Ang polusyon ay ang pagkakaroon o pagdadagdag sa kapaligiran ng mga bagay na nakakadumi nito. Dahil sa kapabayaan, dumadami ang dumi at kumakalat ito sa iba’t ibang bahagi ng kapaligiran. Sa panahon ngayon, hindi na mapagkakaila na mayroong maraming harmful effects of pollution on humans.
Paano Tayo Naapektuhan ng Polusyon?
Lahat ng nabubuhay sa mundo ay konektado at umaasa sa isa’t isa para mabuhay. Kapag hindi maganda ang kalagayan ng isang bahagi ng kalikasan, apektado ang lahat. Kaya’t kapag napipinsala ang kapaligiran, napipinsala rin ang sangkatauhan.
Mga Uri ng Polusyon
- Air Pollution – Ito ang pagkakaroon ng pollutants sa hangin, gaya ng mapanganib na usok at mga kemikal.
- Water Pollution – Ito ang pagkadumi ng tubig kung saan nahahaluan ito ng mga kemikal, bacteria, o mga sambutil ng metal o lupa.
- Soil Pollution – Ang pagsisira sa lupa at agrikultura sa pamamagitan ng pagkalat dito ng basura at hazardous waste; at mga maling paraan ng pagsasaka at pagmimina.
- Noise Pollution – Mga malalakas na ingay na gawa ng tao, katulad ng sobrang lakas na tugtugin, ingay galing sa eroplano, tren, trapik, konstruksyon, at paputok.
- Light Pollution – Sinasabing mayroong light pollution ang isang lugar kapag hindi na makita ang mga bituin sa langit nang dahil sa sobrang liwanag na galing sa mga billboard, neon signs, at mga building at sasakyan.
- Thermal Pollution – Ito ang pagtaas ng temperatura nang dahil sa air pollution at pagsingaw ng carbon gasses na nagdudulot ng sobrang init sa mundo.
- Radioactive Pollution – Isa ito sa pinakamapanganib na polusyon dahil nagiging sanhi ito ng radioactive poisoning; galing ito sa hindi wastong pagtapon ng nuclear waste at sa pagkakaroon ng tagas sa mga nuclear plant.
- Visual Pollution – Lahat ng mga bagay na masakit at nakakaapekto sa paningin ay tinuturing na visual pollution, gaya ng mga sobrang laking billboard at gusali na humaharang sa magagandang tanawin.
Lahat ng polusyon ay tinuturing masama at mapanganib sa tao at kalikasan. Ngunit ang dalawang pangunahing uri na nakakaapekto sa kalusuguang pantao sa pang-araw-araw ay ang air pollution at water pollution.
Mga Pangkaraniwang Sanhi ng Air Pollution
Karamihan sa mga sanhi ng air pollution ay may kinalaman sa produksyon ng enerhiya para sa industriya at pang araw-araw na gamit.
- Power plants – Mga pasilidad na gumagamit ng fossil fuels sa paggawa ng enerhiya at kuryenteng pang distribusyon.
- Vehicle emissions – Ito ang mga usok at substances na nanggagaling sa makina ng mga sasakyan. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga sasakyan natin ay responsable sa 10% ng ating carbon footprint, o ang kabuuang carbon dioxide na kinakalat natin sa kapaligiran sa pamamagitan ng ating mga pang araw-araw na gawain.
- Industriya – Ito ang mga factories, agricultural practices, livestock farming, at landfills na nagre-release ng mga pollutants sa atmosphere gaya ng nitrous oxide, hydroflourocarbons, at methane.
- Deforestation – Dahil ang mga puno at halaman ay humihigop ng carbon dioxide, ang pagkasira ng mga gubat ay nagdudulot ng sobrang carbon dioxide sa atmosphere na hinihinga ng mga tao at hayop.
- Open burning o Pagsisiga – Ang pagsusunog ng mga dahon at basura kung saan nakakawala sa hangin ang mga particulate matter na nakakapasok sa katawan ng mga tao at hayop.
- Smoking – Ang usok ng tobacco at sigarilyo ay naglalaman ng 40 carcinogens o mga sangkap na nagdudulot ng cancer. Kahit ang mga hindi naninigarilyo ay apektado din kapag nai-inhale nila ito.
- Natural processes – Ang mga natural events katulad ng pagputok ng bulkan o mga buhawi ay nagdadala ng dumi at basura sa himpapawid. Pati ang pagguho ng mga bato at lupa ay nagpapalaya ng mga toxins sa hangin na maaaring maging sanhi ng lung cancer.
Effects of Air Pollution to Human Health
Ang harmful effects of air pollution ay nakikita sa maraming uri ng sakit. Ang unang naiirita ay ang mata, ilong, at lalamunan. Nagdudulot din ito ng mga karamdaman simula sa simpleng sakit ng ulo at pagkahilo, panghihina ng katawan, hanggang sa mas seryosong mga sakit sa baga at puso. Ang mga madaling naaapektuhan ng harmful effects na ito ay ang mga taong mahihina ang puso at baga, mga buntis, mga nagtatrabaho sa labas, mga matatanda, at pati na rin ang mga maliliit na bata.
Ang mga kilalang diseases caused by air pollution ay ang mga sumusunod:
- Respiratory at lung diseases, katulad ng asthma, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), apektadong lung function, pulmonary cancer, at pneumonia
- Leukemia – Isang uri ng blood cancer na dulot ng pag-inhale ng benzene vapors
- Birth defects at immune system defects
- Cardiovascular problems, heart disease, at stroke
- Neurological disorders na dulot ng air toxins katulad ng mercury
- Liver cancer
- Maagang pagkamatay
- Eye problems – Dahil sensitibo ang ating mga mata, madali itong maapektuhan ng mga pollutants. Ang mga problemang madalas na dulot nito at ang dry eye syndrome, kung saan nanunuyo ang mata dahil sa kakulangan ng luha; at ang chemical conjunctivitis, ang pamamaga ng conjunctiva o ang manipis na layer na tumatakip sa mata.
Effects of Water Pollution on Human Health
Image by Pixabay
Ang water pollution effects on humans naman ay sanhi ng pag-inom ng contaminated na tubig. Maaaring ma-contaminate ang tubig kapag ito ay nahaluan ng kemikal na galing sa mga pabrika, basura na tinatapon sa mga ilog at dagat; untreated raw sewage na lumalabas mula sa mga tahanan at pabrika; tumatagas na oil na galing sa mga barko; at acid rain o ulan na nahaluan na ng acid at kemikal. Bagama’t mayroong mga water treatment facilities ang ating bansa, nakakapasok pa rin ang ilang contaminants sa tubig.
Bukod sa tubig na iniinom, naapektuhan din ng water pollution ang lamang-dagat na kinakain natin sa pang-araw-araw. Sa sobrang dami na ng plastic at microplastics na tinatambak sa mga dagat, nakakain na ito ng mga isda, na siyang kinakain naman ng mga tao.
Isa pang mapanganib na effects of water pollution on human health ay ang pagdulot nito ng toxic algae sa dagat na nagiging sanhi ng red tide.
Maraming sakit ang dulot ng water pollution. Ito ang mga pinakakilala sa kanila:
- Mga nakakahawang sakit
- Typhoid
- Giardiasis
- Amoebiasis
- Ascariasis
- Hookworm
- Mga mula sa pag-inom ng contaminated water
- Gastroenteritis
- Diarrhea
- Encephalitis
- Stomach ache / cramps
- Pagsusuka
- Hepatitis
- Respiratory infections
- Mga mula sa pagkakaroon ng kemikal at pesticides sa tubig
- Liver damage
- Cancer
- Kidney damage
- Neurological problems
- Reproductive at endocrine system damages
- Thyroid system disorders
- Mula sa pagdami ng lamok na galing sa maduming tubig
- Mga mula sa pagligo sa maduming tubig
- Pagpapantal
- Sakit sa tenga
- Conjunctivitis o sore eyes
Mga Maaaring Gawin upang Mabawasan ang Polusyon
Image by Pixabay
Bagama’t laganap na ang polusyon, mayroon pa rin tayong magagawa upang mabawasan ito:
- Bawasan o iwasan ang paggamit ng plastic.
- Mag-recycle ng mga gamit sa halip na itapon.
- Bawasan ang paggamit ng mga cleaning products na puno ng kemikal.
- Huwag mag-flush ng mga gamot at toxic substances sa kasilyas dahil lalabas ang mga ito sa karagatan. Kasama dito ang disposable diapers, napkins, tampons, at wet wipes.
- Gumamit ng cloth diapers at pasador sa halip ng disposable diapers at sanitary pads.
- Ugaliing mag-segregate ng basura, o ang paghihiwalay ng mga nabubulok sa di-nabubulok na basura.
- Siguraduhing well-maintained ang inyong sasakyan. Kasama dito ang regular na pagpalit ng oil at filters.
- Kung maaari, makipag-carpool upang mabawasan ang paggamit ng sasakyan at gas.
- Huwag mag-siga sa bakuran.
- Bawasan o tumigil sa paninigarilyo.
- Huwag mag-litter o magtapon ng basura sa daan. Pulutin ang makikitang kalat at itapon sa pinakamalapit na basurahan.
- Patayin ang mga ilaw at appliances kapag walang gumamit.
- Palitan ang mga bumbilya sa bahay ng energy-efficient light bulbs.
Mahalaga na magkasundo ang lahat sa pagbabawas ng polusyon sa ating mga siyudad at paligid. Sumali sa “zero-waste” efforts ng inyong komunidad, kung saan maaari tayong matuto kung paano makakabawas ng basura at polusyon sa ating sariling mga pamamahay. Ang kinabukasan at kalusugan ng bawat isa sa atin ay ang nakasalalay dito. Hindi man ito madaling gawin sa simula, tayong lahat din naman ang makikinabang dito at ang mga susunod na henerasyon.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/expert-answers/air-pollution-and-exercise/faq-20058563
https://www.webmd.com/lung/features/outdoor-pollution-and-lung-function-effects#1
https://www.webmd.com/lung/news/20171020/pollution-tied-to-9-million-deaths-worldwide#2
https://www.epa.gov/nutrientpollution/effects-human-health
https://web.archive.org/web/20060427214119/http://www.cleanairnet.org/caiasia/1412/article-59870.html
http://getrealphilippines.com/legacy/3-00_Makati/pollution.html
https://www.nrdc.org/stories/air-pollution-everything-you-need-know#sec1
https://www.livestrong.com/article/176670-diseases-caused-by-air-pollution/
https://www.environmentalpollutioncenters.org/air/diseases/
https://www.environmentalpollutioncenters.org/water/diseases/