Pinakamabuting mga Pagkain para sa mga Tatay

August 26, 2020

Anumang edad ng tao ay maaari pa ring mag-diyeta. Kadalasan na nawawala na sa sistema ng ating mga ama ang pag-alaga sa kanilang katawan dahil sa pagiging haligi ng tahanan. Para sa mga tatay na nais baguhin ang kanilang nakagawian sa pagkain, hindi pa huli ang lahat.


Sa tuwing naririnig natin ang isang tao na nagsasabi na sila ay nagdidiyeta, kadalasan nating iniisip na malaking pagbabago ang kailangan upang magtagumpay dito. Gayunman, ang pagpapabuti ng kalusugan ay nangangailangan lamang ng isa-isa at maliliit na pagbabago sa ating lifestyle.

Narito ang ilang mga pagkain na na nirerekomenda na isama sa inyong mga healthy food recipes na tiyak na masustansya hindi lamang sa ama ng tahanan kundi para sa buong pamilya:

Protina

Umpisahan natin sa protina. Ang macronutrient na ito ay isang paraan sa pagbuo at pagpanatili ng muscle. Bawat araw, nire-recycle ng katawan ang sarili nitong protina upang masuportahan ang kalusugan at resistensya ng mga selula, maisaayos ang connective na mga tisyu, at mabuo ang skeletal muscle.

Ang mga taong lagpas 40 taong gulang ay nawawalan ng 8% ng lean na muscle bawat sampung taon. Kaya importante na kumain ng sapat na protina araw araw upang masuportahan ang kalusugan.

Isang madaling tip ay hatiin sa limang meal sa isang araw ang protina. Kumain ng 30-50 na gramo ng protina bawat kain para mabigyan ng katawan ng sapat na oras upang matunaw ito. Ito ang mga pagkain na mayaman sa protina na maganda isama sa inyong diyeta:

  • Itlog
  • Lean Meats at Poultry
  • Isda na maraming Fats
  • Parmesan na keso
     

Carbohydrates

Maraming tao ang nalilito kung mabuti ba o masama ang carbs sa ating katawan. Sa katunayan, mahalaga ang carbs sa katawan. Kailangan lang alamin kung anong uri ng carbs ang nararapat sa iyong katawan. Ang mga pagkain na inilista dito ay puno ng nutrisyon, masarap at nirerekomenda na isama sa inyong easy food recipes.

Kung ang iyong goal ay mawalan timbang, siguraduhin na bawasan ang pagkain ng carbohydrate at kumain ng maraming gulay at legume. Ang mga ito ay may mababang insulin response at mababa ang carbs bawat serving. Mabuti ang carbohydrate kainin matapos ang ehersisyo upang mabigyan ang mga muscle ng enerhiya para makarekober.

Ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrate ay:

  • Beans
  • Lentil

Fruits & Vegetables

Napakahalaga para sa anumang edad ang kumain ng gulay at prutas. Para sa mga ama na gustong manatili na malusog at malayo sa sakit, ito ang isa sa pinakaimportanteng uri ng pagkain na dapat kainin. Ang pagkain ng prutas at gulay ay importante dahil nagbibigay ito ng iba’t-ibang bitamina at mineral na kung tawagin ay micronutrients. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng sapat na prutas at gulay ay nakakatulong sa pag-iwas ng maraming uri ng sakit, tulad ng cardiovascular diseases at cancer. Narito ang mga gulay at prutas na dapat isama sa inyong diyeta:

  • Kamatis
  • Spinach
  • Cruciferous na gulay
  • Avocado
  • Citrus
  • Berries
  • Kamote
  • Quinoa
  • Brown rice


Fats


Halos lahat ng tao ay takot na kumain ng Fats. Karamihan pa rin ay naniniwala na nakatataba ang fats. Subalit ang totoo, malaki ang papel ng dietary fat sa kalusugan ng selula, pagkakaroon ng enerhiya at pagpapalakas ng ating mga organs. Kung kaya, masama na magkaroon ng mababang body fat.

Makukuha ang fats mula sa mga pagkain na ito:

  • Seeds
  • Olive oil
     

Inumin

Sa pagkamit ng malusog na katawan, nararapat na palitan ang mga nakagawiang diyeta ng mas maayos at mas naaayon sa katawan na lifestyle. Ang pag-inom, halimabawa, ng soft-drinks ay nararapat na bawasan dahil ito ay nakakasira sa mga organs ng katawan.

Nararapat maging matalino rin tayo sa pagpili maski ng ating iniinom. Iwasan na ang matatamis na inumin tulad ng mga de-timpla na juice at mga softdrink.Sa halip, uminom na lamang ng tubig. Uminom din ng mga tsaa, lalo na ang green tea.

Sa kabuuan, hindi naman kinakailangan na ibahin nang tuluyan ang nakagawiang mga kinakain. Mabuti lamang na i-modify ito nang aayon sa kalusugan. Maaaring subukan ito sa susunod na food recipes for lunch, dinner o breakfast para sa buong pamilya. Bukod sa pagkain ng mga prutas at gulay, ugaliin din na uminom ng mga supplements na nakakapagpalakas ng resistensiya ng katawan laban sa mga sakit.

 

Source:

https://spoonuniversity.com/lifestyle/10-surprising-foods-that-my-super-healthy-dad-eats http://www.chilldad.com/20-must-eat-foods-dads/