclinic.org/17-simple-ways-prevent-air-pollution-home/

https://www.atsdr.cdc.gov/csem/csem.asp?csem=33&po=7

https://www.consumerreports.org/cro/news/2010/08/7-easy-ways-to-reduce-indoor-air-pollution/index.htm