Paglalakad: Simpleng Ehersisyo na Maraming Benepisyo
June 15, 2023
Ang paglalakad ay hindi lang nagbibigay ng mga benepisyo sa pisikal na katawan kundi pati na rin sa ating mental health. Ang paglalakad ay isa sa pinakasikat at pinakasimpleng uri ng ehersisyo na maaari nating gawin. Ito ay madaling isagawa at hindi natin kailangan gumastos ng malaking halaga para rito. Hindi rin kailangan ng espesyal na kasanayan. Kahit saan at kahit kailan natin gustuhin, maaari tayong maglakad.
Narito ang ilang mga benepisyo ng paglalakad:
- Nilalabanan nito ang epekto ng mga genes ng obesity.
https://www.shutterstock.com/image-photo/fat-women-senior-woman-legs-walking-1289431078
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard University, sinuri nila ang mga gene na may kaugnayan sa pagiging obese sa higit sa 12,000 katao. Natuklasan nila na ang mga kalahok na regular na nagsasagawa ng brisk walking ng isang oras bawat araw ay nakaranas ng 50% na pagbawas sa epekto ng mga gene na nagiging sanhi ng obesity. Ang ibig sabihin nito, kahit na mayroon tayong mga gene na nagpapataas ng predisposition sa obesity, ang regular na paglalakad ay may kakayahang mabawasan ang epekto nito. 1
- Ang paglalakad ay nakababawas ng risk ng sakit sa puso at stroke.
https://www.shutterstock.com/image-photo/senior-male-asian-suffering-bad-pain-1222612069
Sa pamamagitan ng paglalakad ng hindi bababa sa 30 minuto kada araw, maaaring mabawasan ng 35% ang risk ng sakit sa puso at stroke, at 40% na risk ng Type 2 diabetes. 2, 3
- Binabawasan nito ang ating sweet cravings
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-teenager-girl-refuses-eat-cheese-2172436391
Batay sa pag-aaral sa University of Exeter, ang paglalakad ng 15 minuto ay maaaring makatulong upang mabawasan ang craving sa tsokolate at maging ang dami ng tsokolate na kinakain sa mga pagkakataong mataas ang level ng stress. Ang paglalakad din ay makakatulong upang mabawasan ang craving sa matatamis na pagkain tuwing merienda. 1
- Binabawasan nito ang risk ng pagkakaroon ng breast cancer
https://www.shutterstock.com/image-photo/doctor-woman-examining-her-patient-breast-1182477013
Batay sa isang pag-aaral ng American Cancer Society, natuklasan na ang mga kababaihang naglalakad ng pito o higit pang oras sa isang linggo ay may 14% na mas mababang risk ng breast cancer kumpara sa mga kababaihang naglalakad ng tatlong oras o mas mababa pa kada linggo. 1
- Pinapagaan nito ang sakit sa mga kasukasuan o joint pains
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-senior-woman-having-joint-pain-2126809688
Maraming pag-aaral ang nakatuklas na ang paglalakad ay nakababawas ng sakit dulot ng arthritis, at ang paglalakad ng 5-6 na milya kada linggo ay maaari pang makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng arthritis. Ang paglalakad ay makakatulong upang protektahan ang kasukasuan, lalo na ang mga tuhod at bewang na madalas maapektuhan ng osteoarthritis, sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kalamnan na sumusuporta sa mga ito. 1
- Pinalalakas nito ang immune system 1
Ang paglalakad ay maaaring isang epektibong paraan upang maiwasan ang pagkakasakit tulad ng trangkaso. Ayon sa isang pag-aaral na may higit sa 1,000 na mga kalahok, natuklasan na ang mga taong naglalakad ng hindi bababa sa 20 minuto sa isang raw, limang beses sa isang linggo, ay mayroong 43% na mas kaunting araw ng pagkakasakit kumpara sa mga taong nag-eexercise lamang isang beses sa isang linggo. Bilang karagdagan, ang mga indibidwal na ito ay nagkakasakit sa mas maikling panahon at ang mga sintomas na kanilang nararanasan ay banayad lamang.
- Ito ay nagpapabuti sa overall mood
https://www.shutterstock.com/image-photo/senior-woman-have-happiness-by-excercise-1105421012
Ang paglalakad ay kilala bilang isang natural na paraan upang mapabuti ang mood at kalagayan ng pag-iisip. Ito ay makakatulong upang magrelease ng kemikal sa utak tulad ng endorphins na nagbibigay ng positibong pakiramdam at nakakabawas ng stress at kalungkutan. Ang regular na paglalakad ay makakatulong upang mabawasan ang depression at anxiety. 3,4
- Ito ay nagpapatalas ng memorya
https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-asian-senior-elderly-male-spend-1971130970
Ayon sa mga pag-aaral, ang regular na paglalakad ay mayroong epekto sa pagpapabuti ng alaala at pag-iisip. Ito ay nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak na nagbibigay ng sapat na supply ng oxygen at nutrients sa mga brain cells. Bukod pa rito, ang paglalakad ay maaaring magpatalas sa focus at concentration na makakatulong upang maiwasan ang pagiging makakalimutin.5
- Ito ay nagpapabuti sa kalidad ng pagtulog
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-man-sleeping-having-good-dreams-1931308082
Ang regular na paglalakad ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa kalidad ng pagtulog. Sa pamamagitan ng paggawa ng 30 minuto na paglalakad sa umaga or 1-2 oras bago matulog, ito ay makakatulong upang makatulog ng mahimbing sa gabi. 3,4,6
- Ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa self-reflection at mindfulness
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-woman-exercising-park-2095814176
Ang paglalakad ay nagbibigay sa iyo ng oras upang makapag-isip. Sa paglalakad, maaari mong pagtuunan ng pansin ang iyong mga iniisip at mga emosyon. Ito ay isang magandang pagkakataon upang maging kalmado, at magkaroon ng self-reflection. 7
Magsimula muna sa simpleng sampung minuto ng paglalakad araw-araw, hindi dapat balewalain ang halaga nito. Habang nagpapatuloy sa paglalakad, maaari itong unti-unting dagdagan. Ang paglalakad ay may malaking potensyal na makapagbigay ng maraming benepisyo sa ating pisikal at mental na kalusugan. Mula sa pagpapabuti ng kondisyon ng katawan, puso at pag-iisip, hanggang sa pagkakaroon ng mas malusog na timbang, ang paglalakad ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa ating buhay. Ang paglalakad ay isang simpleng pagsisimula ng pangangalaga sa sarili. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na bigyang halaga ang ating pisikal at mental na kalusugan, sama-sama tayong maglakad tungo sa malusog na pangangatawan.
References:
(1) Harvard University. (2020, October 13). 5 surprising benefits of walking. Harvard Health. https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/5-surprising-benefits-of-walking#:~:text=Walking%20protects%20the%20joints%20%E2%80%94%20especially
(2) Heart Foundation. (n.d.). Benefits of walking | Heart Foundation Walking. Walking.heartfoundation.org.au. https://walking.heartfoundation.org.au/benefits-of-walking#:~:text=Walking%20for%20an%20average%20of
(3) An, N., & Chuo, J. (2022). Walking and Activeness: The First Step toward the Prevention of Strokes and Mental Illness. Computational Intelligence and Neuroscience, 2022, 1–7. https://doi.org/10.1155/2022/3440437
(4) Stanners, M. (2021, September 20). Benefits of Walking: Reasons Why Walking Is So Good For Your Mental Health. Step One. https://www.steponecharity.co.uk/benefits-walking-mental-health#:~:text=Walking%20reduced%20stress%20and%20anxiety
(5) Castel, A. (2014, January 9). 7,000 Simple Steps to a Better Memory: Take a Walk | Psychology Today. Www.psychologytoday.com. https://www.psychologytoday.com/us/blog/metacognition-and-the-mind/201401/7000-simple-steps-better-memory-take-walk
(6) Brennan, D. (2021, October 25). Mental Benefits of Walking. WebMD. https://www.webmd.com/fitness-exercise/mental-benefits-of-walking
(7) Why getting outside for a walk in the cold is worth the effort. (2021, February 3). TODAY.com. https://www.today.com/health/physical-mental-benefits-walking-t207904