Bilang Padre de Pamilya, ang mga daddies ay walang pagod na nagsususumikap para sa kinabukukasan ng pamilya, kung kaya’t importante na naipapakita natin kung minsan minsan ang ating pasasalamat para sa lahat ng kanilang hard work. Isang magandang paraan para maipakita ang pasasalamat sa mga masisipag na daddies ay ang pag-handa ng mga simple home recipes na tiyak na ikakatuwa nila. Ang mga simple home recipes na ito ay maaaring ihanda para sa almusal at baon para sa tanghalian:
- Strawberry and Butter Toast
Bago pumunta sa trabaho, magandang paraan para pasalamatan ang mga daddies with a delicious breakfast para may sapat na energy para simulan ang kanyang araw. Ang strawberry and butter toast ay isang home recipe na pwede gawing bonding activity ng mga mommies with the kids. Easy to make at siguradong magugustuhan ito ng mga daddies kung mahilig sila sa sweets.
Ingredients:
Homemade strawberry jam
Butter
Whole wheat bread
Materials:
Butter knife
Toaster
Procedure:
- I-toast ang bread.
- Habang mainit pa ang bread, i-spread ang butter at strawberry jam.
- Serve it with coffee or juice, depende sa ninanais ni daddy.
- Bacon Stuffed French Toast
Ang breakfast home recipe na ito ay tiyak na papatok sa mga kids and kay daddy. Ang tamis mula sa french toast ay magandang kahambing sa salty taste na nakukuha sa bacon, kaya siguradong magandang pampagising ito in the morning.
Ingredients:
4 ounces cream cheese, softened
1/3 cup packed brown sugar
8 slices white bread, preferably stale
8 slices bacon, cooked
4 eggs
1/2 cup milk
1 teaspoon vanilla extract
4 teaspoons butter
vegetable oil
Materials:
Bowls
Spoon
Fork
Butter knife
Spatula
Pan
Procedure:
- Sa medium bowl, i-mix ang cream cheese at brown sugar. I-spread ito sa isang side ng bread.
- Ilagay sa ginta ng dalawang bread slices ang bacon. Siguraduhin na magkaharap ang sides na mayroong cream cheese at brown sugar spread.
- Sa isang bowl, i-mix ang eggs, milk at vanilla extract.
- Lightly i-dip ang bread sa eggs and milk mixture, at siguraduhin na hindi mabasa ang bacon para hindi ito maging soggy.
- Iinitin ang pan at lagyan ito ng vegetable oil at butter. Lutuin ang French toast sa bawat side hanggang ito ay maging golden brown. Maaaring dagdagan ng butter kung kinakailangan.
- I-cut ang sandiches ing kalahati at lagyan ito ng maple syrup.
- Serve with coffee for daddy and juice para sa mga kids.
- Cilantro-Lime Chicken
Source: https://pixabay.com/en/leg-chicken-meat-baked-dinner-2815830/
Ang chicken recipe na ito ay perfect na pambaon sa mga daddies for work. Ang chicken ay rich in protein at kung ipapares ito with salad at brown rice, mayaman na ito sa dietary fiber for added nutrional value.
Ingredients:
4 tbsp. extra-virgin olive oil, magkahiwalay
Juice of 2 limes o lemons
1/4 c. chopped fresh cilantro o wansoy
pinch of crushed red pepper flakes
2 cloves garlic, minced
1/2 tsp. cumin
4 bone-in skin-on chicken thighs
Salt
Freshly ground black pepper
Brown rice at salad, for serving
Materials:
Bowls
Spoon
Fork
Butter knife
Spatula
Pan
Procedure:
- Gawin ang marinade: I-mix ang 2 tablespoons olive oil, lime o lemon juice, cilantro, red pepper flakes, garlic and cumin. Pagkatapos, ilagay ang chicken and i-mix ito ng mabuti sa marinade. Takpan ito at i-tabi sa ref ng 30 minutes.
- Lagyan ng olive oil ang pan at hintayin na uminit ito. Habang hinihintay na uminit ang olive oil, lagyan ng salt at pepper ang chicken. Pagkatapos nito, ilagay ang chicken sa pan na skin-side down. Hintayin na maging golden brown ang skin bago ito i-baliktad. Pagkabaliktad ng chicken, ibuhos ang naiwan na marinade at hintayin na maluto ang chicken.
- Serve with brown rice and salad.
- Classic Spaghetti Bolagnese
Ang pasta ay isang magandang home recipe na pwedeng gawing pambaon sa mga daddies. Maliban sa rich in protein ang recipe na ito, maaaring din itabi ang sauce at noodles para kainin o ipabaon sa susunod na araw. Maganda din na ipares ang classic spaghetti bolagnese sa cilantro-lime chicken recipe na nasa itaas, para special and rich in protein ang baon for daddy.
Indgredients:
2 Tbsp. extra-virgin olive oil
2 medium onions, finely chopped (1 1/2 cups)
2 celery stalks, finely chopped (1 cup)
2 carrots, peeled, finely chopped (3/4 cup)
500 grams of ground beef (85% lean)
3 cups (about) beef stock
3 Tbsp. tomato paste
Salt and ground black pepper
1 cup whole milk
1 lb. spaghetti noodles
Grated cheese (for serving)
Materials:
Pot
Pan
Strainer
Spatula
Tong
Procedure:
- Painitin ang oil sa pan. Kapag mainit na ito, ilagay ang onions, celery at carrots, hanggang sa medyo lumambot ito.
- Kapag malambot na ang sahog, ilagay na ang ground beef, salt and pepper. I-mix ito ng maigi para humiwa-hiwalay ang karne.
- Kapag ang beef ay medyo brown at hiwa-hiwalay na, ibuhos ang beef stock at tomato paste. Hayaan itong maluto for 20 minutes para lalong mamuo ang flavor.
- Pagkatapos ng 20 minutes, ibuhos ang milk at haluin ito hanggang sa maging malapot ito.
- Ang noodles naman ay simple lang gawin. Magpakulo ng tubig at lutuin ang noodles dito hanggang sa ito ay lumambot. I-strain at palamigin ng konti bago ito i-serve.
Paaalala: Para hindi agad masira ang spaghetti bolagnese, wag pagsamahin lahat ng noodles at sauce, para pwede itong itabi sa refrigerator.
Ang mga home recipes na ito ay ilan lamang sa mga pwede gawin para gawing espesyal ang araw ng mga hardworking daddies. Dahil sa espesyal na handa sa umaga, siguradong maganda ang simula ng kanilang araw, at dahil naman sa espesyal na pabaon para sa tanghalian, siguradong mapapawi ang kanilang pagod. Hindi kinakailangan na may okasyon para pasalamatan natin ang mga taong importante sa ating buhay, at ang pagluto ng masasarap at healthy home recipes ay isang simpleng paraan para gawin espesyal ang araw nila.
Sources:
https://www.delish.com/cooking/recipe-ideas/g2187/fathers-day-dinner-recipes/?slide=42
https://www.parenting.com/food-recipes/holiday/15-hearty-recipes-kids-can-make-dad-fathers-day?page=13
https://www.countryliving.com/food-drinks/g4356/fathers-day-breakfast-ideas/?slide=4
https://www.bonappetit.com/recipes/holidays-recipes/slideshow/fathers-day-recipes