Ang immune system ang nagsisilbing sundalo o taga-depensa ng katawan natin sa lahat ng uri na maaaring makasama sa katawan natin, tulad ng toxins, viruses, bacteria at iba pa, na nagiging sanhi ng pagkakasakit.Dahil sa dami ng nakaambang mga mikrobyo at organismo sa ating paligid, hindi malayong mahawa tayo sa iba’t ibang uri ng sakit. Konting pagpapabaya lang ay maaaring mahawa na ng sipon, ubo, trangkaso o iba pang mga pangkaraniwang sakit ng tao. Ngunit kung mananatiling malakas ang resistensya ng katawan, may posibilidad na makaiwas sa pagkakahawa sa mga ito.
Ang isa sa pinakaimportanteng cells ng immune system ay ang white blood cells. Ang white blood cells ang nag pro-produce ng antibodies na lumalaban sa mga antigens o viruses na nakukuha ng katawan sa iba’t ibang paraan gaya ng paghawak sa maruruming bagay o pagkahawa sa mga taong may sakit.
Narito ang mga pagkaing nakakalakas ng Immune System:
- Luya - Isa sa mga sikat na pampalasa ang luya na makikita sa iba’t ibang lokal na putahe gaya ng tinolang manok at escabeche. Ito rin ay mabisang antioxidant at maraming taglay na pampalakas resistensya gaya ng potassium, calcium, at manganese.
- Pakwan - Kapag hinog na ang pakwan, ito ay naglalabas ng maraming antioxidant. Isa na dito ay ang glutathione. Ito ay nakakalakas ng immune system para malabanan ang iba’t ibang impeksyon sa katawan.
- Tea - Ang pag-inom ng iba’t ibang klase ng tea gaya ng green, black, at chamomile ay hindi lamang mabisa sa immune system, ito rin ay nakapagpapaganda ng balat.
- Camote - Tulad ng carrots, ang camote ay may beta-carotene.Ito ay nakakatulong sa pagboost ng immune system at maaaring mapabuti ang aging process.
- Broccoli - Ang broccoli ay madaling mahanap sa grocery store, at ito ay isang immune-boosting basic. Makakakuha ka ng maraming nutrients na protektahan ang iyong katawan mula sa pinsala. Ito ay may bitamina A at C, at ang antioxidant glutathione. Idagdag sa anumang ulam o tuktok na may ilang mababang-taba keso upang bilisan ang isang bahagi ulam.
- Mushrooms - Ibinibigay nito ang mineral selenium at ang vitamin B, riboflavin at niacin na nakakatulong sa maraming paraan. Kung mababa ang selenium, maaaring mas madaling madapuan ng matinding trangkaso. Ang riboflavin at niacin ay may papel sa isang malusog na immune system.
- Oyster - Maraming zinc sa oyster. Ito ay may ilang kapangyarihan sa paglaban sa virus. Iyon ay dahil ang zinc ay tumutulong sa paglikha at pag-activate ng mga white blood cell na kasangkot sa immune response. Tinutulungan din nito ang immune system sa mga gawain tulad ng pagpapagaling sa mga sugat.
- Yogurt - Ang good bacteria o probiotics na nakukuha sa yogurt ay epektibong pampalakas ng resistensya. Tiyaking may mga live o active cultures (lactobacillus and bifidobacterium strains) ang bibilhing yogurt. Ugaliing isama ang yogurt sa inyong diet.
- Spinach - Ang spinach ay isang green leafy vegetable na nagtataglay ng folate na tumutulong gumawa ng new cells at mag-repair ng DNA cells ng katawan. Mayroon din itong beta-carotene, Vitamins A, C, at K na mga nutrients na mabisa para sa healthy immune system.
Mga paraan ng pagpapalakas ng immune system ng katawan
1. Kumain ng gulay at prutas - Mapalalakas nang husto ang depensa kung kakain parati ng gulay at prutas. Ang mga bitamina at mineral na makukuha sa mga pagkaing ito ang nagsisilbing gasulina sa mga cells na magpoprotekta sa katawan laban sa impeksyon.
2. Iwasan ang pag-inom ng alak - Gaya ng sigarilyo, ang madalas at sobrang pag-inom ng alak ay nakakapagpahina rin ng resistensya ng katawan.
3. Huwag manigarilyo - Dahil ang paninigarilyo ay isang hakbang na maaaring sumabotahe sa lakas ng immune system ng katawan, marapat lamang na ito ay iwasan o itigil na.
4. Regular na mag-ehersisyo - Siguraduhing nakakaehersisyo nang regular sapagakt ito ay isang mabuting paraan ng pagpapalakas sa resistensya.
5. Mag-bilad nang ilang minuto para sa karagdagang Vitamin D - Ang pagbibilad nang 15 hanggang 20 minuto sa ilalim ng araw ay makatutulong sa produksyon ng vitamin D sa ating katawan. Ang mga taong may mataas na lebel ng vitamin D ay hindi madaling makakapitan ng sakit.
Ang pamumuhay nang masigla at aktibo ang tanging paraan upang mapalakas ang depensa laban sa mga nakakahawang sakit. Ang balanced diet ay magandang simula para sa masustansyang katawan ngunit tandaan na ang sapat na pagtulog, pag-iwas sa bisyo, at regular na ehersisyo ay nararapat ding gawin upang lalong mapalakas ang resistensya laban sa sakit. Ugaliing magpacheck-up ng regular sa inyong doctor at itanong ang mga nararapat niyon ugaliing magpacheck-up ng regular sa inyong doctor at itanong ang mga nararapat niyong gawin upang makaiwas sa mga sakit.
Sources:
- https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/10-immune-system-busters-boosters#1
- https://www.webmd.com/cold-and-flu/ss/slideshow-immune-foods
- https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/7-simple-steps-to-boosting-energy/art-20305553