Pneumonia Ngayong Tag-Init | RiteMED

Pneumonia Ngayong Tag-Init

April 30, 2017

Pneumonia Ngayong Tag-Init

 

Ngayong tag-init, isa sa mga usong sakit ay ang ubo. Alam niyo bang karaniwang nag-uumpisa ang pulmonya sa simpleng kaso ng ubo o trangkaso?

Ano ang Pulmonya?

Ayon sa World Health Organization, dalawang milyong bata na limang taong gulang pababa ang pinapatay taun-taon sa buong mundo ng pneumonia. Sa Pilipinas, 16% ng mga bata ang namatay dahil sa naturang sakit. Ito di umano ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang isang taong gulang pababa ayon sa Department of Health.

Ang pneumonia o pulmonya, ay isang matinding impeksiyon sa baga kung saan ang baga ay namamaga dahil sa bacteria, virus o fungus. Mataas ang tsansang magkaroon ng pulmonya ang mga taong mahina ang immune system gaya ng mga sanggol, matatanda at mga taong kakagaling lang o kasalukayang na-stroke.  

Ang pulmonya ay karaniwang naikakabit sa malamig na panahon. Ngunit dahil isa sa mga sanhi nito ay virus, maaari pa ding dumapo ito kahit na tag-init.

 

Paano Nakukuha ang Pulmonya?

Ang pulmonyang galing sa virus ay maaaring makuha mula sa paglanghap ng hangin na may virus. Ang hangin na ito ay siya namang nagmula sa taong may sakit na pulmonya. Kung bacteria naman ang may sanhi, ito’y karaniwang galing sa mga bacteria na nasa lalamunan na nasisinghot at napupunta sa mga baga. Ang immune system ay lumalaban sa mga virus at bacteria na ito para hindi tumuloy sa pagiging pulmonya, ngunit kung mahina ang immune system, mas malaki ang posibilidad na ito’y maging pulmonya. Ang taong may bacterial pneumonia ay mas malala ang sakit kaysa sa mga taong may viral pneumonia. Ang bacterial pneumonia ay kadalasang nangangailangan ng hospitalization at antibiotics.
 

Paano Maiiwasan ang Pulmonya?

 

  1. Bakuna

undefined

Mayroong bakuna laban sa pulmonya at trangkaso para sa mga mga bata at matatanda. Ang pneumonia vaccine ay binibigay kada 5 taon, at ang flu vaccine ay binibigay kada taon. Nagbibigay ang Department of Health ng libreng anti-pneumonia vaccines para sa mga bata. Mayroon namang diskwentong ibinibigay ang PhilHealth para sa mga taong 50 gulang pataas.

undefined

 

  1. Tamang pangangalaga sa katawan.

Importanteng magkaroon ng malakas na pangangatawan para makaiwas sa pulmonya. Laging maghugas ng kamay lalo na kung galing sa mataong lugar. Iwasan ang paninigarilyo dahil naaapektuhan nito ang ang pang depensa ng baga laban sa mga impeksyon. Matulog nang maayos, mag ehersisyo at kumain ng tama para lumakas ang immune system. Mainam ding umiwas sa mga taong may sakit para hindi mahawa.
 

  1. Early detection

Mahirap i-diagnose ang pulmonya dahil ang mga sintomas nito ay karaniwang nakikita sa mga taong may ubo o trangkaso. Mahalagang magpatingin agad sa doktor para malaman kung ito ba ay pulmonya o simpleng kaso lang ng ubo. Karaniwang tinatanong ng doktor ng medical history ng pasyente. Pinapakinggan din ng doktor ang baga. May ilang tests din na ginagawa sa pasyente para malaman kung sila nga ba ay may pulmonya. Ilan sa mga tests na ito ay ang sputum test, chest x-ray at blood test.
 

  1. Bitamina

Kailangang may malakas na immune system ng isang tao para matalo nito ang mga bacteria at virus na pumapasok sa katawan. Magandang uminom ng Vitamin C at Zinc para lalong lumakas ang resistensya.  

Sources:

  • http://www.dwiz882am.com/index.php/who-2-milyon-bata-namamatay-kada-taon-dahil-sa-pneumonia/
  • http://www.gmanetwork.com/news/story/320158/publicaffairs/pinoymd/budget-ulam-at-solusyon-sa-pneumonia-tampok-sa-pinoy-md
  • https://www.facebook.com/ABSCBNsalamatdok/posts/767637359958741
  • http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-as-pulmonya-o-pneumonia/
  • http://www.philstar.com/punto-mo/2013/12/21/1270640/iba-ang-sintoma-ng-pulmonya-sa-sanggol-matatanda
  • http://kalusugan.ph/ano-ang-gamot-sa-pulmonya-o-pneumonia/
  • http://www.livescience.com/56063-hillary-clinton-pneumonia-late-summer.html
  • https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/videos/924890637522189/
  • http://www.philstar.com/bansa/2013/07/18/981541/anti-pneumonia-vaccine-sa-mga-sanggol-libre-na
  • http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pneumonia/manage/ptc-20204746
  • https://www.nhlbi.nih.gov/health/health-topics/topics/pnu/diagnosis
  • http://www.nationalnutrition.ca/HEALTHCONCERNS_PNEUMONIA.aspx


What do you think of this article?