Pag-aalaga sa Kalusugan: Mga Gabay sa Pagkain para sa mga Mayroong Hika

August 15, 2023

Ang hika o asthma ay isang karaniwang kondisyon sa Pilipinas na nakakaapekto sa libu-libong mamamayan. Ayon sa World Health Organization (WHO), 12% ng populasyon ng Pilipinas ay may hika. Dagdag pa rito, ayon sa Global Asthma Report, humigit-kumulang 11 milyon o isa sa bawat 10 Pilipino ang nagdurusa sa hika, ngunit 98% ng mga pasyenteng may hika sa Pilipinas ay patuloy na nagkukulang sa tamang pangangalaga.

 

Ano ang Hika?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-mother-teaching-her-daughter-use-1450890092

Ito ay isang paulit-ulit na sakit na sanhi ng pamamaga sa mga daanan ng hangin sa paghinga, na nagiging sanhi ng pabagu-bagong daloy ng paghinga. Sa isang pag-atake ng hika, ang mga daanan ng hangin ay namamaga, at ang paligid ng mga daanan ng hangin ay sumisikip. Nababawasan ang daloy ng hangin patungo sa baga at nagiging sanhi ng hirap sa paghinga. Ang hika ay kalimitang dulot ng mga genes o namamamana ngunit maaring dahil rin sa stress, pagbabago ng temperatura, kapaligiran, alikabok, polen, amag, kemikal sa hangin o sa pagkain, usok ng tabako, ehersisyo, hayop at impeksiyong dulot ng virus. (1)

 

Ang Mahalagang Kaugnayan ng Diet at Hika

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/happy-asian-woman-vegetarian-healthy-eating-1926734096

Ang healthy diet ay may mahalagang bahagi sa paggamot ng hika. Katulad ng regular na ehersisyo, ang balanced diet ay mabuti para sa lahat. Kasama na rito ang mga taong may hika. Ang labis na timbang ay may kaugnayan sa paglubha ng hika, kaya't mahalaga na panatilihin ang tamang timbang. (2)

 

Mga Pagkain na Dapat Kainin

May ilang mga sustansiyang maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong may hika, kabilang dito ang:

  • Vitamin D
  • Vitamin C
  • Vitamin E
  • Beta Carotene
  • Mga antioxidant, tulad ng Selenium at Flavonoids
  • Whole wheat

 

Vitamin D

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/foods-rich-vitamin-d-top-view-465164366

Ayon sa mga pag-aaral ang mababang antas ng Vitamin D ay may kaugnayan sa mas mataas na panganib ng mga pag-atake ng hika sa mga bata at matatanda. Ito rin ay nagpapakita na ang pag-inom ng Vitamin D araw-araw ay malaki ang naitutulong sa pagbawas ng panganib ng pagkaka-admit sa ospital dahil sa malubhang pag-atake ng hika. Ang Vitamin D ay maaaring makatulong rin sa kalusugan ng baga at makabawas ng mga sakit na nagdudulot ng karaniwang sipon.

Ilan sa mga magagandang pinagmumulan ng Vitamin D mula sa pagkain ay:

  • salmon, tulingan, at mackerel
  • Kabute
  • Pula ng itlog
  • Keso
  • Atay

 

Sariwang mga prutas at gulay

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-woman-kitchen-holding-grocery-1231196128

Ang pagkakaroon ng malusog at balanseng pagkain na mayaman sa mga prutas at gulay ay maaaring makabawas sa panganib ng pagkakaroon ng hika. Ilang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang madalas na pagkain ng prutas at gulay ay nagpapababa ng panganib ng pagkakaroon ng hika sa mga matatanda at bata.

Bukod dito, ang isang pagsusuri noong 2017 sa higit sa 80 na mga pag-aaral ay nakakakita ng ugnayan sa pagkain ng maraming prutas at gulay at pagkabawas sa sintomas ng hika, tulad ng pag-ubo.

Ang mga sariwang prutas at gulay ay mayaman sa mga antioxidant, Vitamin C, Vitamin E, at beta carotene. Ito ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng baga at kontrolin ang mga sintomas ng hika.

Ilan sa mga pinagmumulan ng Vitamin C ay:

  • Oranges
  • Kiwi
  • Strawberries
  • Cantaloupe/Melon
  • Red and Green bell peppers
  • Broccoli
  • Patatas
  • Kamatis

 

Ilan sa mga magagandang pinagmumulan ng Vitamin E ay:

  • Almonds
  • Sunflower seeds
  • Broccoli
  • Cereal sa almusal

 

Ilan sa mga pagkain na mayaman sa Beta carotene:

  • Carrots
  • Kamote
  • Kalabasa
  • Green leafy vegetables tulas ng spinach

 

Ang mga prutas at gulay ay naglalaman rin ng mga antioxidant na tinatawag na flavonoids at selenium. Maraming uri ng prutas ang may flavonoids, kasama na rito ang:

  • Mansanas
  • Mga berries
  • Ubas
  • Ang mga tsaa tulad ng black at green tea ay naglalaman din ng flavonoids.

 

Ilan sa mga pagkain na may selenium ay:

  • Mga isda
  • Karne
  • Manok
  • Itlog
  • Mga produktong gatas
  • Tinapay
  • Mga cereal

 

Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Ayon sa American Lung Association (ALA) may ilang mga pangunahing pagkain, inumin, at iba pang sangkap na dapat iwasan dahil maaaring mapalubha nito ang mga sintomas ng hika.

Ilang halimbawa nito ay:

  • Sulfites
  • Salicylates
  • Mga allergen, na maaaring mag-iba-iba sa bawat indibidwal
  • Fast food, na kadalasang highly processed

 

Mga Pagkain na Naglalaman ng Sulfites

Ang sulfites ay isang uri ng preservative na karaniwang makikita sa mga inumin at pagkaing naka-preserve, tulad ng alak, mga pickled na pagkain, naka-bote na katas ng lemon at lime, at mga tuyong prutas.

Maaaring mapansin ng mga taong may hika na nagiging mas malala ang kanilang mga sintomas kapag mataas ang lebel ng sulfites sa kanilang. mga kinakain. Babala ng ALA na ang mga pagkain na naglalaman ng sulfites, lalo na ang alak, ay maaaring mag-trigger ng asthma episode.

 

Salicylates

Ang salicylates ay mga sangkap na matatagpuan sa mga tsaa, kape, maanghang na pagkain, at mga pagkaing may halong mga halaman. Bagamat ito ay bihirang mangyari, may ilang mga taong may hika na sensitibo sa mga sangkap na ito at mas malamang na ma-trigger ang hika pag nakakain nito.

 

Fast food

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/fast-food-unhealthy-eating-concept-close-1358081543

Isang pag-aaral noong 2013 na nagmasid sa pagkain ng fast food sa mga bata at mga kabataan ay natuklasan na ang mga kumakain nito ng tatlong beses isang linggo o higit pa ay mas malamang na magka-severe na hika at iba pang mga kundisyon sa kalusugan. (3)

Ang isang diet na mayaman sa mga prutas at gulay at may kakulangan sa mga heavily processed, mataba, at pritong pagkain ay makakatulong sa isang tao na pamahalaan ang kanyang mga sintomas ng hika. Ang pagtala sa mga sanhi at mga sintomas at ang pakikipagtulungan sa isang doktor ay makakatulong sa mga taong may hika na mas epektibong kontrolin ang kanilang kalagayan. Marapat na makipag-usap muna sa iyong doctor bago simulan ang panibagong diet o baguhin  ang mga nakagawian ng kainin.

 

References:

  1. Rizal Medical Center. (2017). Health Corner. Rmc.doh.gov.ph. https://rmc.doh.gov.ph/patientscorner/health-corner#:~:text=According%20to%20the%20World%20Health
  2. Nayana Ambardekar. (2022, August). Asthma and Diet. WebMD. https://www.webmd.com/asthma/asthma-diet-what-you-should-know
  3. Lewsley, J. (2020, October 28). Asthma and diet: What to eat and avoid. Www.medicalnewstoday.com. https://www.medicalnewstoday.com/articles/asthma-diet#triggers