Quiz: Gaano Ka Ka-healthy?

January 16, 2017

 

 

Malaking bahagi ang ating mga kinakain at ehersisyo sa ating kalusugan. May mga pagkain na nagdudulot ng karamdaman kapag labis ang konsumo sa mga ito, gayun din ang pagkain ng hindi wastong dami ng meals sa isang araw. Ang kakulangan naman sa ehersisyo ay maaaring magtulay sa pagtaas ng BP o maging sanhi ng panghihina at hindi pagkakaroon ng matibay na buto at malakas na resistensya.

 

Maaaring matukoy kung mayroon kang malakas na katawan base sa iyong eating at fitness habits. Gumawa kami health check list upang iyong masukat ang iyong healthiness level at makita ang mga larangan na maaari mong pabutihin para ikaw ay maging mas healthy.

 

Simulan natin!

 

1.      Ano ang madalas mong kinakain tuwing almusal?

 

a.       Tapsilog

b.      2 pandesal na may palamang mantekilya

c.       Oatmeal at prutas

d.      Tuyo at puting kanin

 

2.      Ilang beses ka kumakain sa isang araw?

 

a.       Tatlo – almusal, tanghalian, at hapunan

b.      Isang mabigat na meal

c.       Lima o anim na maliit na meal

d.      Dalawa – brunch at dinner

 

3.      Ano ang pinakamadalas mong kinakain sa loob ng isang linggo?

 

a.       Lechon kawali, bistek, o adobong baboy

b.      Sinigang na isda

c.       Gulay at prutas

d.      Fried chicken na may balat

 

undefined

 

 

4.      Gaano ka kadalas mag-ehersisyo sa isang linggo?

 

a.       Araw-araw

b.      Wala, ayokong mag-ehersisyo

c.       3

d.      1

 

5.      Gaano katagal ang iyong kabuuang pag-eehersisyo sa isang linggo?

 

a.       2 oras

b.      30 minutes

c.       3 oras o higit pa

d.      Ayokong mag-ehersisyo

 

undefined

 

6.      Gaano karami ang iyong kinakain pagkatapos ng 6pm (hapunan)?

 

a.       Isang cup ng kanin at isang ulam na karne

b.      Dalawang cup ng kanin (o higit pa) at dalawang ulam na karne (o higit pa)

c.       Isang cup ng kanin, gulay, at isda

d.      Hindi ako kumakain after 6

 

7.      Ano ang pinakamadalas mong iniinom na kape?

 

a.       Mocha frappe na may whipped cream

b.      Black coffee, walang asukal at creamer

c.       Kape na may asukal at creamer

d.      Black coffee, pero tatlong beses sa isang araw

 

8.      Gaano ka kadalas uminom ng alak?

 

a.       Gabi-gabi

b.      Tatlong beses o higit pa sa isang linggo

c.       Isang beses sa isang linggo

d.      Hindi ako umiinom ng alak

 

9.      Ano ang ginagawa mo pagkatapos kumain?

 

a.       Nanonood ng TV habang kumakain ng chichirya

b.      Natutulog

c.       Nagpapahinga nang sandali tapos kaunting papawis

d.      Mag-eherisyo nang matindi

 

10.  Karaniwan, gaano ka katagal matulog?

 

a.       4 na oras o mababa pa

b.      7 - 8 na oras

c.       

-->