Mga pagkaing makakatulong para mas mapabuti ang circulatory system

July 26, 2017

Photo from Pinterest

Sinasabing tinatayang 7 porsiyento ang volume ng dugo ang nasa katawan ng isang tao. Ang dugo ay binubuo ng plasma, red blood cells, white blood cells at blood platelets.

 

Ang plasma ang naghahatid ng blood cells sa buong katawan. Pinapatili nito na normal ang blood pressure at nire-regulate nito ang temperatura ng katawan. Ang red blood cells ang siyang nagdadala ng oxygen at carbon dioxide. Ang red blood cells ang may pinakamaraming bilang ng blood cells, na humigit-kumulang na 5,000,000 bawat cubic microliter. Ang white blood cells na tinatawag ding leukocytes o leucocytes ay mga cells ng immune system na nagproprotekta sa katawan laban sa mga nakakahawang sakit. Ang pangunahing tungkulin naman ng blood platelets ay ang pagpigil ng pagdugo kapag nagkasugat ang isang tao. Ang normal platelet ay may bilang na 150,000-350,000 bawat microliter ng dugo. Ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng mga tao ay mahalaga para mapanatili ang malusog na pangangatawan. Pinoprotektahan din ng dugo ang katawan laban sa mga pathogens na nagiging sanhi ng pagkakasakit. Ilan sa mga health conditions na sanhi ng hindi magandang sirkulasyon ng dugo ay ang pangingitim ng ilalim ng mata, varicose veins at leg cramps, deep vein thrombosis, cardiovascular diseases at blood clots, stroke, memory loss, sakit ng ulo at pagkahilo. Anemia, Leukemia, Lyphoma, Polycythemia Vera, Lymphocytopenia, Eosinophilia, Leukopenia at Hemophilia naman ang ilan sa mga malulubhang sakit sa dugo na kailangang iwasan.

 

Paano maiwasan ang mga sakit na ito?

 

Ilang paraan sa pagpapanatili ng malusog na dugo ay ang pag-eehersisyo, paghinga ng malalim at pag-inom ng maraming tubig para ma-replenish ang dugo. Nakasalalay din sa tamang pagkain ang pag-iwas sa pagkakaroon ng malusog na dugo. Ito ang ilan sa mga pagkain kailangan ng iyong katawan:

 

1. Iron-rich foods - Ang mga pagkaing mayaman sa iron ay nakakapagpataas ng red blood cells. Kasama dito ang red meat katulad ng beef, organ meat tulad ng kidney and liver, gulay katulad ng spinach at kale, dried fruits tulad ng prunes at pasas, pomegranates, beans at egg yolks. Ang gatas ay may mataas na calcium rate at  nagpapataas ng bilang ng platelets. Kasama dito ang cheese, yogurt at mga organic dairy products at yogurt. Makakabuti rin ang skim milk at yogurt para sa pagpababa ng timbang at blood pressure.

 

undefined

 

2. Mga gulay - Ang mga madadahong gulay ay tumutulong para mapababa ang lower blood pressure. Ang mga gulay na ito ay mayaman sa potassium na tumutulong sa kidney ng tao para matanggal ang sodium sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagtunaw at nailalabas sa pag-ihi. Dahil dito, napapababa ang blood pressure. Ang red peppers ay  mayaman sa Vitamin C. Ang broccoli ay puno ng mga bitaminang A, C at E at antioxidants at fiber. Ang mga mayaman sa Vitamin A na gulay katulad ng carrot, pumpkin, kale at sweet potatoes ay maaring pagkunan ng protein formation ng katawan na tumutulong sa cell division at growth.

 

3. Folic Acid-Rich Foods - Ang Folic acid o Vitamin B9, ay ang B-complex vitamin na tumutulong sa katawan para makabuo ng bagong healthy red blood cells. May mga tinapay, cereals at green leafy vegetables tulad ng kale, spinach, dried beans, peas at nuts na nagtataglay ng folic acid.

 

4. Vitamin B-12-Rich Foods - Ang Vitamin B-12 ay isang B-complex vitamin na importante para sa DNA synthesis at produksyon ng red blood cells sa bone marrow. Kasama sa Vitamin B-12 ang beef liver, isda, red meat, itlog, gatas, dairy products, cereals at nutritional yeasts.

 

undefined

 

5. Mga prutas - Citrus, grapefruit, oranges, tangerines, lemons, limes at clementines ay mahalaga din para dugo dahil sa pagpapalakas ng immune system ng katawan. Ang mga prutas na may Vitamin C ay nagpapadami ng produksyon ng white blood cells. Ang saging naman ay mataas sa potassium. Ang mga berries, lalo na ang blueberries, ay mayaman sa natural compounds na flavonoids. Nagpapababa din ito ng blood pressure.

 

6. Oatmeal – May mataas na fiber at mababang sodium way na nagpapababa ng blood pressure. Ang pagkain ng oatmeal sa almusal ay magandang source ng energy na kailangan buong araw.

 

Sa panahon ngayon na mahal ang mga bilihin, ang pinakamabisa at praktikal na paraan para hindi magkasakit ay prevention. Pag-iwas sa pamamagitan ng healthy lifestyle lalo na ang pag-kain ng wasto.


References: