Tamang Pagkain Para Kay Tatay
August 26, 2020
Ang pagiging isang ama ay may kalakip na malaking responsibilidad araw-araw, lalo na kung siya pa kumakayod para sa pamilya. Nangangahulugan itong hati ang kanilang oras sa pamilya at trabaho, at nawawalan na ng oras sa pag-aalaga sa sarili. Bilang haligi ng tahanan, nararapat na kumain ng malusog at natural na mga pagkain upang maging malakas sa lahat ng hamon at responsibilidad dito.
Gayunman, mahirap humanap ng oras sa paghahanap ng mga tama at healthy food recipes. Pero hindi naman nangangailangan na baguhin ang nakasanayan. Maaari mo lamang gawing mas masustansya ang iyong mga karaniwang kinakain.
Kung ikaw ay isang full-time na empleyado, hindi maiiwasan na mawalan ng oras para sa iyong asawa at mga anak. Hindi ka naman masisisi dahil mayroon kang responsibilidad sa iyong trabaho. Subalit, mayroon paraan upang mabigyan sila ng sapat na oras at mabalanse rin ang oras para sa trabaho. Isang pamamaraan dito ay ang magandang pamamahala ng oras o time manangement.
Kung hindi ka pa rin sigurado kung papaano ito gagawin, alamin ang mga tips sa pagkain ng masustansya kahit na ikaw ay abala sa trabaho at pag-alaga ng pamilya.
Importansya ng masustansyang pagkain
Masarap man ang nakasanayang pritong manok at softdrinks noong iyong kabataan pa, hindi na ito angkop kung ikaw ay isang ama na. Anuman ang edad ng isang ama ay nararapat nang maging mabuting halimbawa ka sa pagkain nang tama para sa iyong mga anak.
Sa oras ng pakikipag-bonding sa pamilya, nararapat na mayroong sapat na lakas at enerhiya para sa kanila. Kung kaya, mahalaga ang pagluluto ng masustansyang pagkain hindi lamang para sa iyo kundi sa buong pamilya.
Sa halip na araw-araw maghanap ng easy food recipes o mag-isip ng ihahandang pagkain, maaaring makatipid sa oras kung gumawa ng meal plan para sa buong lingo. Sa ganitong paraan, mapapadali ang pagbili ng mga sangkap at mapaghahandaan din kung paano ito gagawing masarap at masustansya. Gumawa ng listahan ng mga food recipes for lunch, dinner at breakfast upang magkaroon na rin ng talaan ng inyong pagkain.
Umpisahan ang araw ng may masustansyang almusal
Totoo ang kasabihan na almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw, at totoo rin ito pati sa mga ama. Gayunman, mas importante ito para sa kanila dahil hinahanda nila ito hindi lamang para sa sarili, kundi para sa buong pamilya. Kung kaya, mahalaga na pag-isipan at paghandaan ang ihahaing agahan na may siguradong nakalulusog ng katawan.
Hindi kinakailangan na laging magarbo ang agahan. Importante lamang na alam ng isang tatay kung anu-ano ang nais kainin ng mga anak at ng asawa, at gawin itong espesyal sa pamamagitan ng paggamit ng masustansyang mga sangkap.
Maaaring gumawa lamang ng ceral, oatmeal o ano pa man, basta ay ito puno ng nutrisyon. Subukan din ang scrambled na itlog, fruit salad, healthy sandwich. Puwede ring gumawa ng juice na mula sa mga sariwang prutas. Alalahanin na dapat ito ay madaling ihanda sa umaga upang walang mahuhuli sa pamilya.
Sa huli, nararapat lamang alalahanin na gawing masustansya ang bawat pagkain araw-araw sa buong linggo. Paghandaan ito sa pamamagitan ng mga masasarap at masustansyang meal plan, kasabay ng pag-inom ng mga supplements na nakakapagpalakas resistensiya.
Mahirap man pagsabayin ang pagiging ama at pagtatrabaho, kinakailangang maging malakas at madiskarte para sa mga mahal sa buhay. Para magawa ito, alagaan ang sarili, kumain ng tama at siguraduhing maging aktibo.
Source:
https://www.daddilife.com/how-to-eat-healthier-if-youre-a-busy-working-dad/